Sa biglang buhos ng ulan

Sa biglang buhos ng ulan masaya na akong ikaw ang kasama.

Advertisements

rain-122691_640

Ano nga bang mas masahol pa
Sa hirap ng pagbaybay sa trapik ng EDSA
At sa Commonwealth na suki ng trahedya?
Ibuhos na ang ulan at nang reklamo’y managana.

Langhapin ang usok, daluyong ng polusyon
Isama na rin ang pawis higit otso oras inipon
Sa loob ng sasakyang manggagawa’y nagkakatipon
Biglang bubuhos ang ulan’g di muna lahat sana sumasang-ayon.

Pagbaba sa sasakyan magsisimula ang tunay na perwisyo
Walang dalang payong, napabili siento bente ang presyo
Isinuong pa ang sapatos kaya paa’y nababad ng husto
Sa bawat pagtapak ramdam ko ang mga medyas kong nagrereklamo.

Subalit gaano man kahirap ang pagbaybay sa maulang kalsada
Kahit ang ating mga paa’y nagtatampisaw sa bahang rumaragasa
Di alintana ang pagbuhos basta sa payong kasukob ka
Sa biglang buhos ng ulan masaya na akong ikaw ang kasama.

Picture from Pixabay

Author: Marts Valenzuela

To know Christ and make Him known.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s