EDSA

Ang kalsadang nag-uugnay
Bakit tila isa yatang parusa?

Advertisements

image

Ako’y isang obrero
Binabagtas lagi ang EDSA
Sinasalubong ang daluyong
Ng polusyon at problema
Ng bayan ko, tuwing umaga.
Inaalmusal ang usok
At isa na naman problema
Na ang tren ay muling nasira
At mga sasakyang nagkarambola
Heto’t muling naperwisyo ang EDSA.

Sa bawat araw na dumadaan
Tinatahak ang layunin
Na kumita kahit tig-iilang daan
Upang maipanglaman
Sa kumakalam na sikmura
Ng aking sambahayan.
Dilim ang kaulayaw
Sa pag-alis sa umaga
Dilim pa rin ang dadatnan
Bago humimlay sa kama.

Ang kalsadang nag-uugnay
Bakit tila isa yatang parusa?
Sa halip na mas lumuwang,
Bakit mas sumisikip pa?
Ang EDSA ba ay para lang sa iilan
At kami’y walang karapatan?
Progreso’y naparam na ba’ng tuluyan
At kaming mga obrero’y naiiwan?
Sa pag-unlad niyo, mga Ma’am at Sir ng bayan
Huwag naman sana ninyo kaming kalimutan.

Author: Marts Valenzuela

To know Christ and make Him known.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s