Cutting Trip

“Ang risk lang, kailangan nating muling umasa, ngunit samahan natin ng matalinong pagpapasya.”

Advertisements


Nakakainis yung nakasakay ka sa jeep, komportable ka na sa pagkakaupo mo at sa ilang sandali na lang ay mararating mo na ang destinasyon mo, tapos biglang magsasabi ang driver na “hanggang dito na lang po muna tayo”, sabay abot ng ilang barya. Nakakainis lalo na at nagmamadali ka o kaya naman alam mong mahihirapan ka na namang makasakay ulit. Nakakainis. Para ka na ring pinaasa sa matamis na “oo”, tapos wala rin pala. Nakakainis, kasi alam mong ikaw ang umasa.

Oo, huhugot ako. Nang dahil sa biglang liko ni manong driver sa 15th Avenue, mantakin mong ilang kanto na lang sa Gateway kung saan ako dapat na bumaba, mapapahugot ako.

Ilang beses na nga ba tayong umasa? Umasa na may mga taong magmamalasakit na dalhin tayo sa lugar na nais nating patunguhan? Umasa na sa tamang halaga na ibinibigay natin, minsan nga ay sobra pa, tayo ay mabibigyan ng kaukulang pansin at damdamin? Ilang beses na ba tayong tumanggap ng mga empty promises, naniwala at pinaikot ang ating mundo sa mga pangako nila, na baka nga posible, baka nga pwedeng may magbago sa takbo ng buhay natin ngayon. Baka ang status natin ay magkaroon ng kaibahan at di na tayo magiging tampulan ng puna at mapang-usisang tanong ng ating mga kapitbahay. Nakakasawa na rin kasi. Palagi na lang tayong napag-iiwanan. Ang iba nating mga kasabayan nakaabante na, samantalang noon tayo ang nauuna. Ang masaklap naiiwan na nga, ngayon nabu-bully pa. Minsan nadadaya pa. Yan ay dahil umasa tayo. Umasa tayong bibigyan nila muli ng kulay ang namumusyaw nating mga pangarap. Umasa tayong itutuwid nila ang daan na patuloy na nalulubak ng mga problema na alam nating may katugunan naman. Umasa tayo na bubusugin nila ang ating mga sikmura, na tatapatan nila ang ating mga adhika, at bibigyang-linaw ang ating mga hinuha. Umasa tayo. At yan lang naman ang pinakamainam nating magagawa sa ngayon Рang umasa.

Pero sana naman maging matalino na tayo. Kung alam naman natin na bulok, sira, at sa malamang ay di na tayo kaya pang ibiyahe sa tamang daan, o di talaga tayo hangad na ibiyahe talaga, bakit pa ba natin sasakyan?

At ngayon aasa na naman tayo. Marami na namang nagbibigay ng kanilang mga pangako. Marami na naman ang nag-aalok ng pagbabago. Tulad ng isang pampasaherong jeep na inaasahan mong magdadala sayo sa nais mong puntahan, sila ay naghahangad din na sila’y iyong sakyan. May mabilis, may mabagal, may bulok, may bago, may maingay at meron ding tatahi-tahimik lang. Tayo naman, muling makikiramdam. Pilit kikilatisin kung kaninong byahe ba ang nais nating samahan. Pero sana naman maging matalino na tayo. Kung alam naman natin na bulok, sira, at sa malamang ay di na tayo kaya pang ibiyahe sa tamang daan, o di talaga tayo hangad na ibiyahe talaga, bakit pa ba natin sasakyan? Para ka na ring nagbayad ng pamasahe sa manong driver tapos ibababa ka rin naman sa kalagitnaan ng byahe. Cutting trip.

Wala namang masama na umasa, dahil di naman tama na mawalan ng pag-asa. Malay mo, isa sa kanila ang tunay magdadala sa atin tunay na pagbabago. Hindi lahat ng driver ay mahilig sa cutting trip. May mga matino pa rin na handa tayong ihatid sa nais nating puntahan. Ang risk lang, kailangan nating muling umasa, ngunit samahan natin ng matalinong pagpapasya.

Author: Marts Valenzuela

To know Christ and make Him known.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s