Namimiss mo rin ba sila?

Sabi nga ng mga kabatch kong mga 90s kids, mapalad daw kami dahil inabutan namin ang panahon kung saan ang mga laro ay hindi nangangailangan ng gadgets, hindi kailangan ng kuryente at hindi kailangang gumastos para maging masaya.

Advertisements

Namimiss mo rin ba silaIsa sa mga paborito kong bisitahing Facebook page ay ang Kami ang Batang 90s. Punong-puno ito ng mga bagay na makapag-papaalala sa iyo ng kasimplehan ng buhay ng kabataan natin. Sabi nga ng mga kabatch kong mga 90s kids, mapalad daw kami dahil inabutan namin ang panahon kung saan ang mga laro ay hindi nangangailangan ng gadgets, hindi kailangan ng kuryente at hindi kailangang gumastos para maging masaya. Simpleng lata, tsinelas, balat ng kendi o lubid lang masaya na tayo. Minsan nga naghahabulan lang o kaya nagluluksong-baka lang ok na e. Tapos maliligo sa ulan. Sobrang simple lang ng buhay.

Pero isa sa mga nakakatuwang balikan ay ang mga experiences natin sa eskwelahan. Naaalala niyo pa ba yung mga madalas nating bisita sa mga eskwelahan nun? Particularly kung nanggaling kayo sa public school kagaya ko, malamang sa malamang, maaalala niyo pa rin sila.

Ang mga Student Teachers. Sila yung mga nagpa-practicum na mga Educ students. Usually ang mga nabibigyan ng student teachers, o ST ay yung mga top sections lang. Sila daw kasi yung mga mababait, matatalino at yung tipong hindi ipapahiya at ibabagsak ang ST na ibibigay sa klase nila. Usually din dahil bata pa ang mga STs na ito, napapamahal talaga ang mga estudyante sa kanila. Kadalasan pa nga nagiging crush sila ng mga boys ng star section.

Tapos bago pa man ang klase, may practice na rin kung paano tatakbo ang recitation. May sasagot sa likod, sasagot sa harapan ng klase, sa kanan at sa kaliwa. Sabihin na nating orchestrated ang klase.

Kapag teaching demo na nila, may dadating na mga bisita para bigyan ng grade ang mga mahal nating ST. Kaya naman lumalabas ang pagiging creative nila. Sangkatutak na mga manila papers at mga teaching paraphernalia and visual aids ang ibabalot sa chalkboard para maging interesante ang klase. Tapos bago pa man ang klase, may practice na rin kung paano tatakbo ang recitation. May sasagot sa likod, sasagot sa harapan ng klase, sa kanan at sa kaliwa. Sabihin na nating orchestrated ang klase. Nakakamangha kasi bihira sa isang klase na makakita na ang lahat ng estudyante ay alive, alert, awake at enthusiastic – ito ay dahil sa napakaespesyal na araw ng teaching demo. Nabigyan ka din ba ng script ng isasagot mo dati?

Ang mga Advocate for Literature. Ok, inaamin ko, for the lack of better introduction kaya ko nasabing advocate. Pero kilala niyo sila malamang. Sila yung mga kuya natin na nagbebenta ng Alamat ni Maria Makiling, Alamat ng Pinya, Si Matsing at si Kuneho, Mga Kwento sa Bibliya, Encyclopedia, atbp. Sila ang mga kuya nating nagtataguyod na maging mas imaginative pa tayong mga estudyante sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga educational books and other items. May dala rin kasi sila minsan na mga clay na parang bareta ng Champion. Iba-ibang kulay pa tapos yung Row 1 lang ang makaka-experience. In fairness, minsan naman ipinapasa sa lahat. Pero kung ang apelyido mo ay nagsisimula sa Letter R hanggang Z, sigurado hindi man lang madadampian ng kamay mo ang mga libro at clay ni kuya, dahil matatapos na agad ang ilang minutong binigay ni teacher para sa sales talk niya. Maliban na lang syempre kung bibilhan ka ng nanay mo, dahil sigurado babalikan ka ni kuya kinabukasan. Pero ngayon hindi na siguro sila bumibisita sa mga eskwela. Lahat kasi halos ng items na meron sila, madali na nating makukuha sa internet.

Mga Nagbabagong-buhay. Sinadya ko silang ihiwalay sa mga nagbebenta ng educational items dahil sila naman ang mga taong unang umantig sa ating mga murang puso. Sila yung mga bagong laya sa kulungan na nagbebenta ng mga handicrafts galing pa ng Ihawig o sa Bilibid. Usually mga wallet, coin purse, key chain, sinturon at ang pinaka-intriguing sa lahat yung bote ng Gilbey’s na may barko sa loob. Kung di ba naman mapukaw ang curiosity mo ewan ko na lang. Paano ba nila nailalagay yung barko sa loob ng bote? Manghang-mangha tayong mga bata kala manong, pero kumpara kala kuyang encyclopedia, hindi naman tayo bumibili talaga ng mga binebenta nilang bote. Pero ewan ko, market ba talaga ng mga handicrafts from prison ang mga eskwelahan? Maliban na lang kung ang mga binebenta ng ating mga bisita ay mga pastillas, yema at ube halaya. Dito talagang nagpapatak-patak pa tayong magkakaklase para makabili ng isang balat, na kadalasan limang hanggang sampung piso ang isang balot. Nagkakagulo pa tayo at nag-aagawan makahingi lang. Pero ngayon, sa mga bus at sa mga park at kahit pa sa loob ng fastfood mismo, madami nang mga nagbebenta ng mga yema, pastillas at ube halaya, pero madalang na sa atin ang bumbili. Marahil, di na gaya ng mga bata pa tayo, di na masyadong mabenta sa atin ang paggamit sa mga foundations at mga institutions para mahikayat tayong bumili.

Ang merkado. Hindi sila bisita pero tayo ang madalas na bumibisita dito. Excited tayo sa paglabas sa school grounds kasi nakaabang na silang lahat sa labas! Si manong na nagbebenta ng ice crumble, nagpapabunot ng mga gagamba, sisiw, itik, dagang costa at umang. Sila manang na may bitbit na sangkatutak na laruan panglalaki at pangbabae, nakasabit sa mini-kariton niya. Yung manang na nagbebenta ng Yakult, na hanggang ngayon ganun pa rin ang uniform.

Kung may service ka pauwi, malamang pinaghihintay mo ang service mo hanggat di ka pa tapos sa pamimili mo. Pero mas masaya kung wala kang sundo kasi sabay sabay kayong uuwi ng mga tropa mo ng magkaka-akbay pa.

Si manong sorbetero, magbubuko, magma-mangga at syempre si kuya na nagbabantay sa video arcade. Di tayo masyadong laman ng internet shop nun, dahil unang una di pa natin alam yun. Pero buhay na buhay ang kalakalan sa labas ng ating mga paaralan. Kung may service ka pauwi, malamang pinaghihintay mo ang service mo hanggat di ka pa tapos sa pamimili mo. Pero mas masaya kung wala kang sundo kasi sabay sabay kayong uuwi ng mga tropa mo ng magkaka-akbay pa. Pero ngayon, di na masyadong patok ang mga tindahan na ito sa labas ng eskwelahan. Mas marami na kasi ang mga pisonet sa paligid ng paaralan.

Si Class Adviser. Sila Ma’am at Sir, mga naging pangalawang magulang natin sa loob ng paaralan. Naaalala mo pa ba sila? Sila yung mga nagpapadala sa atin taon-taon ng mga plastic covers, envelopes, cartolina, sandamakmak na illustration boards at manila paper, mga pentel pen at basahan. Noong mga panahon din natin, sila rin yung may dalang tocino at longganisa sa klase. Yung iba nga may sari-sari store pa sa tabi ng teacher’s table nila. Pero mahal natin sila. Lalo na kapag pinapaiwan tayo dahil cleaner tayo for the day, at maglalagay tayo ng floorwax sa sahig o kaya ay magbubunot at sila at nakatayo sa pinto at nagmamando o kaya’y nanonood ng teledrama sa faculty room.

Lumaki tayo na takot sa teacher natin, pero ngayon yata sila na ang sinisindak ng mga estudyante.

Mahal natin sila kasi sila yung nagturo sa atin na maging enterprising lalo na kapag tayo ang pinagbebenta ng tray ng paninda galing canteen, o kaya iapply ang economics ng limited resources habang nagtatakal ng sopas o goto. Sa kanila din natin natutunang matakot at sumunod sa authority, dahil unang una ayaw nating mapatawag sa Principal’s office o sa Guidance Counselor. Natuto tayo sa kanila na harapin ang iba’t ibang hamon ng buhay, kagaya ng lumilipad na eraser o ang pag-ilag sa matalas niyang tingin para tawagin tayong magrecite. Pero seriously, isa sa hindi ko malilimutan ay ang challenge sa akin ng class adviser ko ng elementary na “kaya ko at may tiwala siya sa akin”. At kahit wala na siya ngayon, hindi ko malilimutan ang naging challenge niya. Lumaki tayo na takot sa teacher natin, pero ngayon yata sila na ang sinisindak ng mga estudyante. Ngayon, alam kong iba na ang environment sa mga eskwelahan, pero ang pagmamahal ng mga guro sa mga estudyante ay hindi nagbabago.

Author: Marts Valenzuela

To know Christ and make Him known.

8 thoughts on “Namimiss mo rin ba sila?”

  1. Ang lakas namang maka-throwback thursday netong post mo! Hayy, I miss you elementary days! Mahaba tong reply ko kasi madaldal ako, saka dami kong naalala at tawa sa post mo.

    Lahat ng mga nabanggit mo naranasan ko sa public school! Except yung nagbebenta from prison, parang wala akong matandaang ganon. Sa totoo lang mas exciting ang elementary ko kesa sa high school, kaya hindi ako makarelate sa high school ang the best time of your life. Meh. I hated my high school e. ANywaaaay…

    Yung student teachers, madalas nga silang nagiging crush ng boys sa klase, kadalasan kasi girls e. Kaya pag may nataon na guy na student teacher, sinunggaban na ng lahat ng girls. Ewan ko nung kapanahunan mo lolo marts, pero samin mas marami palagi ang girls. As in scarcity ng mga lalake sa klase. Kaya imagine-in mo yung competition. Hunger games!

    Cool yung mga nagbebenta dati, napatunayan nilang uto-uto talaga ako. Ang weird pa, kasi nung may nagbenta nung mga pandesign ng mga gulay, binigyan ako ng nanay ko ng pambili. Nung gusto kong bumili ng book na “How To Play The Guitar” ayaw nya akong payagan kasi wala naman daw kaming gitara.

    Pinabili pa kami noon yung cardboard na dalawang bilog, magkapatong tapos umiikot yung bilog sa ibabaw at may butas, tapos may mga verbs na nakasulat, kapag tinapat mo sa do, makikita mo dun sa butas yung past tense nya, did. Cool haha! May present participle pa ata o kung ano pa mang transformations ng mga verbs. Pinabili kami tig-iisa ng teacher namin, tapos gagayahin namin, project daw namin. Grade 6 na ako non. Hindi ko ginawa yung project bukod sa tinatamad ako, sabi ko walang saysay. Meron na nga yung nabibili, gagayahin lang naman namin pati yung mga nakasulat bat pa kami gagawa? O diba, epal ko na dati pa hahaha! Kinurot ako nung teacher ko non, pero tigas ng mukha ko pinigil kong umiyak. Tumakbo ako sa cr pagtapos nya akong kurutin at pagsabihan, don ako umiyak tapos nag-cutting class na. Section 1 ako non. Tapos nilipat nya ako sa section 10. Sya rin yung naalala ko sa class adviser. Ginang Erlinda ang pangalan, itago ko na yung apelyido, baka gino-google nya yung sarili nya minsan.

    Like

    1. Hahahaha. Lagot ka kay Gng. Erlinda 🙂 ang high-tech na nga ng ibinebenta sa inyo e. High school ko na yata yan e. Haha. Sa amin mga Alamat ni Maria Makiling lang talaga. O kaya mga buto ng sitaw, buto ng kalabasa, buto ng kung ano ano na pwede mo itanim. Haha

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s