Startup 2016

Bagong taon. Bagong mga plano. Pero ano nga ba ang magbabago?

Advertisements

Bagong taon na naman. Panahon na naman ng mga New Year’s resolutions na hindi naman talaga natutupad ng karamihan sa atin, kasama na ako. Sa mga susunod na linggo, dadagsa na naman sa mga gym at sports complex ang mga strong-willed men and women na nais nang sunugin ang mga taba at cholesterol na inimbak ilang araw lang ang nakakalipas. Kung paanong ang September ay may dalang “Wake me up when September ends”, mabubuhay ulit ang status na “New Year, New Me” at “Oplan Balik Alindog”. Malamang sa malamang din, makiisa rin ako sa programa, nagmamakaawa na rin kasi ang mga pantalon ko dahil sa parusang ibinibigay ko sa kanila.

Startup 2016Umorder ako ng isang Financial Management planner. Sobrang benta sa akin ang pagkakaroon ng bagong mindset pagdating sa pagma-manage ng pera sa pagpasok ng bagong taon. Sisimulan ko sana sa planner. Yung planner na may mga tips sa pagba-budget, inspiring stories ng mga taong nagsikap at nagtagumpay, mga reminders sa pagtitipid, atbp. Ilang planner na rin ang sinimulan ko nang mga nakalipas na taon pero hanggang tatlong linggo lang yata ang validity ng desire ko sa paglapat ng mga bagay-bagay sa napipili kong planner.

Sa kasamaang palad, may nagkainteres yata sa planner ko. Ni hindi pa nga nagsisimula ang bagong taon at di ko pa nga nasisilayan, di pa nasusulatan, nawala na agad. Pero hayaan mo na, kung sino man ang nakakuha at nagkainteres sa package na may pangalan ko naman at address, sa kanya na lang yun. Besides, baka mas makatulong sa iyo yan. Mukhang di nga yata kasi ako pang-planner. Dahil ba wala naman akong plano? O mas maganda lang na spontaneous? Parang mga lakad ng barkada, mas natutuloy kapag walang plano.

Bagong taon. Bagong mga plano. Pero ano nga ba ang magbabago?

Iiwanan ko ang 2015 nang may masasaya at malulungkot na entries sa journal ko. Mga bagay na natanggap, mga bagong kakilala at kaibigan, ilan sa mga goals na natupad (gagawa na nga ako ng bucket list para mas organized), ilang mga mahahalagang lessons na natutunan, at si Maine Mendoza. Gayundin, may relasyon din na nawala, mga pangarap na kailangang i-realign, mga frustrations na kailangang i-address, disappointments na kailangang tanggapin at teledrama sa hapon na di pa rin pala natatapos. Isang bagong taon na naman ang papasok – what’s in store for me? For us? For Pia Wurtzbach?

Higit sa bagong kalendaryo ng Mercury Drug at mga discount coupon, ang bagong taon ay nagbibigay ng bagong pag-asa. Pag-asa na anuman ang iniwan natin ng nakalipas na taon, maaari pa nating itama, o kung hindi man ay paghugutan ng mga lessons na ipapamana natin sa ating future self.

Anong magbabago? Nandyan pa rin naman ang mga weird weather disturbances unless kumilos ang lahat laban sa climate change. May mga corrupt pa ring opisyales unless seryosohin talaga ang battle against corruption. May carmaggedon pa rin partikular sa EDSA unless all of a sudden maisipan ng lahat ng mga motorista na lumipat na lang sa pagbi-bike.

Higit sa bagong kalendaryo ng Mercury Drug at mga discount coupon, ang bagong taon ay nagbibigay ng bagong pag-asa. Pag-asa na anuman ang iniwan natin ng nakalipas na taon, maaari pa nating itama, o kung hindi man ay paghugutan ng mga lessons na ipapamana natin sa ating future self. Mabilis na tumatakbo ang panahon, lalo na para sa mga taong pilit na naghahabol ng mga personal deadlines nila. May mga naghahabol na baka maiwanan na sila ng kalendaryo at single pa rin sila. May mga naghahabol sa kanilang mga pangarap na magkakotse sa edad na ganito, bahay sa taong ganyan. Hindi masama, it gives us motivation and direction kung saan natin gusto mapunta at nais nating makamit.

Quote 1

Mabilis umuusad ang panahon, ngunit sa pag-usad nito, ang gusto ko sana ay hindi lang ako basta naghahabol sa panahon at mga personal deadlines ko – gusto ko ding mas makapag-impart ng blessing and inspiration sa mga nasa paligid ko, by word and by deed. Syempre gusto ko ring lumiit ang abdominal fats ko at mapalitan ng six pack. Hahaha!

Ito ang pag-asang hatid sa akin ng bagong taon: na maaari kong baguhin at patunayan na kaya kong higitan ang aking nakaraan. Gayundin ang hatid nito para sa iyo. Ewan ko lang kung tatanggapin mo.

Hinihintay ko pa rin ang planner ko. Baka makunsensya pa ang kumuha. Haha! Pero alam nating lahat na wala sa planner ang pag-asa, wala sa kalendaryo o sa petsa. Ang pag-asa ay nasa atin, sa ating disiplina at sa ating willingness to change ourselves for the better.

For a better 2016.

For world peace.

Forever.

Author: Marts Valenzuela

To know Christ and make Him known.

11 thoughts on “Startup 2016”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s