Rock to Daranak

“Falls alarm! Akala ko ok tayo, ang lamig po pala. Awts”

Advertisements

Matagal-tagal na rin mula nang huli kong long ride, at masasabi kong sobra kong na-miss! Sa sobrang na-miss ko nga, halos umuwi na akong lumpo. Ang sakit lang, bes. Bawing-bawi talaga ang matagal na hiatus.

So here’s my entry sa recent escapade ng tropa:

rock-to-daranak

Initially we’re planning to bike all the way to the Windmills of Pililia, Rizal. Medyo matindi-tindi ang sinapit ng mga kasama ko the last time they went there kaya medyo hesitant din kami na dun nga tumuloy lalo pa’t matagal-tagal kaming napahinga. So we pursued Tanay, Rizal instead. Along the way na lang namin napag-desisyunan na mag-Daranak.

Call time namin ay 5:30am pero kumain muna kami ng lugaw sa Riverpark. Kaya naman ang naging actual ride out namin ay naging 7am na halos.

1

Smooth na smooth ang byahe, at maliwanag na rin. Walang babaan, wala ring inom-inom ng tubig! Para sa mga non-pro bikers kagaya namin, isang malaking feat na ang umabot sa Angono, Rizal para sa unang stopover para bumili ng inumin. Ang saya walang baong tubig. Hahaha!

2

Sinalubong kami ng parade!

After a few minutes, padyak ulit! With occasional stops para maghabol ng hininga, uminom ng tubig at kumbinsihin ang sarili na nasa tamang katinuan pa ako sa kabila ng lahat ng ginagawa kong pagpapagod. Haha!

3

Isa sa mga best part ng long rides namin sa Rizal ay ang mga luscious green na mga palayan. Yes, luscious talaga kasi ang sarap sarap pagmasdan. Kaya syempre, bike selfie taken from Morong rice fields! 🙂

Pagdating sa Morong town proper, sinalubong kami ng isang mahabang funeral march. Medyo matinding pagsingit-singit at pakikibaka sa mga nagbubuhol-buhol na sasakyan. The best part riding a bike is that you can always squeeze yourself into traffic jams!

Unti-unti nang tumitindi ang init, kumakalam na rin ang sikmura; on top of that, namamanhid na ang mga hita ko kakapadyak! Mabuti na lang talaga may province-feels dahil sa mga bigas na nakalatag sa mga gilid ng kalsada na winawalis-walis pa! Nakaka-relax! Ayun, kahit na G na G pa ang mga kasama ko, nakiusap na akong magpahinga muna sandali sa lilim ng mga puno c/o Baras, Rizal.

5

4
Haha! Huli ka Henry!

After a few minutes, pagkakain ng Beng-Beng padyak kami ulit with the idea na wala nang 10kms nasa Tanay town proper na kami. My goodness, sobrang sakit na talaga ng mga binti at hita ko, pero ilang sandal na lang makakarating na kami ng Tanay… humihingi na talaga ako ng sorry sa katawan kong pinahihirapan ko nang sobra. Haha!

6Pampalubag-loob, sobrang naaliw lang ako sa overarching leaves ala UP on the way to Tanay, Rizal. Sobrang cool!

25

Ilang ahon, hingal at pagdadalawang-isip na umuwi ang lumipas, finally nakakakita na kami ng signages leading us to Daranak Falls. Ayun, may destination na kaming pupuntahan. Thinking na malapit na lang na paghihirap ang kailangan naming suungin, medyo na-excite na kami. Pero sa mga signages na nakita ko, isa ito sa mga kinatutuwaan ko… wala lang, siguro kung malakas-lakas lang resistensya namin, baka kayanin namin padyakin hanggang Laguna hanggang sa dumilim.

We could opt to book a nearest hotel para makapagpahinga na rin at maituloy ang desire namin to bike up to Laguna. In that case, TravelBook.ph is a valuable tool para dyan. With just a few clicks, makakakuha ka na ng great deals sa mga nearest hotels, para nga naman tuloy-tuloy ang biking adventure! Or use the link on the sidebar kung need mo maghanap ng ibang hotels. Go lang, bes!

7

Eto na nga, binagtas namin ang kalsadang magiging akala namin magiging friendly sa amin. We just thought na kahit paunti-unti lang, maaabot na namin ang inaasam-asam naming rest sa Daranak in a few minute ride. Pero puputok na lang ang mga paa namin at dadanak ang dugo kakapadyak, kakatulak sa mga ahon, dagdagan mo pa ng gutom at galit na galit na sikat ng araw, di pa namin natatanaw ni katiting na tubig ng Daranak. ayun sumuko na lang kami. Napatawag kami ng tricycle para i-rescue kami. At pinagdudahan pa namin na overcharged masyado ang singil sa amin, pero along the way sooooobrang layo pa pala talaga, at puro ahon pa! Good decision. As in. We were charged 50php each, kasama na ng bike. Oohh, the beauty and benefit of a folding bike.

8

Yun na, nakarating rin kami sa Daranak Falls! Gutom na gutom na kami kaya after magparada ng mga bikes, for 20php each bike, hanap kami agad ng makakainan. Bago ka pumasok ng entrance, may mga nagtitinda ng mga noodles, inihaw na liempo, tilapia, mga de lata etc. We bought inihaw na tilapia for 150php each, malaki siya and good for 3-4 persons na and additional rice for 10php each. Ok na rin para sa mga gutom at pagod na kagaya namin. We could have added more sa pagkain kaso medyo limited lang ang budget namin. Salamat talaga kay Kuya Benjie. Haha!

9

Daranak Falls is a haven for nature lovers. Marami-rami rin ang mga bikers and motorcycle riders na dumadayo dito. Bukod sa Falls na talaga namang nakaka-fall in love, may Calinawan Cave pa na pwedeng pasukin. Unfortunately we weren’t able to get through the cave. Masyado kasi kaming na-fall sa paliligo sa falls.

10

11The entrance fee is at 50php each. Open din for photoshoots and prenuptials for 1500php. No pets and alcoholic beverages allowed. May mga picnic sheds din na pwedeng rentahan for 300php and picnic tables for 200php each.

21After considerable time na makapagpahinga, talo-talo na!

“Sa sobrang ganda mo, hindi ko maiwasang hindi ma-fall sayo”

14
18

“Gusto sanang mahulog sayo, kaso natatakot akong baka wala kang intensyong saluhin ako”

Joke lang, di lang ako marunong lumangoy.

15

“Falls alarm! Akala ko ok tayo, ang lamig po pala. Awts”

13

Nag-decide kaming itigil na ang kasiyahan bandang 4pm at mag-asikaso na pauwi. Akala ko nung una, since ayaw ko sa malamig [na tubig], hindi ko masyadong magugustuhan, pero iba rin kapag nahulog ka na. Haha!

20

19

12

Ayun, bye Daranak!

17

Ordeal pa rin ang pag-uwi pero the best part ay kung saan kami idinaan ng tricycle paakyat, siya rin ang dinaanan ng mga bike namin pababa. Heavenlies! Sobrang saya ng ilang kilometrong downhill! 🙂

23

Pero kahit gaano pa kasaya ang lahat, kailangan pa rin naming harapin ang katotohanang gumagabi na at kailangan nang makauwi agad sa aming mga mahal sa buhay dahil may church service pa kinabukasan. Bukod pa dun, halos wala na rin kaming energy. Nagdecide na kami ni Henry na mag-bimodal pero si Kuya Benjie nag-insist na pumadyak pa ulit pauwi through Teresa, Rizal. So we parted ways. I arrived home ng mga 8:30pm.

At ang kinabukasan ay napuno ng limping and agonizing pain sa paglalakad. Para na rin akong nabugbog sa pagod at sakit ng hita, binti at tuhod.

22

Until next time! At mukhang marami-rami pang pwedeng mapuntahan sa Tanay, Rizal. 🙂

Author: Marts Valenzuela

To know Christ and make Him known.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s