Marked

May label na tayo – “Christians”. For me this is the best “mark” that I have ever received in my life.

Advertisements

16

Day 16: God says you are…

MARKED

College freshman ako nun, wala pang kakilala, wala pang kaibigan sa klase. Ilang araw pa lang kasi after ng opening ng classes. Then nag-assign ng group reporting yung teacher ko. Ok naman ang grupo ko kahit paano, pero gusto ko kasi excellent ang report kaya nag-exert pa ako ng effort beyond what was required. I wanted to make an impression. I wanted to make a mark.

Pero traditional si sir. Hindi siya na-impress sa akin. Sa kalagitnaan ng reporting ko, pinatigil niya ako at sinabihan – “umupo ka na at walang matututunan sayoa ng mga kaklase mo”. Baaang! Ang sakit. Napahiya ako sa mga kagrupo ko, sa mga kaklase ko, sa sarili ko. Gusto kong manlaban pero alam kong wala siyang pakialam sa akin. Minarkahan niya na ako: walang silbi. walang kwenta. Mabuti na lang at pumasa ako kahit paano. at di ko na siya nakita sa school after that semester.

May mga taong nag-iiwan ng mark sa atin, be it positive or negative. Ang mga markang ito ay humuhubog sa ating identity. Minarkahan kang mabuting tao, mapagbigay, o kaya naman minarkahan kang salot o walang pakinabang. Nasa sayo na kung paano mo tatanggapin ang mga markang ito at kung paano mo ito padadaluyin sa iyong pagkatao.

The moment we accept Jesus as Lord and Savior, He has given us a seal, a mark that we are His. Pag-aari na Niya tayo at bilang pag-aari Niya, tayo ay secured na sa Kanyang pamilya. Anuman ang marka na ibinigay sa atin ng ibang tao – lalo na ang mga masama na nag-degrade sa atin – lahat ng iyon ay binura na ng Dios.

May mga marka din na nagsisignify ng ownership. Fraternity members are given marks as a symbol of their allegiance and membership to the group. Ang mga hayop sa bukid, nilalagyan ng marka ng kanilang mga tagapangalaga para malaman kung kanino silang pag-aari.

Spiritually speaking, tayong mga anak ng Dios ay minarkahan na rin Niya with the Holy Spirit. The moment we accept Jesus as Lord and Savior, He has given us a seal, a mark that we are His. Pag-aari na Niya tayo at bilang pag-aari Niya, tayo ay secured na sa Kanyang pamilya. Anuman ang marka na ibinigay sa atin ng ibang tao – lalo na ang mga masama na nag-degrade sa atin – lahat ng iyon ay binura na ng Dios. May label na tayo – “Christians”. For me this is the best “mark” that I have ever received in my life.

Sa biyaya ng Dios hindi na naulit ang panghahamak sa akin ng professor ko, maging sa mga sumunod kong taon sa kolehiyo. Pero maulit man o hindi na may magbigay pa ng degrading remarks sa akin, I am confident that the mark God has put into me will never be taken away from me.

And you also were included in Christ when you heard the message of truth, the gospel of your salvation. When you believed, you were marked in him with a seal, the promised Holy Spirit,”
‭‭Ephesians‬ ‭1:13‬ ‭NIV‬‬

Author: Marts Valenzuela

To know Christ and make Him known.

1 thought on “Marked”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s