Secured

May mga bagay sa buhay natin na kailanman ay hindi maaaring manakaw ninuman.

Advertisements

God says you are.png

Day 17: God says you are…

SECURED

College ako nung una akong naholdap. Medyo nakakatawa pa nga ang nangyari kahit na syempre, nakakatakot. Madaling araw na nun, kasama ko ang kaibigan ko and we we’re walking sa isang mahaba at napakatahimik na kalsada. Sa di kalayuan, may sumusunod sa aming tatlong kabataan.

Sensing na may kakaibang balak ang tatlo, medyo binilisan namin ang lakad para sana umabot kami sa pwesto ng mga nakatambay na lalaki sa isang bukas na gate. Ang kaso, pagdating namin sa pwesto nila, nagsipasok naman sila sa loob! Sa halip an tulungan kami ay hinayaan kaming ma-overtake ng mga kabataang na-confirm namin na may plano pala na holdapin kami. Ayun, wala kaming nagawa. Ang masaklap, bagong sweldo ako noon, at yung cellphone ko na kakatapos ko lang bayaran ang huling installment, ay naglaho nang ganun ganun na lang. Pero habang kinakapkapan kami ng mga kabataan, I can still remember that I whispered “In Jesus’ Name!” sa kanila. Prayer of protection para sa amin, at prayer of conviction para sa kanila. Buti na lang hindi kami sinaksak.

Pero kung mawala man ang lahat ng ito – material possessions, trabaho, status sa buhay, ang pag-ibig ng Diyos sa atin ay hindi mawawala. Protektado ito ng kanyang mga pangako.

Sa kabila ng lahat ng dangers na meron sa mundo, kaya pa rin ba nating sabihin na protektado tayo? Sa pagkain, may danger ng chemicals. Sa hangin may danger ng pollution. Sa mga public places may danger ng accidents. Kahit saan yata may threat.

Pagkatapos ng encounter namin sa mga holdaper na yun, pagkatapos naming mahimasmasan, naisip na lang namin na may mawala mang gamit sa amin, may mga bagay pa rin na hindi mananakaw sa amin, sa atin. Hindi naman nawala ang pagkakaibigan namin. May inuwian pa rin akong pamilya. May trabaho pa rin ako. Buhay pa rin naman ako.

Pero kung mawala man ang lahat ng ito – material possessions, trabaho, status sa buhay, ang pag-ibig ng Diyos sa atin ay hindi mawawala. Protektado ito ng kanyang mga pangako. He loves us so much and He has protected that love na hindi kayang nakawin ng anumang bagay mula sa atin. And this protection is all encompassing: mula sa ating mga emotions, sa ating mga dreams, at ang relationship sa Kanya. Hinding-hindi mananakaw ng kahit na sinuman ang Kanyang pag-ibig sa atin.

“For I am convinced that neither death nor life, neither angels nor demons, neither the present nor the future, nor any powers, neither height nor depth, nor anything else in all creation, will be able to separate us from the love of God that is in Christ Jesus our Lord.“ 

Romans 8:38-39

Author: Marts Valenzuela

To know Christ and make Him known.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s