Transformed

Walang imposible sa Diyos.

Advertisements
19

Day 18: God says you are…

TRANSFORMED

I strongly believe that no matter how bad a person is, maaari pa rin itong magbago. Kung meron lang itong magandang support system, mabigyan ng pagkakataong mamuhay ng normal at ang pinakamahalaga – kung mauunawaan niya ang halaga ng buhay sa mata ng Diyos, magkakaroon ng transformation kahit pa ang isang mamamatay-tao.

God is never intimidated with our past that His power can’t work in us. In fact, kahit nga ang mamamatay-tao na si Pablo, ang mayabang na opinionated na si Pedro, at ang mapagdudang si Tomas ay kanyang binago.

Kahit hindi sa mga hard knocks ng lipunan, maging sa mga nakakaranas ng identity crisis. Kung nalilito sa kasarian, o di kaya ay tuluyan nang nilamon ng impluwensiya ng homosexuality, I strongly believe that in Christ, transformation is still possible. Walang imposible sa Diyos.

Napakaraming mga testimonies na maririnig, mapapanood, at mababasa natin tungkol sa mga taong binago ng Panginoon. God is never intimidated with our past that His power can’t work in us. In fact, kahit nga ang mamamatay-tao na si Pablo, ang mayabang na opinionated na si Pedro, at ang mapagdudang si Tomas ay kanyang binago. Transformation of lives is God’s business, kaya expertise Niya yan.

Tignan mo na lang ang sarili mo. Kung ikaw ay may relasyon na sa Panginoon, pansinin mo how He has transformed you. Kung dati wala kang lakas ng loob humarap sa mga pagsubok, pero ngayon pinatatag ka na ng pananampalataya. Kung dati masyado kang maramdamin, ngayon kaya mo nang ipanalangin ang mga umuusig sayo. Sa tulong ni Kristo, tayo’y makakasumpong ng pagbabago – unless tayo mismo ay umaayaw dito.

Kaya’t sa susunod na makasalamuha ka ng taong hard-knock kumbaga, isipin mo na lang, “walang imposible sa Diyos”. Kung nagawa Ni Lord ang transformation sa buhay natin, possible rin sa iba.

And we all, who with unveiled faces contemplate the Lord’s glory, are being transformed into his image with ever-increasing glory, which comes from the Lord, who is the Spirit. 

2 Corinthians 3:18 

Author: Marts Valenzuela

To know Christ and make Him known.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s