Lavished In Love

Naaalala mo pa ba yung unang beses kang na-inlove?

Advertisements

23

Day 22: God says you are…

LAVISHED IN LOVE

While I’m writing this post, I am listening to NSYNC’s “That’s When I’ll Stop Loving You”. The song is about a guy na titigil lang daw sa pag-ibig kung yung winter comes on summer, at kung sakaling may hangganan na daw ang “forever”. Rhetorically speaking, hindi siya titigil sa pagmamahal.

One of the things I love about 90s music, particularly RnB – punong-puno ng emosyon ang mga kanta. Tapos samahan mo pa ng mala-dramang music videos na may pa-sway-sway pa ng mga kamay at hawi-hawi ng buhok, ewan ko na lang kung hindi ka mapa-emo. Mula sa puso, maganda ang pagkakasulat, raw emotions. Love songs talaga, hindi mga sex songs. A trip down the memory lane. Buti na lang may Spotify at Youtube, pwedeng balikan anytime ang 90s RnB.

Naaalala mo pa ba yung unang beses kang na-inlove? Yung buhos-buhos ang kilig at ang attention na ibinibigay mo sa taong pumukaw ng iyong damdamin. Sino bang makakalimot sa emotional roller coaster nang first love mo? Yung emotional bliss nang sinagot ka ng nililigawan mo? Yung tila pagtigil ng oras habang lumalakad ka sa aisle at hinihintay ka ng groom mo? Kung nasaan mang yugto ka ng iyong love story, I’m sure you will agree with me na sa buhay mo, nagbuhos ka nang immeasurable amount of love. Kung sinuklian o hindi, ibang usapan na yun.

While we long for lavish love from others, take into heart that we have already received in Christ a lavish amount of love. Sobra-sobra, more than we deserve pa nga. Gusto mo ng proof? Look at the cross. Spreading His arms, He’s telling you: anak, this is how much I love you.

Lahat tayo ay nagnanais na makaranas na tumanggap ng buhos-buhos na pagmamahal. Yung love na hindi kinukwenta, boundless at unconditional. Pero sa takbo ng mga relationships ngayon sa mundo, medyo nagiging incapable na yata ang tao na tumanggap at magbigay ng ganung klaseng pag-ibig. Iba rin kasi ang influence ng media, ng mga failed stories at syempre, dahil na rin sa selfishness ng tao. Nagiging bukambibig na rin nga, kahit ng mga bata na “walang poreber” na hindi natin alam kung san ba talaga nanggaling. Medyo distorted na ang perspective ng tao pagdating sa pag-ibig.

While we long for lavish love from others, take into heart that we have already received in Christ a lavish amount of love. Sobra-sobra, more than we deserve pa nga. Gusto mo ng proof? Look at the cross. Spreading His arms, He’s telling you: anak, this is how much I love you. Kung ang ibang tao hindi tayo kayang ibigin ng totoo, kay Kristo makakasumpong tayo ng higit pa sa kayang ibigay ng sinumang tao. We are lavished in love.

Imagine God serenading you with his own version of love song, mas emosyonal pa kaysa NSYNC:

See what great love the Father has lavished on us, that we should be called children of God! And that is what we are!

1 John 3:1

Author: Marts Valenzuela

To know Christ and make Him known.

1 thought on “Lavished In Love”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s