BASAG: A book launch with a dose of #feels

“Acting strong and tough ka pero deep inside, basag na basag ka na”

Advertisements

An afternoon of words and music, of numerous hugot and an inspiring story of an individual marred by heartbreak but made whole again by the grace of God. Mula sa pagiging BASAG hanggang sa pagiging buo muli. Yan ang inspiring story ni Ate Prexy Calvario, condensed in a small book guaranteed to help those who are in the process of moving on from a painful breakup. Ang mga kwento sa likod ng libro ang naging highlight ng book launching event na ginanap sa OMF Literature bookstore on May 27, syempre coupled with spoken word poetry and acoustic music.

Sino nga ba naman ang hindi makaka-relate sa mga kwentong heartbreaks at hiwalayan? Maliban na lang kung kabilang ka sa mga taong hindi pa nakakaranas na lumuha dahil sa pag-ibig, ang pagiging brokenhearted ay isang estado sa ating buhay pag-ibig kung saan acting strong and tough ka pero deep inside, basag na basag ka na. Yung one day, decided ka na to let go of the past pero marinig mo lang ang theme song niyo, cry to death ka na naman. Mahirap talaga kapag brokenhearted! Kaya naman blessing ang book ni Ate Prexy sa mga miyembro ng Moving On community.

IMG_1545
Ate Prexy sharing personal stories behind the book

During the book launching event, may ilang realizations lang akong napulot:

  1. Kagaya ng ex mo na hindi nagpahalaga sayo, your pain, too, shall pass. Hindi yan kagaya ng Motolite na pang-matagalan. Makaka-move on ka rin, promise. Unless mag-decide ka na magtampisaw sa sakit at bitterness, with determination and by God’s grace for sure babalik din ang ngiti sa mga labi mo.
  2. Unlike your ex na puro lang pangakong napako, asahan mo na sa moving on journey mo ay may mga promises si Lord na tutuparin Niya – that is, He will see you through. He will strengthen you. He will help you recover. He will always be there for you to give you comfort and peace. And during such time of emotional recovery, you will realize He is all you will ever need.
  3. After the ordeal of being heartbroken, you are now ready to be a blessing to others in need of encouragement and support. Magiging instant counselor ka sa mga dumadaan sa masalimuot na landas ng pagmo-move on. Maaari ka nilang maging gabay, huhugot sila sayo ng inspirasyon na kung kinaya mo, kaya rin nila. Kagaya ni Ate Prexy at ng kanyang libro, you can be the answer to their emotional need, hindi kagaya ng ex mo na kapag may need lang magaling.
IMG_1566
Syempre I took the opportunity to have my copy signed by the author 🙂

I am privileged to somehow endorse the book sa aking personal blog page, at nagtataka ako bakit may mga HAHA reactions sa facebook posts ko. Sa pagtatanong ko, nakuha ko ang sagot: oo nga naman, napaka-catchy kasi ng title ng libro, napaka-light, pang-masa – lahat tayo makaka-relate. Hindi lang basta broken, BASAG. Worse than being in pain, kundi BASAG. Uncommon for a published book title pero malaking tulong sa common emotional pains ng tao. No holds barred ika nga. BASAG kung BASAG. Wala nang kyeme. After all, totoo namang BASAG tayo nung huli tayong nasaktan di ba?

IMG_1528

Prior to this blog post, I have also written a review of the book in this link: http://bit.ly/2lH6J22

Taken from the back cover blurb of the book, let Ate Prexy do the pitch:

How about taking a special course condensed in this small book? Dahil nakagraduate na ako sa pagiging brokenhearted, baka sakaling matulungan kita. “Been there, done that” ang peg ko. Sabi ng iba, time heals all wounds. Ang totoo, God heals, in time. Through my story, let me tell you how.

BASAG: Bachelor in Nursing a Broken Heart, Major in Moving On is available for only P75. Look for the book at OMF Lit Bookshops, Passages Bookshops, Philippine Christian Bookstores, National Book Stores and other leading bookstores nationwide. You can also order online at www.passagesbooks.com.ph.

Author: Marts Valenzuela

To know Christ and make Him known.

5 thoughts on “BASAG: A book launch with a dose of #feels”

  1. Nakakatuwa naman ang konsepto at kuwento sa pagkabuo ng librong ito. Nakakalunod sa lalim ang mga hugot huh (buti na lang natuto na ‘kong mag-swimming!) Iba talag kapag kay Lord nanggagaling ang mga hugot, nakaka-bless!

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s