Bakit Parang Kulang?

Ruminations from recently screened Pinoy movies

Advertisements

Have you ever thought why sometimes, in spite of all the efforts you have put into things, at the end of the day you still feel like you’re either short changed, or worse you feel like a loser? Naalala ko yung isang TV ad tungkol sa isang bata na nag-try outs para makapasok sa basketball team pero he ended up one notch behind sa mga napili. Pero sa TV ad na yun, kahit hindi siya napili sa try outs, may noodles naman na nag-pacify sa kanya. Samantalang tayo, kahit sangkatutak na noodles pa ang kainin natin, mahirap burahin sa sarili na “sayang talaga!”

bakit parang kulang-Sa loob ng ilang linggong hiatus ko sa pagsusulat, medyo nawili akong manood ng movie na mag-isa. It actually started as an idea to cross out an item sa imaginary bucket list ko, but I found out na OK rin pala manood mag-isa. Pero ayokong masanay syempre. Iba pa rin na may kadamay ka sa pagtawa, pagtatanong at pag-iyak kung minsan.

Balik ako sa issue ko kanina. Sometimes I actually get hard on myself whenever I don’t live up to my own expectations. Minsan kasi ang taas ng standards na hinulma mo pero hindi mo nakuha yung output na inaasahan mo. Pero in reality, in life it doesn’t always depend on us. Maraming factors to consider, maraming elements ang gumagana why we end up achieving, or not achieving our desired results. What are these factors? Huhugot lang ako ng kaunti sa aking mga napanood.

Factor 1: Minsan sarili nating mga desisyon

100 Tula Poster

If you have watched 100 Tula Para kay Stella, alam kong kagaya ko, maiinis ka rin how the main characters, Fidel and Stella, decides for themselves. Siguro kung mababatukan lang natin ang mga karakter nila, nagawa na natin. “Dapat ganito, dapat ginawa mo yan, dapat kasi sinabi mo na agad!”. If the movie is about people who mess up with their decisions in life, the movie conveys that message very well. Lumabas ako ng sinehan that time na sobrang naiinis kasi they could have grasped what they really wanted in life but yet because of their irrational decisions, ayun, “nganga”. Pinaiyak lang tayong mga manonood. Ang sakit sa puso.

Pero hindi naman tayo naiiba sa kanila. We also end up making the wrong decisions. Kung sana hindi na natin pinagtagal ang isang bagay, kung sana ginawa na natin agad ang isang project, kung sana kinausap na natin agad ang isang tao… the list goes on. Minsan talaga we end up failing behind our goals kasi we choose the wrong decisions. However, these decisions must not impede us to grow. May these shortcomings serve as our launch pad to success, a pit stop to recharge and keep on fighting. Kaya laban lang mga Fidel!

Factor 2: Minsan mga bagay na wala tayong kontrol

LYSB_Poster_1Sa trailer pa lang ng Love You to the Stars and Back, nag-expect ako na iiyak ako e. Gusto ko talaga sa pelikula yung pinupukaw ang damdamin ko. Hindi ako nahihiyang aminin na mababaw ang luha ko, at gustong-gusto ko talaga kapag nalilinis ang mga mata ko. Haha! Pero honestly, medyo nabitin lang ako ng kaunti kasi di natrigger masyado nila Caloy at Mika ang tear ducts ko.  Pero their story about accepting tragedies in their life, sprinkled with their adventurous search for aliens and teenage antics is interesting enough to keep you focused. Nakakatuwa kasi medyo nakita ko yung sarili ko na parang ang tanda ko na pala, kasi I question the plot like, “Isang araw pa lang na road trip, may yakapan na? May malagkit na eye-to-eye contact na agad? Ang bilis ng emotional bond!” Wala lang, pakiramdam ko unti-unti nang nagma-manifest ang pagiging “tito” ko. Nevertheless, I love the story, siguro kasi may mga bagay na personally naka-identify ako, kagaya ng “bundok natin ito” and the setting is in Batangas. Haha!

Like Caloy and Mika, may mga bagay na hindi natin magawa kahit anong gusto pa natin kasi hindi natin kontrolado, hindi natin hawak ang sitwasyon. Kagaya ng sakit ni Caloy, yung pag-deny sa kanya ng kanyang ama, at ang pagkamatay ng ina ni Mika. Mga bagay na kahit ano pa ang gawin natin, hindi na natin kayang saklawan. We set standards, we set goals, we aim for something, then we end up feeling frustrated, hindi dahil nagkulang tayo, kundi dahil hindi lang talaga para sa atin. I remember the most intense scene sa LYSB ay yung sa bridge kung saan gusto nang magpakamay ni Caloy at nagtatanong siya sa Diyos kung bakit siya may cancer. He didn’t receive an audible answer but in the end, *spoiler* he was cured, and was given an opportunity with Mika. Kahit hindi natin kontrolado ang lahat, kailangan mo lang maniwala.

Factor 3: Minsan kinakain tayo ng sistema

Birdshot PosterI am not talking about oppa and Kdrama. I am talking about Birdshot, an Oscar-worthy movie, sobra. Hindi siya horror, pero kakabahan ka at matatakot. Ma-aappreciate mo ang cinematography at ang picturesque scenery ng isang nameless na rural area, pero gayundin manghihilakbot ka dahil kahit sa kasimplehan ng pamayanang pinakita, laganap pa rin ang korapsyon at police brutality, at kabuktutan sa sistema ng pamamahala. Ito ang pelikula na kahit tapos na ang palabas, nakaupo pa rin ako sa kinauupuan ko, nakatulala at nag-iisip, “anong nangyari?”. Pinukaw masyado ang damdamin ko. Lalo na yung huling eksena, nag-iwan ng marka sa isip ko.

Nakakalungkot na pinakita sa pelikula na ang ating mga ideolohiya, kahit gaano katayog at kaganda, ay kayang patumbahin ng bulok na sistema. Si Domingo, isang batang pulis na may puso upang maglingkod, ay unti-unting nagbago at nakiisa sa sistemang kanyang unang kinasuklaman. Dahil sa takot, dahil sa udyok ng nakararami, dahil pakiramdam niya wala siyang magawa, nagpatianod na lang siya sa agos ng karahasan at karumihan. Pinatay ng kanyang hepe at kanyang “partner” ang kanyang magandang ideolohiya.

Bakit hindi natin minsan naaabot ang inaasam natin? Dahil nagpapatianod na lang din tayo sa takbo ng mundo. Para tayong mga isda na sumasabay sa agos, ngunit sa kaibuturan ng ating puso at isipan, alam nating tanging mga patay na isda lang ang sumasabay sa agos.

Kagaya rin natin, minsan kahit hindi natin gusto ang isang bagay, ginagawa na rin natin kasi inuudyukan tayo ng iba. Ang maling sistema na hindi natin ginugusto ay nagiging bahagi na rin ng ating pagkatao. Bakit hindi natin minsan naaabot ang inaasam natin? Dahil nagpapatianod na lang din tayo sa takbo ng mundo. Para tayong mga isda na sumasabay sa agos, ngunit sa kaibuturan ng ating puso at isipan, alam nating tanging mga patay na isda lang ang sumasabay sa agos. Sabi nga sa Matthew 7:13, “wide is the gate and broad is the road that leads to destruction, and many enter through it.”. Wag tayong magpakain sa sistema.

Sidenote: Birdshot is Philippines’ official entry to the Best Foreign Language Film Category at Oscars. Kudos!

Sa tatlong factors na ito, san ka mas nakaka-identify kung bakit minsan parang kinakapos ka sa iyong goals? Pag-usapan natin yan.

Author: Marts Valenzuela

To know Christ and make Him known.

6 thoughts on “Bakit Parang Kulang?”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s