Ang Kaserola at Kung Bakit Dapat Magtimpi Ka

May mga pagkakataon tayo na nawawalan tayo ng self-control. We suddenly snap, and things get out of hand.

Advertisements

Natatawa pa rin ako sa tuwing naaalala ko kung paano ko hinampas ng kaserola ang kapatid ko nang minsang napikon ako sa sobrang kakulitan niya. Pero sa halip na maging disciplinary moment ang nangyari, nauwi lang kami sa tawanan. Bukod kasi sa nayupi ang kaserola, ni hindi man lang niya ininda ang paghampas ko sa kanya (mas malaking tao sa akin ang kapatid ko). Mas lalo pa nang nagsimulang maging sarcastic ang kapatid ko dahil sa nangyari, for me to realize na nag-shift na pala ang senaryo – ako na ngayon ang haharap sa disciplinary moment sa nanay ko dahil sa kaserolang inagrabyado ko.

Kaserola

May mga pagkakataon tayo na nawawalan tayo ng self-control. We suddenly snap, and things get out of hand. Sometimes we justify that this is plainly normal. May kanya-kanya tayong saturation point, na kapag na-trigger ay bigla na lang tayong sasabog. Parang isang baso na kapag napuno ng tubig at umapaw bahala na kung ano ang mabasa.

City Walls

The Bible tells us that “a man without self-control is like a city broken into and left without walls” (Proverbs 25:28). During the Old Testament times, ang pangunahing depensa ng isang bayan ay ang matibay nitong pader. Kaya naman lagi itong may bantay sa bawat dako at palaging sine-secure. This is their chief means of defense.

“a man without self-control is like a city broken into and left without walls”

Kaya naman if there is a breach in the security and credibility of their city walls, their enemies can easily penetrate conquer whatever is inside, and the city is already compromised.

Likewise, ang tao daw na walang self-control ay parang bayan na walang pader. Napaka-vulnerable sa anumang atake. Masaling mo lang nang bahagya, madali nang bumabagsak. Kaunting udyok mo lang, madaling bumibigay. Marupok, ika nga.

Self-control is being able to say no when we should say no. It is the capacity to restrain one’s self against things that are prohibited, or in excess. Yung kaya mong rendahan ang sarili mo sa mga bagay na alam mong makakasira sayo.

Stitching these ideas into our personal context, how do we exercise self-control nga ba (or the lack thereof)?

On Eating, Drinking and Everything in Between

During these times where food parks sprout like wild mushrooms, sobrang tempting ang mag-try ng maraming mga delectable and instagrammable food *maya’t maya*. Lalo pa sa amin na literal na kapitbahay namin ang pinakamatutunog na food park in town. Unless you’re a professional food blogger or invited ka ni Kuya Tonipet sa PopTalk, without self-control, a person can easily give in to excessive #foodporn just to satiate his appetite. Eh kung afford ko naman, is it wrong? It’s a matter of conviction. But at the end of the day, it all boils down to the qualifying question: is my appetite getting out of control?

It is actually not an issue of the amount, but an issue of the heart. Are my desires getting out of control? Am I still in control of my desires or my desires are now controlling me?

Not just in case of eating and drinking, but also in the way we handle our finances. Where do we usually spend our hard-earned money? Weekly sa mga midnight mall sale? Sa mga unreasonable bike upgrades? Sa sugal? Sa bisyo? The list goes on. It is actually not an issue of the amount, but an issue of the heart. Are my desires getting out of control? Am I still in control of my desires or my desires are now controlling me?

Pikon-talo

Dun tayo sa mas relatable: our temper. How easy it is for others to drive us crazy? Yung tipong aasarin ka lang tungkol sa nunal mo, naghuhuramentado ka na? Yung tipong nagkulang lang ng sukli sayo yung jeepney driver, nagsusumigaw ka na? Yung sakaling natapakan ka lang ng kapatid mo at nadumihan ang sapatos mong bagong laba, nakikipag-away ka na? O kaya inalaska ka lang ng kaunti, nanghahampas ka na ng kaserola. Haha!

Siguro naman nag-mature na ako, at hindi na ako basta basta nanghahampas ng kaserola. Kahit paano natutunan ko na hindi dapat nasisira ang “wall” ng pagkatao ko ng simpleng mga pang-aasar lang o pangungulit. Hindi ako dapat madaling mapikon. Pero it is easier said than done. To be honest, while I am writing this piece medyo naiinis na ako sa mga nang-iistorbo sa akin habang nangsusulat. Pero again, note to self, hindi dapat nasisira ang “wall” ng pagkatao ko ng maliliit na bagay.

I feel sad for those na bigla na lang napapaaway dahil sa napakaliit na bagay. The daily news is filled with unfortunate stories of murder dahil lang sa saging, toothpick, cup noodles bulalo flavor o dahil nataasan lang ng kilay. We are surrounded with people with “broken walls” na any moment ay maaaring ma-compromise ang kanilang buong pagkatao.

Strengthen your Walls

A person is only as big as the thing that pisses him off. Anong nagpapapikon sayo? Anong sumisira ng mood mo? Or to state it better, hanggang saan ang capacity ng walls mo? Kaya ka bang pabagsakin ng basketball game, ng pustahan sa DoTA, o ng sukli mong dapat ay pang-estudyante?

Don’t discredit yourself by getting pissed off with trivial things. Bigyan mo ng mataas na pagpapahalaga ang sarili mo by increasing your capacity to understand people and circumstances.

Intensify your wall! Fortify your wall! Don’t discredit yourself by getting pissed off with trivial things. Bigyan mo ng mataas na pagpapahalaga ang sarili mo by increasing your capacity to understand people and circumstances. Taasan natin ang bakod, tibayan ang harang. Hindi tayo dapat nako-kontrol ng ating mga desires at lalong hindi dapat pinapabagsak ng ating mga kahinaan. At hindi tayo dapag agad-agad nanghahampas ng kaserola.

Author: Marts Valenzuela

To know Christ and make Him known.

14 thoughts on “Ang Kaserola at Kung Bakit Dapat Magtimpi Ka”

  1. Nasa self control palang ako pero magcocomment na ako. OMG GANDANG GANDA NAAAA AKO KASI HUHU PARANG SINESERMONAN AKO DAHIL SA PAGSABUNOT KO SA KAPATID KO BWAHAHAH.
    shocks.

    Okay wait, basahin ko na ulit 🙂

    Like

  2. Ang ganda, Marts. Seryosong sobrang na-enlighten ako. At from now on, itatatak ko sa isip at puso ko yang “walls” na yan 🙂 Malaking tulong ito sa buhay ko lalo na kung isasabuhay ko talaga.

    Snappy ako talagang tao. Ngayon medyo nalang. Nakakapagtimpi na ako ng mas mahaba kaysa sa kung paano ako noon pero tingin ko kailangan ko pa lalong habaan ang pisi ng pasensya ko. Nakakainspire ito huhu 😀

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s