Ahon! My Top 10 Activities to Release Stress

Are you caught up in the web of stressful circumstances? Yung tipong lahat na lang yata ng mga kapaguran na available sa mundo sinasalo mo? Yung di ka na makaahon sa dami ng trabaho, yung pressure ng overlapping commitments sinasakal ka na masyado, o kaya naman yung mga polo mo naghuhumiyaw na sa sobrang sikip na nila para sayo? Nakaka-stress ano?

Ahon.png

As stated in my previous post, may mga outlets ako to release stress and tension. Kapag di ko na kaya ang bigat, kapag pakiramdam ko lunod na lunod na ako, may mga go-to places and people ako para maging “shock absorber” (sorry na, peeps!). Dahil lahat naman tayo kailangang mag-unload from time to time para hindi sumabog di ba?

Here are some of my stress-relievers.

  1. Biking

What I love about biking is that you can go places as far as your legs can handle. Kapag masakit na at parang hindi na kaya, uwian na. Haha! It is cheap and healthy activity, pinawisan ka na, nag-enjoy ka pa! Since I am from Marikina, common destinations namin ng mga friends ko pag nagbi-bike ay sa Rizal (Binangonan-Morong-Tanay or San Mateo-Rodriguez), UP or even within Marikina loop, bilang napaka-bike friendly ng bayan kong sinta.

25

  1. Hiking

When schedule allows me to, I join hiking activities para naman medyo malayo sa stressful work. Iba rin kasi ang yung feeling na nasa summit ka ng bundok, dinadama ang masarap na simoy ng hangin tapos nakaharap ka either sa dagat or sa mga pamayanan. It changes perspective. Yung sobra kang naka-focus sa sarili mong mga problema, tapos mare-realize mo na mas malaki pa rin si Lord talaga si Lord kaysa mga problema mo.

  1. Vitamin Sea

Again, when schedule allows me to, masaya din na magpunta sa tabing dagat para magtampisaw, o kahit na pakiramdaman mo lang ang simoy ng maalat na hangin habang kinakausap ang sarili na kunwari gumagawa ka ng music video. Aminin mo, kakaibang ligaya ang dulot ng paglalakad sa tabing-dagat, binabalik ang lahat ng masasayang ala-ala ng buhay mo na para kang bida sa telenovela habang panandalian mong nakakalimutan na may babalikan ka pang ga-bundok na trabaho sa opisina. Pero at least, di ba. Masaya ka.img_0402

  1. Pet Cafes

Medyo may kaunting gastos pero masaya. Try mong pumunta sa Barkin’ Blends near Sta. Lucia or sa Bengal Brew + Wolf and Bear sa Cubao. If you are a pet lover, surely mae-enjoy mo itong trip na to. Makipaglaro ka sa mga aso. Kumustahin mo sila. Amuyin mo sila. Ikwento mo sa kanila ang mga officemates mong chini-chismis ka, ang boss mo na mahilig magbigay ng trabaho kapag pauwi ka na, o kaya naman yung ex mo na sa sobrang pagka-pet lover, ipinagpalit ka na lang sa pet. May therapeutic effect din kasi ang pakikipaglaro sa mga hayop, pero word of caution, wag makikipag-relasyon sa hayop kasi may damaging effect sa emotions. Hahaha! Sorry na, ang bad ko dun. 🙂

 

  1. Blogging

Just like now, kaya ako nagsulat ng post na ito kasi alam mo na, stressed ako. Isulat mo ang anumang nararamdaman mo. Isulat mo ang gusto mong sabihin. Type lang nang type. Nakakatulong mag-release ng tension kapag hinahayaan mong ang mga daliri mo ay tumitipa ng keyboard. Mas madiin at mas malakas ang hampas sa keyboard, mas satisfying! Haha! It doesn’t matter kung may magbabasa man ng post mo o wala, may magco-comment man o wala. Basta naisulat mo ang gusto mong sabihin. Pero be careful sa anumang isusulat mo, be a responsible blogger. Wag mag-spread ng fake news. Lagot ka kay Mocha.

  1. Read books

Pumunta ka sa mga book fairs, sa mga book sale mga bookstores, even sa mga libraries. If you are a reader, you’ll agree with me na sobrang satisfying ang makaamoy ng libro. Yung halimuyak na nakakapagpa-kalma sa pagod mong isipan. Tapos damhin mo yung bawat page, yung texture ng papel, ganun. Pero syempre basahin mo rin. Hahaha! Highlight words na nakapagbigay ng impact sayo. It’s always fun to learn and discover new things.img_2227

  1. Watch movie

Given na to. Kapag lunod na lunod ka na sa trabaho, it’s not a bad thing kung gusto mong manood ng movie. Lalo na for me who loves superhero movies, nakaka-alis ng stress ang panonood ng movie. Pero dahil common na nga siya, lagyan mo na lang ng kaunting challenge ang panonood mo: minsan kong sinubukan na manood nang mag-isa, manood ng sad movie tapos pigilan ang sarili mo na umiyak, at manood ng movie tapos magbaon ng pandesal at palaman. Sa susunod nga, gusto kong i-try magbaon ng kanin at ulam. Hahaha!

  1. Play games

Di ako gamer pero effective na pang-divert ng attention ang mobile games. I installed Wordscapes para naman kapag pagod na ako kakaisip ng numbers, letters and words naman. Ang saya di ba. Nag-install din ako ng Idle Poring. Since hindi na kaya ng schedule ko ang maglaro pa ng Ragnarok, which I really loved playing nung bata pa ako, dun na lang ako sa Idle Poring. Pareho din naman ng sounds and ng characters, iba nga lang ng gameplay at interface. Pero pwede na rin, perfect game for busy person like me. Sabi nga ng kapatid ko enjoy na enjoy akong pinapanood yung character ko na tumatakbo all throughout the game. Kanya-kanyang trip yan!

  1. Run to your accountability partners

It’s always good to have friends to watch your back. Yung sasaluhin ka nila sa panahong bigat na bigat ka na. I am blessed to have friends from church, from PSA and from MYA na alam kong nasasandalan ko for encouragement and prayers. Appreciate your circle of friends. Isama na rin natin ang family natin. After a tiring day, it’s relaxing to know that we have friends and family na uuwian natin. Yung hindi tayo ico-condemn. Yung hindi tayo ipagpapalit sa 30 pieces of silver. Yung ililibre tayo ng burger o kaya ng pizza o kaya ng BFF fries.

  1. Go to Prayer Mountain

Kapag talaga hindi ko na kaya, I go to Touch of Glory Prayer Mountain. Di kalayuan sa Marikina pero safe haven ko siya. I pour out to the Lord all my burdens, my concerns pati lahat ng kapaguran ko sa buhay. Para siyang isang electrical outlet for me to plug myself into, para di ako tuluyang ma-drain. Nakakagaan kapag alam mong iniyak mo na ang lahat sa Lord, isinigaw mo lahat ng prayers mo at kahit mapagod ka kakaiyak at kakasumbong sa Kanya, alam mong nakikinig Siya. Wag ka lang matutulog sa loob ng prayer cell. Kasi naman parang sobrang sarap matulog sa loob. Haha!

IMG_00000118

When you feel like sobrang nakakapagod na at di mo na kaya, don’t lose hope. Kapit lang. It takes a clear mind and a fresh perspective para hindi ka ma-overwhelm ng mga challenges mo sa buhay, ahem, I am speaking to myself. Haha! Mabuti na lang may provision si Lord ng mga outlets for me, para hindi na lang ako basta mag-collapse sa kalsada.

And I also thank God kasi He is always available to hear my prayers and my cries. Hindi ko naman kailangan umakyat pa ng Prayer Mountain just for the Lord to hear me. He hears me even when I am in bed, shedding tears kasi… huhuhu, “Lord, pagod na po ako, payakap naman po”. Try niyo, it is comforting, and it develops an intimate relationship with your Creator.

“Come to me, all you who are weary and burdened, and I will give you rest. Take my yoke upon you and learn from me, for I am gentle and humble in heart, and you will find rest for your souls. For my yoke is easy and my burden is light.” – Matthew 11:28-30

I was reminded by the words of Director Phil Coulson of Marvel’s Agents of Shield. In one episode, Season 1 yata ng AoS, sabi niya:

“The world is full of evil and lies and pain and death, and you can’t hide from it. You can only face it. The question is, when you do, how do you respond? Who do you become?”

Ikaw, in the face of your challenges and stress, who do you become?

PS. Baka naman may iba ka pang stress-relieving activities, share mo naman with me 🙂

Author: Marts Valenzuela

To know Christ and make Him known.

9 thoughts on “Ahon! My Top 10 Activities to Release Stress”

  1. Halos lahat po, ganyan din ang ginagawa ko. Ang sayang magdrain ng stress. Haha. EXcept po sa biking. Gusto ko siya i-try pero hindi ko alam kung saan. Hihi.

    Saka saan po ung mismong prayer mountain? Matagal ko na pong gustong magpunta sa mga ganun pero wala akong alam if saan po meron. So happy na nabasa ko po itong post mo.

    Like

    1. Pwede mong i-try bumisita sa Marikina River Park. May mga bike rentals dun then bike along the river side 😊 Bike-friendly ang lugar at for sure mae-enjoy mo.

      Prayer Mountain naman, the most accessible ay yung sa Touch of Glory, papuntang Paenaan, Antipolo 😊 From Marikina lang din ang maibibigay kong direction in case haha!

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s