Iwas-Rupok Tips

Kung secure ka sa position mo kay Lord, no need to be insecure sa mga friends mong pumapag-ibig na.

Advertisements

Ilang araw na pero halata pa rin ang eyebags mo. Ilang gabi ka rin kasing napuyat kachat yung taong akala mo may something din sayo. Ramdam na ramdam mo yung kilig, yung excitement, yung spark na kumiliti sa mga senses mo. Bilib na bilib ka pa nga sa witty punchlines niya na alam mo namang galing din sa mga memes. Sa maikling panahon na nagkakachat kayo, naplano mo na agad yung motif ng kasal niyo at pangalan ng mga magiging anak niyo. Kung hindi ka nga lang nakapagpigil, baka tinawag mo na siya sa endearment na pangarap mo kahit wala pang ligawan na nangyayari eh. Ganyan ka karupok, bes.

Di ka naman masisisi, pa-fall siya e. Pero sa susunod na may darating ulit at magpaparamdam, paano mo ba tutulungan ang sarili mo na maging mas matatag?

1. Don’t compare your story. Yes, may times talaga na mapapatanong ka na lang kung bakit sila meron na tapos ikaw wala pa. Pero sa mga panahong naghahanap ka ng sagot, convince yourself na iba ang story nila at iba rin ang sayo. Don’t fall into the comparison trap, you will only end up defeated. Hindi ka loser kung wala ka pang lovelife hanggang sa ngayon. Magiging loser ka lang kapag nagpadala ka sa idea na mas blessed sila kaysa sayo. Hindi mass production ang love stories na binibigay ni Lord kaya no need for comparisons. Pang best-selling novel ang story mo, hindi pang tabloid. Kung secure ka sa position mo kay Lord, no need to be insecure sa mga friends mong pumapag-ibig na.

2. Don’t rush your timeline. Baka kaya ka madaling ma-fall kasi ang dali mo ring madala sa matatamis niyang salita. Huwag mong masyadong madaliin ang proseso. Nag-wave lang sayo sa messenger, post ka agad ng “could this be love, Lord?” Honor God’s timing. Nire-ready ka pa ni Lord para maging responsible at mature bago ka pumasok sa relationship. Ganun din ang future partner mo. Relational maturity takes time. Think of yourself as “mangga” and not “munggo”. Ang munggo, overnight lang magbu-bloom agad, pero walang tibay at hindi nagtatagal. Ang mangga ay nadedevelop underneath, hindi nagmamadali. In its appointed time, magbu-bloom, magiging fruitful at matibay, tatagal sa mahabang panahon. Sa panahon ng mga munggong relationship, seek and be mangga.

3. Don’t settle for less. Aba, you are meant for greater things! Wag ka naman umasa sa bahala na. Not because everyone around you are in a relationship na ay papatulan mo na agad without ever thinking kung sino ang unang magparamdam, para lang hindi ka mapag-iwanan. People flaunt their good side and their achievements and all the positive things about them to impress others. You have to look beyond that. Kung hindi ka discerning, baka magsisi ka lang sa huli. Hindi pwede ang pwede na. Ikaw nga pumipili ng best angle mo para sa profile picture mo, ganun din dapat sa relationship. Seek, wait and pray for God’s best. Don’t hesitate to challenge his or her intentions. Dun lalabas ang totoong kulay niya. Di mo alam, baka pang-3 weeks relationship lang pala capacity niya. At least hindi mo pa siya naipakilala agad sa parents mo. Less hassle pa.

Huwag kang masyadong maniwala sa mga nababasa mo sa social media na kapag may jowa ka na, magiging kumpleto ka. You are already complete in the first place. Remember, people often flaunt in social media so you might end up believing a false reality na relationship is pure bliss. Mali yun. Relationships that are true, lasting and satisfying are those that honors God’s will and timing.

Author: Marts Valenzuela

To know Christ and make Him known.

8 thoughts on “Iwas-Rupok Tips”

  1. I agree. Twenty-eight na ako pero sa dami nang taon at relasyon na nadaanan ko, last year lang ako natuto wag compare, mag-antay tska don’t settle for less. Totoo pala talaga yung antayin mo si God mag-orchestrate and don’t rush into things.

    See, dumating talaga yung tamang tao na hayop sa guapo. Hahahaha

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s