Stranded at Home

In the first place, even machines need periodic breaks to function well. So if you have a chance to rest, kahit gaano kaikli, grab the opportunity.

Advertisements

Para sa mga kabatch ko na nangangapa sa adulting phase kagaya ko, hindi ba sobrang rare moment na mag-stay sa bahay nang tatlong araw straight? Maliban na lang siguro kung work at home ka or nasa season nang pagpapahinga, pero para sa majority, luxury na ang makapagpahinga nang matagal-tagal.

Maganda nga sana kung pure relaxation, kaso stressful ang staycation ko sa bahay. Umatake kasi yung gouty arthritis ko, and it literally had me limping for three days! As of writing, my left foot is still hurting at ang dami kong errands, meetings and things to do na hindi na nabigyan ng attention. Still, grateful pa rin ako kasi I am given a very reasonable excuse to stay at home and sleep for longer hours kahit paano.

I want to grab the opportunity to write a lot but writer’s block got in the way. Kaya ayun, I am just trying to squeeze out whatever I can write about. Namiss ko ang wordpress, masyado akong natuwa sa approval ng Adsense ko na after ilang buwan ay kumita na ng $0.02 hahaha! Pero ok lang, simpleng motivation lang naman. Sabi ko naman sa sarili ko I am writing not for money but as a personal ministry. Pero kung kikita on the side, baka naman. Hahaha!

Anyway, I am trying to learn from this pain. I recognize that because of lack of discipline kaya may gout attack na naman ako. Napuruhan yata sa Yakiniku. But still, I have gleaned noteworthy things from my painful season:

Kung ano pa ang gusto mo, yun pa ang magbibigay sakit sayo.

I am talking about food, pero sige na nga, pwede na rin sa relationship. Gustong-gusto natin yung nasasatisfy ang cravings natin, nakukuha natin ang gusto natin, but left unchecked, ito rin ang magbibigay sa atin ng sakit. Kaya hinay-hinay lang. Hindi lahat ng gusto mo ay puro ligaya ang balik sayo. Learn to control your appetite, learn to discipline yourself.

You can never be totally independent. Kailangan mo ng tulong ng iba.

One thing I appreciate sa ilang araw kong pagpapahinga ay ang total dependence ko sa mga kasama ko sa bahay. Hindi ako makagawa ng ilang gawaing bahay dahil hindi ko maituon ang paa ko sa sobrang sakit. Ni hindi ako makaikot sa bahay. As a result, kahit nakakahiya, they do all the chores na dapat ay natutulungan ko sila. I can’t imagine kung ako lang mag-isa. Perks of living with your parents. Hahaha!

Take care of your body, walang available na replacement.

Natatawa, nalulungkot at nasasaktan at the same time dahil ang mobility ay pagtalon-talon na parang naglalaro ng step-no. Hirap akong magbihis, hirap akong tumayo man lang na matagal, hirap din gawin ang ilang personal necessities. Isang paa lang ito, at di ko maimagine yung mga taong may permanent disabilities! Sobrang hirap pala talaga. Kaya matuto tayong alagaan ang katawan natin, huwag abusuhin.

Grab any pocket of rest available and your body will thank you for it.

To many, being an adult means being on the go non-stop, at nalilimutan natin na hindi nga pala tayo makina para magfunction nang tuloy-tuloy even with a fuel (salary, presence of friends, personal motivations). In the first place, even machines need periodic breaks to function well. So if you have a chance to rest, kahit gaano kaikli, grab the opportunity. Then you will be recharged physically and you will be able to conquer greater height after.

To be honest hindi ko alam ang magiging pakiramdam ko dahil sa unplanned staycation ko sa bahay. Napaka-unfortunate reason naman na dahil sa namamagang paa kaya ako napwersang magpahinga, pero still, salamat na rin kasi I don’t have a reason not to. Masaya rin ang magbakasyon sa bahay, kasama ng pamilya, at bumawi ng tulog. Para sa mga tulad kong nangangapa pa rin sa pagiging adult, I believe this is priceless.

Author: Marts Valenzuela

To know Christ and make Him known.

3 thoughts on “Stranded at Home”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s