Behind the Scenes

God works even behind the scenes

From Acts 27-28

May mga pagkakataon na mahirap para sa atin na makita ang kamay at mga gawa ng Diyos kapag tayo ay nasa gitna ng pagsubok. People say that we should keep the faith, we have to remain strong, and other well-intentioned encouragements. Pero ang totoo, minsan mas ramdam natin ang pain na dala ng problema kaysa providence ni Lord. Faith indeed is an ever-developing virtue sa atin. We have to make it flourish in our life.

Pero what’s amazing sa work ni Lord, even in the sidelines and behind the scenes ng buhay natin, evident Siya. Hindi Niya kailangan ng approval natin, ng audience natin for Him to begin working wonders. Kumikilos Siya in ways na hindi natin namamalayan. Advanced Siya mag-isip!

When Paul was being transported to Rome, yung sinasakyan nilang barko ay nasira ng bagyo. Hindi lang basta shipwreck ang nangyari – totally devastated, naubos ang lahat ng kanilang mga gamit, nagkandagutom-gutom sila, at halos mawalan na ng buhay at pag-asa. It was a very challenging episode sa buhay ni Paul.

But they were all spared. May plano si Lord. Napadpad sila sa isla ng Malta where a lot of miracles happened. Nagkataon na nandun si Paul to minister to the sick people of the island. Ministry call for the faithful servant. Pero para sa mga kasama ni Paul – everything that had happened was a mishap. It was a close call of death.

Iba-iba sila nang naging pananaw sa nangyari. Pero si Lord, iisa lang ang gustong iparating – that He is in full and total control of everything.

As they we’re doing what they can to go on with their respective lives and duties sa isla ng Malta, God has made them so favorable sa mga tao. They were a composition of prisoners and prison guards, of Jews and non-Jews, of Christians and non-Christians. Yet they all became objects of favor from the people. At ang lahat ng nawala nila sa shipwreck ay muling naibalik through the generosity of the people.

This is an example of how God carries His work as we carry His work. He does what He’s good at – doing miracles and leaving us in awe, habang tayo ay nagtitiwala at nagpapatuloy sa kung saan Niya tayo tinawag.

Paul and his companions were able to reach their destination in spite of the shipwreck that has happened because God worked even behind the scenes.