Train of Thanks 06

Because we’ll never run out of things to be grateful for.

Advertisements

Another fruitful week has passed! Grabe, sobrang bilis, in just a matter of two weeks as of writing this post, Christmas time na naman! This Christmas may be a lot different than last year, but praise be to God, He never ceases to be the reason for the Christmas season! And before I fully embrace Payday Tuesday tomorrow, allow me to thank the Lord for the things He has done for me the past week. Let’s get it on!

  1. Tour de Manila – from Marikina to Pasig – Makati – Manila – Mandaluyong – San Juan – Quezon City, then back to Marikina – our Tour de Manila was such a huge feat for me and my biking friends (Kuya Benj, Jem and Henry, sayang lang wala si Bongbong). We started off as early as 6am last Saturday after a hearty goto at Kalumpang, then went our way to routes we are not even familiar with. It was such a wonderful experience and never have we imagined our bikes and our strength would allow us to keep on pedalling for 12 hours straight, not including our occasional stops and rest. Except for Jem, the rest of us have not pedalled yet as far as Manila, so we’re all overwhelmed with our accomplishment! We arrived home around 8pm.

I wasn’t able to bring a better camera phone but good thing, Kuya Benj is always ready with his digicam and selfie stick. We had shots taken at Guadalupe bridge with AlDub’s split-billboard concept, of course with Rizal Shrine, Cultural Center of the Philippines and Intramuros.

Next time, we’re planning to conquer BGC, the CaMaNaVa area, or the Rizal areas. Padyak pa more.

  1. I am very much thankful with my MMND family for this:image
  2. I thank the Lord for guarding my heart and giving me peace that surpasses all understanding. Some heart issues happen as a result of outright disobedience to Him, but when you yield to His will, no matter how painful it is, He provides even the strength and peace to carry you through. #hugot
  3. Been looking for a good pair of sneakers this past few weeks and I am glad to finally make a decision. Sana lang tumagal siya. I was able to buy a pair of biking shorts! Ayun, ubos ang 13th Haha!
  4. Christmas gifts are coming! Yay!

How about you? What are you thankful for this week?

Dumating na ang Tamang Panahon nila. Yung atin kaya?

Dumating na pala ang tamang panahon para sa kanila. Yung atin kaya?

wpid-fb_img_1445671751002.jpg
(c) screen grab from Eat Bulaga FB Page

Ilang makabuluhang buwan na rin pala ang lumipas sa tambalang hindi natin inakala. Ilang makabuluhang buwan na sinubaybayan natin ang istoryang inaasahan natin na magkakatotoo sa darating na panahon. Makabuluhan, kasi marami-rami naman talaga silang naibahaging aral at katotohanan pagdating sa pamilya, pag-ibig, at sa paghihintay ng tamang panahon.

At ngayong dumating na nga ang tamang panahon para sa kanila, masaya pa rin tayong nakasubaybay sa anumang kaganapan sa kinahumalingan nating tambalan. Ngunit ang tamang panahon kaya para sa atin, kailan kaya darating?

Kung isa ka sa mga taong matagal nang naghihintay sa iyong version ng “Tamang Panahon”, marahil nakaramdam ka na rin ng pagkainip, pagdududa at kawalan ng pag-asa kung ito’y darating pa nga ba.

Sabi ni kuya Joshua Harris, “the right love at the wrong time is a wrong thing”. Bukod sa paghihintay sa tamang panahon, may ilang mga bagay pa rin tayong kailangang hintayin at matutunan.

Tamang Emosyon

Kilig. Ito ang pakiramdam na parang lahat ng mga cells sa katawan mo ay nagpa-party kapag nakikita mo ang crush mo sa hallway ng school o sa pantry sa office. Higit pa ito sa excitement. Sa tuwing kinikilig ka, nakakalimutan mo na tao rin pala yung hinahampas mo at hindi sila manhid. Pero tinitiis nila ang mga hampas mo dahil alam din nila ang hindi maipaliwanag na pakiramdam na nararamdaman mo.

Pero hindi lang kilig ang main ingredient ng tunay na pag-ibig. Dahil ang kilig ay depende lang sa superficial, hindi continuous at hindi consistent. Kinikilig ka kasi maganda, gwapo o athletic, pero kung mukha na siyang tinapay o nag-amoy nang moth balls, ang kilig ay mapapalitan na ba ng disappointment? True love goes beyond superficial features of the opposite sex. It includes commitment to love and to hold no matter what happens, lalo na physically. Ang tamang emosyon ay hindi lang dapat kilig, though significant part din naman talaga ito. Ang tamang emosyon ay pag-ibig na kahit walang kilig, nangangakong hindi magbabago dahil ang pag-ibig ay isang commitment.

Tamang Inspirasyon

Bakit ka nga ba papasok sa isang relasyon? Para isang libangan? Dahil sa pressure ng mga kaibigan? O naiiisip mo na napag-iiwanan ka na ng lahat ng mga ka-batch mo ng highschool? Ang isang relationship na may selfish motives ay siguradong hindi magpo-prosper, dahil in the first place, ang isang relationship ay nangangailangan ng mutual dependence at vulnerability. Ibig sabihin, handa kang magbigay ng tulong at alalay sa panahong nanghihina ang isa, at handa ka ring tumanggap ng tulong kung nanghihina ka. Maraming maaaring maging dahilan sa pagpasok mo sa isang relasyon, pero wala pa ring tatalo kung ito ay tama at di nakakasira, prompted by genuine, sincere, unconditional love.

Papasok ka sa relationship hindi dahil pakiramdam mo ay gusto mong may pumuno sa pagkatao mo. You are already complete as you are. Kung sa tingin mo ay kulang ka without someone, isipin mo na lang na ang pagkakaroon ng relationship ay pagkakaroon ng partner – you help each other, you complement one another. Take away your partner, you are still the same, and your whole system still functions the same.

Tamang Preparasyon

Hindi ka papasok sa isang relasyon nang hindi ka handa, gaya ng pagsabak sa isang laban na wala kang armas. At sa pag-ibig, ang dapat na hinahanda ay ang sarili. Handa ka na bang magsakripisyo ng oras, ng resources, handa ka na ba sa mga “healthy” compromises (dahil may mga unhealthy compromises na hindi dapat ine-entertain sa relationship), at higit sa lahat sa pagiging selfless? Mahalagang maging handa sa maaaring dumating na mga pagsubok na siyang susukat sa depths at sincerity ng iyong mga pangako. Words of affection are good, however unless it is backed-up with actions that prove its sincerity, it remains empty promises.

Maging handa personally – emotionally, socially, spiritually at wag laging hindi mapakali. Entering into a relationship is the same as sharing your life to your chosen partner, so better be ready. Otherwise, chose not to enter a relationship.

wpid-fb_img_1445671670711.jpg
(c) screen grab from Eat Bulaga FB Page

Maghihintay tayo ng tamang panahon, pero sa ating paghihintay, dapat ang oras ay nananatiling makabuluhan. Occupy til’ I come (Luke 19:13), ika nga sa Biblia. Pero maaari rin nating gamitin ito sa larangan ng pag-ibig: occupy ‘til I come. At sa pagdating ng tamang panahon para sa atin, hindi lang tama ang ating emosyon, tayo ay may tamang inspirasyon din at dumaan sa tamang preparasyon.

AlDub: A Breath of Fresh Air

The fad will surely cease sometime, but even when that day comes, we will always be grateful for the opportunity that we have had a breath of fresh air and a source of pure inspiration and emotional bliss.

Fan boy mode activate.

image

And now the social media world has been flooded with posts and tweets on the newest love team sensation. Who could have imagined an accidental split screen experiment will turn out to be one of the most loved, most talked-about love team in the history of Philippine media?

For over two months, AlDub’s fame has reached heights no one has ever expected. Day in and out, men and women, both young and old, unites together to bring AlDub-related hashtags at the pinnacle of the world’s attention (at least in Twitter). As a result of their fame, the newest love team received two TVC offers, and is expected to receive more in the coming days.

This is the power of media, and I reckon, social media. It unites people into a common cause. And in the case of Alden and Maine, it is overwhelming that Filipinos all over the world has stirred the internet in this new “fan-nomenon”. Clearly, this reveals two things: First, we are a nation who loves to be entertained, and second, we value relationships highly. It is a huge bonus that both are present in our beloved KalyeSerye.

In today’s society where relationships can be instant, it is very notable how KalyeSerye teaches us to wait for the right time and perfect moment, sa tamang panahon as they put it. Somehow, KalyeSerye redeems us to be a society who patiently waits for the right time, especially when it comes to romantic relationships.

I happen to read about one snide remark that says million tweets and ratings are not important, what’s important is ‘good vibes’. Whatever ‘good vibes’ mean, I believe the massive support KalyeSerye is gaining right now is more than an indication of ‘good vibes’ it brings to people. But more than that, I am overwhelmed by the values and the lessons the KalyeSerye is inculcating in the minds of its audiences, particularly the younger ones.

In today’s society where relationships can be instant, it is very notable how KalyeSerye teaches us to wait for the right time and perfect moment, sa tamang panahon as they put it. Somehow, KalyeSerye redeems us to be a society who patiently waits for the right time, especially when it comes to romantic relationships. It teaches us to respect, to listen and obey to instructions, to forgive, and to love unconditionally, all within the context of laughter mixed with tears and giggles. Even the very act of pagmamano is being encouraged by the show! Indeed, this is a breath of fresh air!

image

Now on their second monthsary, this loveteam continues to soar, and from the looks of it, it seems to be no longer just a loveteam for reel but for real! First time in the history of Philippine noontime show will an accidental loveteam become a true-to-life couple, with all its fandom rallying behind them showering them with support and encouragement. But we can only wish. Ever since its popularity surfaced, AlDub has stirred creativity, wit and talents from people who admire them. How much more when they are already out of their respective characters and just be true with their feelings?

Our beloved KalyeSerye and the characters behind, particularly Alden and Maine, will continue to dominate social media in the next few weeks, or months. The fad will surely cease sometime, but even when that day comes, we will always be grateful for the opportunity that we have had a breath of fresh air and a source of pure inspiration and emotional bliss.

My Take on AlDub: Five Reasons Why We Love Them

Sabi nga, their onscreen love story is purely accidental, unplanned and without script.

I belong to the growing number of Filipinos obsessing over the new loveteam sensation that is spreading influence like wildfire over the internet – the AlDub of Eat Bulaga. Since I cannot watch EB on lunch break, I satisfy myself with the videos going viral on my Facebook newsfeed as soon as I come home. Honestly, catching up with the latest episode is slowly becoming a routine. I am hooked.

image

Alden Richards, one of Kapuso’s leading male stars and Yaya Dub, or Maine Mendoza in real life and is known for her funny collection of dubsmash videos, has taken the internet by a storm. Sabi nga, their onscreen love story is purely accidental, unplanned and without script. Pero salamat sa mga Pilipinong sabik na sabik sa kilig, biglang patok ang AlDub.

image

Now on their first monthsary, the trending Kalyeserye has already captured not just the hearts of pabebe teens but of OFWs, the jeepney drivers, construction workers, office clerks and call center agents, among others!

Bakit nga kaya? What’s with their on-screen romance na talaga namang nakakahumaling? AlDub got me wondering:

1. We are a nation who values love and relationship too much kaya ganun na lang ang suporta natin. When it comes to love, economic status doesn’t really matter. Ganito rin kainit ang pagtanggap natin kay Maya at Sir Chief noon. We still believe that Cinderella-kind of love stories are still possible, kahit pa against all odds ang kwento. In short, madali lang talaga tayong pakiligin.

We still believe that Cinderella-kind of love stories are still possible, kahit pa against all odds ang kwento. In short, madali lang talaga tayong pakiligin.

2. O kaya naman ay sawang-sawa  na kasi tayo sa mga political issues na meron tayo. Biruin mo, sabay sabay binangga ng AlDub ang usapin ng SONA ni PNoy at True SONA kuno ni Binay. Halos makalimutan na nga natin yung problema sa Scarborough at yung basura ng Canada. Power of Love ika nga. As of writing, di pa sila nagkikita niyan a!

3. Siguro naexcite din kasi tayo masyado na may mga bagong mukha na gaganap sa istoryang talagang gusto natin. Nakakasawa na rin kasi yung paulit-ulit na kwento tungkol sa pagiging kabit at pangangaliwa, gantihan at patayan. Oo nga at mahalaga na may kontrabida at plot twists pa rin para may spice ang istorya, pero dahil napaka-light lang ng ating bagong sensation ngayon, isa itong refreshment sa buhay nating binubusog na ng heavy drama.

image

4. Innately naniniwala naman tayo sa forever e, at umaasa pa rin tayo na may forever. Sino ba naman ang pumapasok sa relationship na may prescription period? Kaya nga tuwang tuwa tayo sa AlDub kasi pinaglalaban nila yung para sa kanila, kahit may sumiksik man na Frankie. Tinapatan talaga nila ang mga original Pabebe girls – wala na talagang makapipigil sa kanila.

Di ba ganun naman talaga dapat? Walang script na sinusundan ang isang relationship, at higit sa lahat you can be as natural as you are.

5. Mostly impromptu scenes, di na kailangan halos ng script. Bigyan lang ng plot at character na kailangang ijustify, talo-talo na. Lalo na si Yaya Dub, all natural ang mga expression. Lumalabas ang kilig at pagkakwela. Di kailangang maging conscious sa itsura. Di ba ganun naman talaga dapat? Walang script na sinusundan ang isang relationship, at higit sa lahat you can be as natural as you are. And one more important hugot, their pang-masa setting, sa kalye is where most of love stories flourish and bloom. Di ba nakakatuwa?

image

I am a fan, and I enjoin thousands (or maybe millions) of Filipinos united with hashtags and kilig on our very own on-screen couple. Iba to!