Tayo’y Pilipino Bago Naging Botante

One week to go at eleksyon na. Pipili na tayo ng bago nating mga pinuno. And while the election fever intensifies, what matter most is that we will all vote based in our convictions. Manatiling makatao habang nagpapaka-Pilipino.

A few weeks ago nung magkaroon ng opportunity for me to write about Philippine politics hosted by OMF Christian Writers’ Fellowship. I just took the chance to express my opinion on the topic: What do you feel strongly about in these coming national elections, in the light of your faith? I’m not that confident with my political views, pakiramdam ko kasi masyadong mababaw ang alam ko sa topic. Yet, I gave it a shot. And so here it goes:

Tayo’y Pilipino Bago Naging Botante

Martin M. Valenzuela

Tayo ay isang bansa na hinahati ng maraming mga bagay – hinahati ng mga pulo, hinahati ng mga diyalekto, hinahati ng pananampalataya o ng kawalan nito, hinahati ng mga issues ng lipunan at issues ng moralidad. Lalo’t higit ngayong nalalapit na naman ang halalan, muli na naman tayong mahahati base sa kulay at political party ng mga politikong ating sinusuportahan. Kung dati pula’t dilaw lang ang kulay ng magkalaban, ngayon ang liga ay bukas na sa kahit anong kulay – maging sa kahel, asul o sa mala-banyagang “sky blue” man.

Hindi pa man nga nagsisimula ang panahon ng kampanya, unti-unti nang napupuno ang social media feeds natin ng iba’t ibang mukha ng suporta at batikos mula sa mga indibidwal at mga grupo. At kahit matapos na ang election fever at may maiupo na tayong bagong pangulo, hindi pa rin natin inaasahan na ang bangayan at pagkakawatak-watak natin sa maraming bagay ay matatapos na rin kasabay nito.

Salamat sa teknolohiya at sa information age, kung ikukumpara sa mga nakalipas na panahon, masasabi ko na mas involved na tayo sa mga national issues ngayon kagaya ng halalan. Mas pinahahalagahan natin at binibigyan ng halaga ang ating opinyon sa mga bagay na makakaapekto sa ating mga karapatan at pinaniniwalaan. Ngunit sa madalas nating paggamit ng ating karapatan sa paghahayag ng ating nararamdaman, nalilimutan na nating ikonsidera ang damdamin ng iba. Masyado na nating itinutulak ang ating pananaw na politikal sa mga taong lihis ang paniniwala sa atin, sa puntong nawawala na ang respeto natin sa iba. Sa pagtutulak natin ng ating karapatang-pantao, nalilimutan na rin ba ang natin ang pagiging makatao?

Sa kabila ng naglalabasang mga black propaganda at mapanirang-puri na mga intenet memes, mga mapanlait na batikos na na-eextend hindi lang sa mismong politiko kundi hanggang sa mismong pamilya at mga tagasuporta, nasaan nga ba tayo bilang mga Pilipino? Habang lumalaon ba ang panahon mas bumababa ba ang kalidad ng ating pagtatantya sa kakayahan ng tao base sa kulay ng kanyang balat, sa eskwelahang pinagtapusan, sa lugar na kinalakhan, sa temperament at sa angas ng pananalita? Sa ganitong antas ng diskusyon tayo natatalo bilang mga Pilipino – at lalong nagkakawatak-watak. Nawa’y sa pagtakbo ng panahon tayo’y maging mas matalino sa pagpili, at mas makatao sa ating paglalahad ng pagsang-ayon, o hindi pagsang-ayon.

Maaaring magkaroon tayo ng magkakaibang pananaw sa pagpili ng lider ng bansa. May kanya-kanya tayong nais suportahan at platapormang pinaniniwalaan. Bilang isang malayang demokratikong bansa, maaari nating piliin ang susunod na pinuno ayon sa ating sariling convictions. Hindi tayo maaaring suhulan o diktahan ng sinuman maliban kung hahayaan natin sila. Ngunit sa lahat ng pagkakaibang ito, may isang bagay na nagbubuklod sa atin at ito ay ang ating pagiging Pilipino.

Bago pa man tayo naging mga botante, tayo ay nauna munang maging mga Pilipino. Bago pa man tayo nagkaroon ng preperensya sa mga kumakandidatong lider ng bansa, nauna muna tayong maging mamamayan ng bansa. Kaya higit sa mga partido politikal, ang mas higit na dapat mangibabaw sa ating halalan ay ang ating pagiging makatao na pinatutunayan ng ating pagiging marespeto sa opinyon at paniniwala ng iba.

Ngunit higit sa lahat, bago pa man tayo naging Pilipino, tayo ay una munang naging anak at lingkod ng Diyos. Bilang isang Christian nation sa Asya, mas higit na dapat tayong kakitaan ng respeto at pag-ibig sa isa’t isa. Hindi politika ang nagbibigay sa atin ng identity at national heritage. Tanging kay Hesus lang at sa ating pananampalataya sa Kanya tayo nagkakaroon ng tunay na pagkakabuklod-buklod sa kabila ng ating pagkakaiba-iba. Kay Hesus, ang politika ay may kabuluhan. Kay Hesus, ang gobyerno ay nagkakaroon ng katwiran. At bilang mga tagasunod ni Hesus, sa atin nawa magsimula ang pagwawaksi sa mga bagay na maaaring maging sanhi ng ating pagkakawatak-watak bilang isang kristiyanong bansa.

I’m so privileged that an excerpt from what I’ve written was chosen to be a part of OMF’s hot-off-the-press “What About Philippine Politics?” which is a collection of essays about faith and politics and how they coincide, from the voice of respected church leaders, best-selling authors, bloggers and “regular” people.

The best thing about this book is that you can secure a FREE digital copy, and you are free to share the ebook as well. Maganda na bukod sa pagshare ng iyong opinyon sa napupusuan mong kandidato, ibahagi mo na rin ang mga opinion ng mga taong nakapaloob sa librong ito patungkol sa pulitika at pananampalataya. Download your copy here: http://omflit.com/whataboutphilippinepolitics/. Pero kung gusto mo rin ng physical book, you can purchase one for P100 only. I got mine! 🙂

Bilang isang Pilipino sa panahon ng social media, isang malaking ambag ang magbahagi ng mahalagang opinyon sa iba. Ngunit bukod sa pag-click ng like, share at comment, mas mainam pa rin ang aktwal na pakikilahok sa pagbabago ng bansa – at magsisimula ito sa darating na halalan. Botante, handa ka na ba? Uulitin ko lang, sa darating na halalan, manatiling makatao habang nagpapaka-Pilipino.

Advertisements

Train of Thanks 22-23-24

Because we’ll never run out of things to be grateful for.

Wow! A three-week series compiled into single post. Either sobrang complacent lang ako or sobrang busy kaya di masyadong makapagsulat ng maayos. Hindi ko na talaga madetermine. Haha! A lot of things happened, mga gabing puyat sa pagbabasa, pag-aaral, paggawa ng mga random stuff at paggagala. Haha! In all of these, I thank the Lord for giving me the strength and provision for the past weeks. God is good!

Week 1

  1. Being a part of Ptr. Ronald Molmisa’s Young Ezra Society encourages me to dream on and pray hard para sa pangarap ko na maging isang book author. I’ve learned that to be a Christian writer is to convey a message that comes from the Lord, not just to air my opinion or merely share my experiences.
  2. A writers’ guild I belong gave us a writing prompt related to elections. I am glad I was able to submit one article kahit na hindi ko siya forte. I need to learn more, and practice my writing skills more.
  3. An idea sprung up while I was busy with my writing stints: creating a blog solely dedicated for reaching your full potential and fulfilling your purpose in Christ. your hugot and love stories! Introducing my newest blog: Lost in my Purpose. Hearts and Halo!
  4. The planning for the first Katiyagaan Division Joint Day Camp has officially started, and I’m excited for this upcoming event!
  5. I’m grateful for our guest speaker for the Salt and Light Sunday: Teacher Cleo!

Week 2

  1. Napuyat man kami ng mga ka-grupo ko for our Theo 1 report on Trinity, masaya naman kami ng aming grupo na matapos ang final paper and reporting on the said subject. Sayang lang medyo bitin sa class discussion, but aside from the learning, na-appreciate ko ulit ang pagiging estudyante.
  2. Na-late man sa karamihan na sumabay sa hype ng palabas, napanood ko pa rin ang Batman v Superman. Indeed, being a superhero movie lover, I can attest that this is a good time to be alive. In a few weeks time, Captain America: Civil War naman!
  3. I had a great weekend strolling in various parks and attractions in QC. Pero ang masaya, I’ve found friends who are willing to ride with my antics. Di rin naman pala ako ganun ka-introvert kung iisipin. Haha!
  4. I thank the Lord for awesome things such as watching pyrolympics on a Saturday night with friends.
  5. I am grateful for simple joys na hatid ng aking calligraphy pen kahit na hindi naman talaga ako marunong gumamit. Haha!

Week 3

  1. At last, the trimester for the FBC Extension has finally concluded. Makakapahinga na rin kahit paano. Until next trimester!
  2. I was able to watch Papuri 21 at CCF. It was a night filled with inspiration and inexpressible joy from the Lord!
  3. I’m grateful for my safe travel on my out-of-impulse, Manila-Batangas-Manila trip for a personal errand. It was fun, yet I was apprehended for making people worried. Pero salamat pa rin kay Lord talaga.
  4. For another Execom + HAM meetings – I thank the Lord for the wisdom. Time to put 4×4 discipleship material into action!
  5. So blessed to witness the Holy Spirit peeling off our deceptive characters on our Salt and Light Sunday with Teacher Lester as guest speaker!

Ayan, medyo mahaba ang post ko ngayon. Haha! What are the things you are thankful for the previous weeks?

 

Cutting Trip

“Ang risk lang, kailangan nating muling umasa, ngunit samahan natin ng matalinong pagpapasya.”


Nakakainis yung nakasakay ka sa jeep, komportable ka na sa pagkakaupo mo at sa ilang sandali na lang ay mararating mo na ang destinasyon mo, tapos biglang magsasabi ang driver na “hanggang dito na lang po muna tayo”, sabay abot ng ilang barya. Nakakainis lalo na at nagmamadali ka o kaya naman alam mong mahihirapan ka na namang makasakay ulit. Nakakainis. Para ka na ring pinaasa sa matamis na “oo”, tapos wala rin pala. Nakakainis, kasi alam mong ikaw ang umasa.

Oo, huhugot ako. Nang dahil sa biglang liko ni manong driver sa 15th Avenue, mantakin mong ilang kanto na lang sa Gateway kung saan ako dapat na bumaba, mapapahugot ako.

Ilang beses na nga ba tayong umasa? Umasa na may mga taong magmamalasakit na dalhin tayo sa lugar na nais nating patunguhan? Umasa na sa tamang halaga na ibinibigay natin, minsan nga ay sobra pa, tayo ay mabibigyan ng kaukulang pansin at damdamin? Ilang beses na ba tayong tumanggap ng mga empty promises, naniwala at pinaikot ang ating mundo sa mga pangako nila, na baka nga posible, baka nga pwedeng may magbago sa takbo ng buhay natin ngayon. Baka ang status natin ay magkaroon ng kaibahan at di na tayo magiging tampulan ng puna at mapang-usisang tanong ng ating mga kapitbahay. Nakakasawa na rin kasi. Palagi na lang tayong napag-iiwanan. Ang iba nating mga kasabayan nakaabante na, samantalang noon tayo ang nauuna. Ang masaklap naiiwan na nga, ngayon nabu-bully pa. Minsan nadadaya pa. Yan ay dahil umasa tayo. Umasa tayong bibigyan nila muli ng kulay ang namumusyaw nating mga pangarap. Umasa tayong itutuwid nila ang daan na patuloy na nalulubak ng mga problema na alam nating may katugunan naman. Umasa tayo na bubusugin nila ang ating mga sikmura, na tatapatan nila ang ating mga adhika, at bibigyang-linaw ang ating mga hinuha. Umasa tayo. At yan lang naman ang pinakamainam nating magagawa sa ngayon – ang umasa.

Pero sana naman maging matalino na tayo. Kung alam naman natin na bulok, sira, at sa malamang ay di na tayo kaya pang ibiyahe sa tamang daan, o di talaga tayo hangad na ibiyahe talaga, bakit pa ba natin sasakyan?

At ngayon aasa na naman tayo. Marami na namang nagbibigay ng kanilang mga pangako. Marami na naman ang nag-aalok ng pagbabago. Tulad ng isang pampasaherong jeep na inaasahan mong magdadala sayo sa nais mong puntahan, sila ay naghahangad din na sila’y iyong sakyan. May mabilis, may mabagal, may bulok, may bago, may maingay at meron ding tatahi-tahimik lang. Tayo naman, muling makikiramdam. Pilit kikilatisin kung kaninong byahe ba ang nais nating samahan. Pero sana naman maging matalino na tayo. Kung alam naman natin na bulok, sira, at sa malamang ay di na tayo kaya pang ibiyahe sa tamang daan, o di talaga tayo hangad na ibiyahe talaga, bakit pa ba natin sasakyan? Para ka na ring nagbayad ng pamasahe sa manong driver tapos ibababa ka rin naman sa kalagitnaan ng byahe. Cutting trip.

Wala namang masama na umasa, dahil di naman tama na mawalan ng pag-asa. Malay mo, isa sa kanila ang tunay magdadala sa atin tunay na pagbabago. Hindi lahat ng driver ay mahilig sa cutting trip. May mga matino pa rin na handa tayong ihatid sa nais nating puntahan. Ang risk lang, kailangan nating muling umasa, ngunit samahan natin ng matalinong pagpapasya.