Use Data to See Photos

Sa panahon ngayon, hindi na lang sa mga eyeball, mga dokumento at mga binibiling produkto tayo napepeke.

Advertisements

Wala ka nang load pero kating-kati ka na na bisitahin ang newsfeed mo. Mabuti na lang at may free data service ang network mo. Habang busy ka sa pag-puso at pag-haha sa mga status ng mga beshiewaps mo sa facebook, biglang napukaw ang atensyon mo sa isang “balita” tungkol sa paborito mong artista na diumano’y pumanaw na kamakailan lang. Dala marahil ng masidhing emosyon, agad-agad din ay pinindot mo ang share button. Sayang, hindi mo nakita na kahina-hinala pala yung link, sabi kasi sa newsfeed mo “use data to see photo”, at wala kang load.Screenshot_2016-06-08-08-51-59-1

Fake. Peke. Hindi totoo.

Sa panahon ngayon, hindi na lang sa mga eyeball, mga dokumento at mga binibiling produkto tayo napepeke. As if hindi pa sapat na naloloko na tayo sa pag-ibig, pati rin pala sa mga impormasyon naloloko na rin tayo. Ika nga ng mga pantas sa social media, hindi lahat ng nababasa natin online ay dapat paniwalaan.

Nalinlang ka na rin ba ng mga fake news na nagkalat sa social media? Yung paniwalang-paniwala ka at nagpupuyos na ang damdamin mo tapos kalokohan lang pala ang lahat? Bago ka pa makahanap ng kaaway online o makatisod ng mga taong mas gullible sayo, narito ang ilang elemento ng isang fake news at kung paano mo makikilala ang PEKE sa hindi.

PPaninira. Madali mong makikilala ang isang fake news kung masyadong biased ang nilalaman nitong impormasyon. Hindi lang basta biased, mapanira pa ng reputasyon. Kaya’t mainam na basahin mo munang mabuti ang nilalaman bago ka mag-react. Objective pa ba ang sinasabi ng artikulo o ito’y opinyon lang na inilahok sa mga elemento ng balita? Maging mapanuri. Kung sa tantya mo ay sa halip na magbigay ng objective at factual na balita ang binabasa mo ay nanghihimok lang ito na maniwala ka na napakawalang-kwenta ng isang tao o grupo, o di kaya naman ay sinisiraan lang ang reputasyon ng iba, baka naman propaganda lang ang binabasa mo at hindi balita. Peke yan, bes. Mas peke pa sa kilay ng kapitbahay mo.

EEngaging title. Ito ang pinaka-effective sa lahat ng strategies ng mga tagapagpakalat ng fake news. Kaya ka nga napa-comment ng “PAWER” at napapindot ng share e. Ang isang fake news ay nagtatago sa isang napaka-engaging na title para maka-attract ng maraming readers. Naaalala mo pa ba yung mga links na patay na raw si ganito, si ganyan tapos may year pa? Sino ba naman ang hindi magiging curious dun, e lodi mo yun? Though hindi naman lahat ng may engaging title ay automatic fake news na, pero majority ng fake news ay kailangan magkaroon ng very catchy title para bumenta. Wag umasa lang sa free data at bumuo agad ng opinyon base lang sa title. At lalong wag agad ma-fall, kaya tayo nasasaktan e.

KKahina-hinala. Ang sabi nga sa isang TVC, “check the label”. Pagdating sa mga articles online, check the source. Wag mapagpatol. Sino ba ang nagsulat? Credible news agency ba? Ok sige, sabihin na natin na hindi ka masyadong bilib sa mainstream media, pero verified ba at supported ng facts and research ang balitang binabasa mo? Baka naman chismis lang. Bago ka mag-react, tignan mo kung sino ang nagsulat, cross-check mo kay google mo kung may iba pang nagsulat tungkol sa isyu na yun. Kung walang katulad na balita, magduda ka na. Kung sakaling statement naman ito ng isang prominenteng tao, bago ka mag-judge, i-check mo rin muna kung talaga bang sinabi niya ito, at kung ano ang konteksto kung bakit sinabi. Linawan ang mata, dahil pati website url nakakalinlang na.

EEmergent. Ang mga fake news, usually parang kabute kung magsulputan sa social media newsfeeds natin. Sunod-sunod, paulit-ulit, daig pa ang ex mong makulit. Minsan pa, kahit galing sa iba’t ibang pages at websites, pare-pareho ng naman ng caption, ng title at ng content. Yan ay dahil ang mga ito ay pinapaikot ng makinarya ng mga taong may masamang motibo sa pagpapakalat ng maling impormasyon. Kaya naman kapag napapansin mo na parang copy-paste na lang ang mga articles sa mga nauna mo nang nabasa, magtaka ka na. Isa talaga sa mga layunin ng mga fake news generator ay maging viral ang post nila sa pamamagitan ng mga gullible at hindi nagbabasang mga mambabasa. Kaya wag ka nang makisama. Don’t click that share button! You are wiser than that.

Umiwas sa P.E.K.E.

Nabubuhay tayo sa social media generation na ang lahat ay malayang magsabi ng sariling opinyon sa isang online platform. Ngunit hindi lahat ng nakapost online ay dapat mong paniwalaan. Pero maaari mo namang hingin ang tulong ng iba para naman mas factual and grounded ang tatayuan mong opinyon. Wag kang mahihiyang magtanong: Totoo ba? Hindi naman nakakabawas ng pagkatao ang fact-checking. Personally, I believe nakaka-cool pa nga ito. Haha!

Magkakaiba man tayo ng political preferences pero alam kong iisa lang tayo ng hangarin na dun tayo sa tama, dun tayo sa totoo. Mahirap naman kung puro lang tayo kuda tapos based sa fake news naman pala. Kaya ano pang hinihintay mo? Mag-load na to use that data to see photos!


Ang blog post na ito ay opisyal na lahok sa Saranggola Blog Awards 2017, Espesyal na KategoryaSaranggola 336x280.jpg