Unspoken Rules on Social Media

Masaya sa mundo ng social media. Pero let us not deviate from its intended purpose, yung maging mas connected tayo sa isa’t isa.

No one can argue how instrumental and monumental social media is sa lahat ng areas ng buhay natin. I grew up in a time na wala pang Facebook at dial-up pa ang internet connection, pero parang hindi ko na yata ma-imagine pa na bumalik sa panahong iyon. Ay wait, i-qualify ko yung sinabi ko. Haha! Siguro yung simplicity ng buhay noon gusto kong balikan, pero pagdating sa mga “tools of the trade” at mga productivity features of today’s technology, malaking tulong talaga.

Unspoken Rules on Social MediaSabi nga, the greater the opportunity for good, the greater the opportunity for evil. Ang bilis ng transfer ng information ngayon. And information comes in different faces – good news, bad news, depressing, informative, cringe-worthy, motivating, etc. Minsan pa nga, detrimental pa to the welfare of others. We live in the era of information right before our tiny screens. Ang tanong lang ay kung paano natin ginagamit ang mga information na ito? Nakakalunod ano? Ang social media na dapat sana ay for “socialization and connection purposes” ay nahahaluan na rin ng kalokohan.

​How do we make the most out of the blessings of technology, particularly that of social media? Meron akong ilang practical tips:

  1. Kumustahin mo rin, wag puro Everwing

I play Everwing, yung bagong game na kinaka-adikan ng marami. Ang catch lang ay kailangan mo pang mag-send ng “play with” message or “challenge” sa mga online friends mo para mas ma-enjoy mo yung game. Kaya naman maraming chat boxes ang napupuno na ng mga Everwing messages. Pati yung mga online friends mo na matagal mo nang hindi nakakausap biglang nag-pop up ang chat bubble dahil sa Everwing request niya. Maraming patay na GC rin ang muling nabuhay. Haha! Pero magandang opportunity to to reach out your long lost friends and catch up with GCs. Makipagkwentuhan ka rin, wag lang flood ng Everwing. Mas enjoy makipag-compete ng scores with friends kaysa naman mainis sila sayo kasi ang kulit-kulit mo. Invite them to play with you, hindi yung binubulabog mo lang ang messenger nila. Haha! 🙂 At sa mga nakukulitan sa akin, sorry po. Laro tayo. Hehe!

  1. Magrerespond ng “going” tapos biglang drawing? Wag ganun.

Maraming pagkakaibigan ang nasisira dito. Kung hindi ka pa naman sure na makakasama sa lakad ng barkada, wag ka nang masyadong magpabida at magsabing sure ka na. Wag kang masyadong paasa. Update the group, kasi effort kaya mag-prepare at magplano. Wag kang basta mawawala kapag malapit na ang usapan. Be honest and transparent, nakakasira yan ng integridad. Pero honestly, wala naman akong hugot, promise. Hahaha!

  1. Cooperate din sa GC para sa huli hindi ka masisi.

Gawain ko na i-turn off ang notifications ng mga group chats where I belong. Madali kasi akong ma-distract sa dami ng messages at nao-overwhelm ako kapag sobrang haba na ng kailangan kong i-backread. Pero try to keep up with the conversation pa rin. Lalo na kung kailangan mong ma-update sa mahahalagang discussions ng group kagaya ng anong oras ang lakad, magkano ang contribution at sino ang magdadala ng pagkain. Kung hindi ka updated, at hindi ka rin marunong magtanong, naku baka masisi ka sa huli.

  1. Wag mo silang inisin sa hobby mong pangsi-“seen”

Same with No. 3, maraming puso ang nasasaktan sa mga hugot at jokes nila na hindi mo naman pinapansin. Sayang effort. Huhu.

  1. Kung alam mo nang may pambubully, wag ka nang sumali

Sa dami ng mga status posts, videos at pictures na kumakalat online, hindi maiiwasan na maraming mga private individuals ang naco-compromise at nauuwi pa nga sa bullying. If you think na hindi na maganda at nakakasakit na, wag ka nang makigaya pa sa iba. Hindi mo lang alam how does a person feel kung ang lahat sa social media ay may hindi magandang sinasabi tungkol sa kanya. Don’t be an accomplice to bullying.

  1. Magtimpi kahit kaunti. Hindi lahat ng drama nilalabas sa social media.

May iba sa atin hindi makapigil sa sarili, lahat na lang sa social media sinasabi. Remember that whatever you put in social media ay maaaring makapukaw ng interest ng public. Kung hindi ka handa sa mga comments ng iba, aba’y magtimpi ka. Given na page mo yan at walang pwedeng pumigil sa mga gusto mong i-post online, pero be more responsible at aware sa mga maaari mong ma-fish na comments. Sige ka, ikaw rin. Pero friendly advice: hindi lahat gusto ng drama palagi ang nababasa.

  1. Be wise. Ang taong gullible, sa fake news mapagpatol.

Ang daming fake news online grabe! Pero ang mas marami, yung nagse-share ng fake news. Hahaha. Pwede ba tayong maging mas matalino sa pagdi-disseminate ng information online? Don’t just base on the clickbait headlines. Basahin rin ang contents. Verify with credible sources kung totoo ang balita. Be responsible online. Wag maging gullible.

Masaya sa mundo ng social media. Pero let us not deviate from its intended purpose, yung maging mas connected tayo sa isa’t isa. Maraming away at divisions ang nabubuo from the very thing that should connect us. Maging mas wise at responsible tayo as we behave online.