Free eBook: Magplano Kahit Walang Planner

Hindi porke’t may planner ka nang maganda ay may magandang plano ka na.

Advertisements

Download PDF here: magplano-kahit-walang-planner

magplano

It’s the time of the year na naman para sa mga makukulay at magagandang mga planners and journals. Napakasarap kaya sa pakiramdam na may bago kang kwaderno na pupunuin mo ng mga ganap mo for the day, week and months. Para sa akin, at sa marami sa atin, wala nang mas exciting pa sa amoy ng isang bagong notebook, lalo na kung may mga inspiring quotes at discount coupons pa na nakaipit sa mga pahina nito. Ay meron pala, amoy ng bagong biling libro, pero ibang topic na yun. 🙂

Aminin mo, hindi porke’t may planner ka nang maganda ay may magandang plano ka na rin for the year that is to come. Marami nga sa atin, clueless talaga sa kung paano ba tatakbo ang taon e. At hindi rin basehan na may planner ka, every plan will fall into their perfect place. Ang totoo nga niyan, may mga taong inaabot lang ng tatlong buwan ang pagkahumaling sa kanilang planner, pagkatapos nun wala na. At the end of the day, It all depends upon YOU kung paano maisasakatuparan ang bawat planong isusulat mo sa planner mo.

Kaya’t may planner ka man o wala, pagtulungan nating i-maximize ang ating taon #NoteToSelf way.

Ang Boto Ko

Tayo ay bumoboto hindi lamang para sa ating mga sarili kundi para sa ating mga anak at mga apo.

Ang Boto KoBGM: “Sana Kahit Minsan” by Ariel Rivera

Ilang linggo, or should I say buwan na rin ang lumipas at medyo naumay ako literally sa mga political posts na nababasa ko sa news feed ko. Siguro kaya rin nakakaumay kasi araw-araw at maya’t maya din akong bumibisita sa mga SNS ko. Malamang din, hindi lang ako ang may ganitong istorya. Sa henerasyon natin ngayon, essential na nga rin nating maituturing na marinig ang “boses ng mundo” thru social media.

So, oras na nga lang ang binibilang at halalan na, at hindi ko inaasahang matatapos ang “party” sa social media in just a matter of two or three days. Sigurado akong magpapatuloy ito nang mahaba-habang panahon pa. Honestly, I find it both intriguing and amusing how my friends view political issues at hand. Natututo rin ako. Not a few times I am tempted to jump into various conversations pero isang blessing na marahil sa akin na bukod sa alam kong “pikon” ako at maramdamin, I am under oath to be non-partisan bilang isang credentialed worker ng aming church denomination.

Noong una, nagigitla ako sa mga nakikita at nababasa ko as newsfeed ko, realizing that there are people who are so willing to risk their image and friendships in order to be heard, to express their opinions, or sometimes their angst. Saan galing ang passion? Saan galing ang sobra-sobrang zealousness bigla?

Pagpasok ng taon, since kilala naman na natin kung sino-sino ang mga nagnanais na pumalit bilang Pangulo at Pangalawang Pangulo ng bansa, sa totoo lang ay nakapili na ako ng nais kong iboto. Ibinatay ko ito hindi lamang sa kakayanan at sa kahusayan sa larangan ng paglilingkod sa bayan, kundi sa exemplary track record na meron siya. Actually lahat naman sila ay may magandang mga plataporma at naising pagbabago sa bansa. Hindi man natin alam ang tunay na motibo sa kanilang mga pagkatao at pagnanais na makamit ang pinakamataas na posisyon sa bansa, pero alam naman natin na lahat sila ay may kakayanan. We just look at them differently and with personal biases.

Ngunit habang tumatakbo ang mga araw, mas dumarami ang opinyon, mas lumalawig ang diskusyon, mas bumubuhos ang emosyon. Pakiramdam ko nga nawawalan na tayo ng respeto sa isa’t isa, nalilimutan na natin na higit sa pagiging botante, tayo ay una munang naging mga marangal na tao at mga Pilipino. Noong una, nagigitla ako sa mga nakikita at nababasa ko as newsfeed ko, realizing that there are people who are so willing to risk their image and friendships in order to be heard, to express their opinions, or sometimes their angst. Saan galing ang passion? Saan galing ang sobra-sobrang zealousness bigla? Then it dawned upon me. I believe that what we see in social media doesn’t necessarily mean na kung ano ang attitude ng kanilang sinusuportahang leader ay ganun na rin sila. We are just so fed up with what’s happening in our government system to the point na sumosobra na ang ating zealousness, screaming for change. We are so fed up, and we rally behind our chosen representatives believing that they will serve as our champion in our fight against the horrors of the past and challenges of the future.

A day before the national elections, I revisited my preferences for a leader. Masyado pala akong nakatingin sa opinyon ng iba. Masyado pala akong nakatuon sa standards na dinidikta ng tao. Kagaya ng ilan (o marami?) sa atin na either sumasabay lang sa bandwagon o di kaya ay mas pinipili to go against the tide, minsan nakikita ko ang sarili ko sa alinman sa opposite ends ng spectrum na yan. Malaking bagay ang election series namin sa church as I am writing this post, at ang pagkakagising ng diwa ko sa tunay na responsibilidad ko sa pagboto at ang halaga nito.

My vote is an expression of worship.

Inaamin ko na ang naging basehan ko sa pagpili ay solely ang competence at track record lang. Narealize ko na kulang pala ang mga ito. I know that there will be endless discussions on the presumed separation of spiritual matters and politics but as I Christian I believe that Politics and Faith will always be intertwined. Hence my vote is not just an exercise of my right of suffrage but an expression of worship as well. Nakikitaan ba ako ng pagsamba sa mga pananaw ko patungkol sa pagboto at pagpili ng tamang lider ng bansa? Sana naman.

My vote must be a righteous choice.

Ako ay isang Pilipino, ngunit higit sa aking pagkakakakilanlan ay ang aking pagiging Kristiyano, kaya naman ang aking pagpili ay dapat nagpapakita ng aking allegiance kay Hesus at sa Kanyang mga panukala. Kung sa pamantayan ng Diyos, wala naman ni isa ang papasa sa pamumuno.

Ako ay isang Pilipino, ngunit higit sa aking pagkakakakilanlan ay ang aking pagiging Kristiyano, kaya naman ang aking pagpili ay dapat nagpapakita ng aking allegiance kay Hesus at sa Kanyang mga panukala. Kung sa pamantayan ng Diyos, wala naman ni isa ang papasa sa pamumuno. Are we left with a choice kung sino ang “lesser evil”? I don’t think so. Kung magkakaiba man tayo ng pipiliin base sa ating convictions, does it mean one has become “lesser Christian” na rin ba? Obviously not! Our Christianity is never defined by the presidential choices we make but by what Christ has done. Ngunit ang pagboto natin lalo na kung tayo ay mga mananampalataya ni Kristo ay dapat anchored in His Word. Sino ba sa mga choices ang alam mong kumikilala sa Diyos?

My vote is my investment for the future.

Tayo ay bumoboto hindi lamang para sa ating mga sarili kundi para sa ating mga anak at mga apo. Hindi ito isang national occasion na masaya dahil walang pasok, ito ay isang investment para sa future. Ito’y isang pagtataya para sa kanilang pag-aaral, sa kanilang papasuking propesyon, sa uri ng kanilang transportasyon, komunikasyon, seguridad at iba pa. Our vote is to send the future generation a message that we love them and we care for them. So refusing to vote is to say otherwise. Ngunit higit sa pagtitiwala sa lider ng kinabukasan ng ating bansa at mga pamilya ay ang pagtitiwala na nasa Diyos pa rin ang kapangyarihan at sovereignty over all the affairs of the nation.

Sa pagtatapos ko sa mahabang post na ito, may ilang bagay lang akong idadagdag:

  1. Base sa aking mga realizations lately, ang first choice ko para maging presidente at bise presidente ay nabago na. I’ll go for ________________. 🙂
  2. Wala talagang kinalaman ang kanta ni Ariel Rivera sa post na ito. Masaya lang siyang pakinggan. Nakaka-boost ng creativity. Haha!
  3. Trivia: Eleksyon noon, after kong bumoto nang sinagot ako ng ex-girlfriend ko. ComElec Registration din para sa aking unang pagboto nang una akong nag-fieldtrip sa friendzone. Yung totoo, anong meron sa eleksyon at di yata sila boto sa akin? Hahaha!
  4. I-download ang free ebook ng OMF na “What About the Philippine Politics?”. May maikli akong participation sa librong iyon. O kaya naman, bilhin niyo na rin ang physical book for just P100.

Guys, let’s go out and vote!

Tayo’y Pilipino Bago Naging Botante

One week to go at eleksyon na. Pipili na tayo ng bago nating mga pinuno. And while the election fever intensifies, what matter most is that we will all vote based in our convictions. Manatiling makatao habang nagpapaka-Pilipino.

A few weeks ago nung magkaroon ng opportunity for me to write about Philippine politics hosted by OMF Christian Writers’ Fellowship. I just took the chance to express my opinion on the topic: What do you feel strongly about in these coming national elections, in the light of your faith? I’m not that confident with my political views, pakiramdam ko kasi masyadong mababaw ang alam ko sa topic. Yet, I gave it a shot. And so here it goes:

Tayo’y Pilipino Bago Naging Botante

Martin M. Valenzuela

Tayo ay isang bansa na hinahati ng maraming mga bagay – hinahati ng mga pulo, hinahati ng mga diyalekto, hinahati ng pananampalataya o ng kawalan nito, hinahati ng mga issues ng lipunan at issues ng moralidad. Lalo’t higit ngayong nalalapit na naman ang halalan, muli na naman tayong mahahati base sa kulay at political party ng mga politikong ating sinusuportahan. Kung dati pula’t dilaw lang ang kulay ng magkalaban, ngayon ang liga ay bukas na sa kahit anong kulay – maging sa kahel, asul o sa mala-banyagang “sky blue” man.

Hindi pa man nga nagsisimula ang panahon ng kampanya, unti-unti nang napupuno ang social media feeds natin ng iba’t ibang mukha ng suporta at batikos mula sa mga indibidwal at mga grupo. At kahit matapos na ang election fever at may maiupo na tayong bagong pangulo, hindi pa rin natin inaasahan na ang bangayan at pagkakawatak-watak natin sa maraming bagay ay matatapos na rin kasabay nito.

Salamat sa teknolohiya at sa information age, kung ikukumpara sa mga nakalipas na panahon, masasabi ko na mas involved na tayo sa mga national issues ngayon kagaya ng halalan. Mas pinahahalagahan natin at binibigyan ng halaga ang ating opinyon sa mga bagay na makakaapekto sa ating mga karapatan at pinaniniwalaan. Ngunit sa madalas nating paggamit ng ating karapatan sa paghahayag ng ating nararamdaman, nalilimutan na nating ikonsidera ang damdamin ng iba. Masyado na nating itinutulak ang ating pananaw na politikal sa mga taong lihis ang paniniwala sa atin, sa puntong nawawala na ang respeto natin sa iba. Sa pagtutulak natin ng ating karapatang-pantao, nalilimutan na rin ba ang natin ang pagiging makatao?

Sa kabila ng naglalabasang mga black propaganda at mapanirang-puri na mga intenet memes, mga mapanlait na batikos na na-eextend hindi lang sa mismong politiko kundi hanggang sa mismong pamilya at mga tagasuporta, nasaan nga ba tayo bilang mga Pilipino? Habang lumalaon ba ang panahon mas bumababa ba ang kalidad ng ating pagtatantya sa kakayahan ng tao base sa kulay ng kanyang balat, sa eskwelahang pinagtapusan, sa lugar na kinalakhan, sa temperament at sa angas ng pananalita? Sa ganitong antas ng diskusyon tayo natatalo bilang mga Pilipino – at lalong nagkakawatak-watak. Nawa’y sa pagtakbo ng panahon tayo’y maging mas matalino sa pagpili, at mas makatao sa ating paglalahad ng pagsang-ayon, o hindi pagsang-ayon.

Maaaring magkaroon tayo ng magkakaibang pananaw sa pagpili ng lider ng bansa. May kanya-kanya tayong nais suportahan at platapormang pinaniniwalaan. Bilang isang malayang demokratikong bansa, maaari nating piliin ang susunod na pinuno ayon sa ating sariling convictions. Hindi tayo maaaring suhulan o diktahan ng sinuman maliban kung hahayaan natin sila. Ngunit sa lahat ng pagkakaibang ito, may isang bagay na nagbubuklod sa atin at ito ay ang ating pagiging Pilipino.

Bago pa man tayo naging mga botante, tayo ay nauna munang maging mga Pilipino. Bago pa man tayo nagkaroon ng preperensya sa mga kumakandidatong lider ng bansa, nauna muna tayong maging mamamayan ng bansa. Kaya higit sa mga partido politikal, ang mas higit na dapat mangibabaw sa ating halalan ay ang ating pagiging makatao na pinatutunayan ng ating pagiging marespeto sa opinyon at paniniwala ng iba.

Ngunit higit sa lahat, bago pa man tayo naging Pilipino, tayo ay una munang naging anak at lingkod ng Diyos. Bilang isang Christian nation sa Asya, mas higit na dapat tayong kakitaan ng respeto at pag-ibig sa isa’t isa. Hindi politika ang nagbibigay sa atin ng identity at national heritage. Tanging kay Hesus lang at sa ating pananampalataya sa Kanya tayo nagkakaroon ng tunay na pagkakabuklod-buklod sa kabila ng ating pagkakaiba-iba. Kay Hesus, ang politika ay may kabuluhan. Kay Hesus, ang gobyerno ay nagkakaroon ng katwiran. At bilang mga tagasunod ni Hesus, sa atin nawa magsimula ang pagwawaksi sa mga bagay na maaaring maging sanhi ng ating pagkakawatak-watak bilang isang kristiyanong bansa.

I’m so privileged that an excerpt from what I’ve written was chosen to be a part of OMF’s hot-off-the-press “What About Philippine Politics?” which is a collection of essays about faith and politics and how they coincide, from the voice of respected church leaders, best-selling authors, bloggers and “regular” people.

The best thing about this book is that you can secure a FREE digital copy, and you are free to share the ebook as well. Maganda na bukod sa pagshare ng iyong opinyon sa napupusuan mong kandidato, ibahagi mo na rin ang mga opinion ng mga taong nakapaloob sa librong ito patungkol sa pulitika at pananampalataya. Download your copy here: http://omflit.com/whataboutphilippinepolitics/. Pero kung gusto mo rin ng physical book, you can purchase one for P100 only. I got mine! 🙂

Bilang isang Pilipino sa panahon ng social media, isang malaking ambag ang magbahagi ng mahalagang opinyon sa iba. Ngunit bukod sa pag-click ng like, share at comment, mas mainam pa rin ang aktwal na pakikilahok sa pagbabago ng bansa – at magsisimula ito sa darating na halalan. Botante, handa ka na ba? Uulitin ko lang, sa darating na halalan, manatiling makatao habang nagpapaka-Pilipino.