BASAG: A book launch with a dose of #feels

“Acting strong and tough ka pero deep inside, basag na basag ka na”

An afternoon of words and music, of numerous hugot and an inspiring story of an individual marred by heartbreak but made whole again by the grace of God. Mula sa pagiging BASAG hanggang sa pagiging buo muli. Yan ang inspiring story ni Ate Prexy Calvario, condensed in a small book guaranteed to help those who are in the process of moving on from a painful breakup. Ang mga kwento sa likod ng libro ang naging highlight ng book launching event na ginanap sa OMF Literature bookstore on May 27, syempre coupled with spoken word poetry and acoustic music.

Sino nga ba naman ang hindi makaka-relate sa mga kwentong heartbreaks at hiwalayan? Maliban na lang kung kabilang ka sa mga taong hindi pa nakakaranas na lumuha dahil sa pag-ibig, ang pagiging brokenhearted ay isang estado sa ating buhay pag-ibig kung saan acting strong and tough ka pero deep inside, basag na basag ka na. Yung one day, decided ka na to let go of the past pero marinig mo lang ang theme song niyo, cry to death ka na naman. Mahirap talaga kapag brokenhearted! Kaya naman blessing ang book ni Ate Prexy sa mga miyembro ng Moving On community.

IMG_1545
Ate Prexy sharing personal stories behind the book

During the book launching event, may ilang realizations lang akong napulot:

  1. Kagaya ng ex mo na hindi nagpahalaga sayo, your pain, too, shall pass. Hindi yan kagaya ng Motolite na pang-matagalan. Makaka-move on ka rin, promise. Unless mag-decide ka na magtampisaw sa sakit at bitterness, with determination and by God’s grace for sure babalik din ang ngiti sa mga labi mo.
  2. Unlike your ex na puro lang pangakong napako, asahan mo na sa moving on journey mo ay may mga promises si Lord na tutuparin Niya – that is, He will see you through. He will strengthen you. He will help you recover. He will always be there for you to give you comfort and peace. And during such time of emotional recovery, you will realize He is all you will ever need.
  3. After the ordeal of being heartbroken, you are now ready to be a blessing to others in need of encouragement and support. Magiging instant counselor ka sa mga dumadaan sa masalimuot na landas ng pagmo-move on. Maaari ka nilang maging gabay, huhugot sila sayo ng inspirasyon na kung kinaya mo, kaya rin nila. Kagaya ni Ate Prexy at ng kanyang libro, you can be the answer to their emotional need, hindi kagaya ng ex mo na kapag may need lang magaling.
IMG_1566
Syempre I took the opportunity to have my copy signed by the author 🙂

I am privileged to somehow endorse the book sa aking personal blog page, at nagtataka ako bakit may mga HAHA reactions sa facebook posts ko. Sa pagtatanong ko, nakuha ko ang sagot: oo nga naman, napaka-catchy kasi ng title ng libro, napaka-light, pang-masa – lahat tayo makaka-relate. Hindi lang basta broken, BASAG. Worse than being in pain, kundi BASAG. Uncommon for a published book title pero malaking tulong sa common emotional pains ng tao. No holds barred ika nga. BASAG kung BASAG. Wala nang kyeme. After all, totoo namang BASAG tayo nung huli tayong nasaktan di ba?

IMG_1528

Prior to this blog post, I have also written a review of the book in this link: http://bit.ly/2lH6J22

Taken from the back cover blurb of the book, let Ate Prexy do the pitch:

How about taking a special course condensed in this small book? Dahil nakagraduate na ako sa pagiging brokenhearted, baka sakaling matulungan kita. “Been there, done that” ang peg ko. Sabi ng iba, time heals all wounds. Ang totoo, God heals, in time. Through my story, let me tell you how.

BASAG: Bachelor in Nursing a Broken Heart, Major in Moving On is available for only P75. Look for the book at OMF Lit Bookshops, Passages Bookshops, Philippine Christian Bookstores, National Book Stores and other leading bookstores nationwide. You can also order online at www.passagesbooks.com.ph.

Saan ka nga ba Humuhugot?

Yung mas humuhugot pa tayo ng inspirasyon sa mga human relationships natin more than Him.

bakit ka nga ba HUMUHUGOT-Gone are the days na ang mga kabataan ay nagbibitaw ng mga pick-up lines at mga cheesy jokes. A few years ago, uso ang mga “ways to win her heart” at mga “how to catch his attention”. Ngayon ang uso ay mga “hugot”, na sinusundan pa ng “walang forever” at “maghihiwalay rin kayo”. Bentang-benta sa atin ang mga negosyong may kaunting touch ng ka-bitteran at encouragement sa pagmo-move on. Nagbabago nga talaga ang panahon.

Being a hopeless romantic myself, samahan mo pa ng pagkahilig ko sa mga mabulaklak na salita, tuwang tuwa talaga ako dati sa mga pick-up lines. Those catchy little phrases were my attention catchers whenever I speak before a group of youth. Pero ngayong mga salitang pa-hugot na ang in sa panlasa ng mga kabataan, medyo kailangan ko na ring mag-upgrade ng artillery ko. This is my observation sa mga kabataan ngayon – most of the time you can win their attention with your wit. Kapag may pagka-smarty-smarty ka, malaki ang chance na makukuha mo ang kanilang atensyon necessary as you unload the gospel story.

Sa dami ng humuhugot ngayon, nagiging katatawanan na siya. Ako mismo, I find most of the hugot lines on the internet both as amusing and intellectual. Nakakatuwa ang katabaan ng utak ng mga nasa likod ng mga ito! It just proves how resilient we are as a nation – hindi lang tayo sa mga bagyo at baha matatag, maging sa anumang uri ng unos na dumarating sa ating mga puso. Ano naman kung mabroken-heart? Isang hugot lang yan!

Pero ano nga ba ang nasa likod ng ating mga pag-hugot?

  1. Isa ka nang bitterana

Marahil ay naranasan mo nang masaktan, hindi lang nang isang beses kundi maraming beses na. Sa sobrang exposure mo sa sakit, naging hustler ka na. Alam na alam mo na ang pakiramdam at naging manhid ka na dito. Pero gayunman, kabilang ka pa rin sa mga umaasang darating din ang panahon na mapapalitan ng tamis ang bawat pait at lalabas din ang sweet tooth personality mo.

Hugot 1
Image taken from https://kami.com.ph/8929-elections-hugot-lines.html
  1. Lunod ka na sa luha ng iba

Sa araw-araw ka ba namang iyakan ng mga kaibigan mong akala mo kasama sa marathon kung maghabol sa jowa nilang ilang beses na silang iniwan, syempre mapapahugot ka talaga. You learn by experience ika nga, pero sa experience ng iba.

Hugot 2
Image taken from https://www.wattpad.com/200184000-ms-hugot-hugot-lines
  1. Reflective ka lang talaga

Ikaw yung tipo nang taong hugot nang hugot kahit wala namang lovelife; yung huhugot na lang bigla makakita lang ng maruming basahan, tuyong dahon o kahit gamit na tissue paper. Lahat na lang ng bagay kaya mong bigyan ng hustisya. Hindi ka man lunod sa luha ng iba, lunod naman ang iba sa kakahugot mo out of nowhere.

Hugot 3
Image taken from http://www.manillenials.com/twitter-hugot-lines-class-suspension/
  1. Add your personal reason

At walang makakapigil sayo.

Hugot 4
Image taken from https://twitter.com/pinoyhugotlines/status/742317502613463040

Last year dahil sa That Thing Called Tadhana, naging pambansang destinasyon para mag-move on ang Sagada. Ngayon, salamat sa bagong commercial ng McDonalds, naging mas malapit at mas affordable na ang pagkalimot kay ex – no need na para umakyat nang bundok. Burger McDo lang, mapapakanta ka na ng “tuloy pa rin ang awit ng buhay ko”.

Magandang mai-release natin ang ating mga hinanakit at pait sa buhay. Malaking bagay na ang anumang nagpapasakit sa ating puso ay mailabas natin para tayo ay makarecover. May mga therapy pa nga na ginagawa ang iba na kailangang magbasag ng mga pinggan sa pader para makapagrelease. Unfortunately for some, mas pinipili naman nila ang maglaslas. Umibig – nasaktan – lumuha – nagselfie.

Kaya nga tinawag siya na moving on ay dahil kailangan mong pumunta from one place to another – from a place of hurting and pain to a place of recovery and freedom from bitterness. Ngunit hindi magiging madali ang proseso. Sa iba, ito ay mabagal at sa iba naman ito ay madali lang, no need na sumunod sa Popoy rule na three months. Ang pagmo-move on ay hindi isang karera na kailangan mong mauna sa iba – ito ay isang paglago tulad ng isang binhi. Sa paglipas ng panahon, mas yumayabong ka at nagiging mas matatag.

May mga instances sa Bible na kahit si Jesus ay napapa-hugot din from His surroundings to drive important points para mas maunawaan natin ang mga gusto Niyang sabihin. He’s the best teacher after all.

Nang minsang kumain siyang kasama ng mga tax collectors and “sinners”, mga social outcasts nang panahon nila, pinag-chismisan siya ng mga ruling religious men. Kaya’t nagsimulang humugot si Jesus:

“Suppose one of you has a hundred sheep and loses one of them. Doesn’t he leave the ninety-nine in the open country and go after the lost sheep until he finds it? And when he finds it, he joyfully puts it on his shoulders and goes home. Then he calls his friends and neighbors together and says, ‘Rejoice with me; I have found my lost sheep.’  I tell you that in the same way there will be more rejoicing in heaven over one sinner who repents than over ninety-nine righteous persons who do not need to repent.” – Luke 15:4-7

Sa labis na pag-ibig din Niya sa atin, with deep emotions and compassion may isa pang hugot si Jesus:

“Jerusalem, Jerusalem, you who kill the prophets and stone those sent to you, how often I have longed to gather your children together, as a hen gathers her chicks under her wings, and you were not willing.” – Matthew 23:37

Sobrang mahal tayo ni Jesus and out of His great love for us, He wants us not just to know about it but to experience it as well. Ngunit maraming pagkakataon rin na nasasaktan lang natin Siya. Gustong-gusto niya tayong makausap at makasama ngunit hindi natin Siya pinapansin. Ang mas masakit pa, mas humuhugot pa tayo ng inspirasyon sa mga human relationships natin more than Him.

Maraming gustong sabihin si Jesus sa atin. Buksan mo lang ang Bible mo at mamangha sa napakaraming hugot ni Jesus – hugot nang pagmamahal at hindi ng bitterness, hugot upang tayo ay mag-move on towards Christ-likeness from a life of brokenness.

May mga hugot tayo sa buhay at kadalasan puno ito ng bitterness. I encourage you na in all of these hugot sentiments, mas humugot tayo ng lakas, inspirasyon at tunay na pag-ibig from Jesus Himself.

My First Hike Experience: Mt. Talamitam

“Hindi lahat ng expectations na hindi natupad ay hindi na maganda.”

Since the beginning of the year, I had this intense desire to cover new grounds and do things I have never done before. Since mountaineering is gaining popularity these days, I jotted it down on my bucket list. This idea was fuelled when Jin invited Josh and I to climb Mt. Batulao in Nasugbu, Batangas. At last, may lakad na matutuloy. The only catch is to keep the group small so we can easily monitor each other.

7539_1226617127364973_5771979716137816934_n
Dito nag-start ang hiking idea, thanks sa mga escapades ni Jin na-engganyo rin ako

A few weeks before the climb: the original plan is to ascend Mt. Batulao

A few days before the climb: because of the untoward incident that happened in Mt. Batulao, we need to take Mt. Balagbag in Rodriguez Rizal instead.

A few hours before the climb: by faith and by guts, we tried to check if Mt. Batulao is already open for hikers but we were discouraged by the residents and our guide. So our last minute decision is to ascend Mt. Talamitam instead. Since it is my first hike, I don’t have any expectations about mountain climbing except that I will end up feeling tired and exhausted, so it really doesn’t matter to me which mountain we are going to take.

Ok konting backtrack…

Our meeting place is at Jollibee Farmers at 5am of January 30. I felt really excited to see Jezz and Nats because I don’t have an idea that they are also coming. All in, the group is composed of seven, with two ladies Jin and Jovy tapos si Ptr. Josh, Kuya Benj at ako, bukod kay Nats and Jezz. Nang makumpleto na kami and after a short prayer, we boarded a bus to going to Coastal Road, from where we will board a bus going to Nasugbu. Halos puno na ang bus at tayuan na rin pero tinuloy na namin. Besides we are off to adventure, sinimulan lang namin ng maaga 🙂

Bumaba kami sa Evercrest, since we’re gonna try the Batulao trek and from there we will meet our very cool guide – Kuya Jonel. While waiting, we take pictures, have a few chats, bought some candies and snacks, and responded to the call of nature.

Terminal Picture

After deliberation, we’ve decided to take Mt. Talamitam, just a few minutes tricycle ride from Evercrest. We were welcomed by a lot of hikers registering and very accommodating locals.

After registration last minute purchases, off we go! Good thing may carinderia for those na walang dalang baong lunch like me (actually lahat yata kami).

From the registration area at Bayabasan, we started trailing sa sementadong kalsada, na unti-unting nagiging lupa. We also crossed a makeshift bridge made of bamboo. From there, the trail becomes more challenging dahil madawag na. We need to be careful as well from goats roaming around the trail, as well as from their poops. Haha! Also, I never knew that the shade from the shrubs and trees we are trailing will eventually cease as we approach the summit. Kaya samantalahin ang lilim! It was almost 11am when we took our lunch on a shady area, in view of the vast beauty of Batangas city.

 

The midpoint of our trek is an open field where there are lesser trees, but a ploughed space for talbos ng kamote, and a few number of goats and cows. Yet from this place is one of the most scenic spot to appreciate the beauty of Mt. Talamitam. Jin describes it as the one we usually draw in our bond papers as elementary students – the M-shaped mountain with a clear blue sky as background and few trees to none at all. It’s as if my childhood drawing came to life, and just within reach!

We continued our hike under the scorching heat of the sun around 12:30-1:00pm. Sabi nga nila, the nearer you get to the summit the trail gets harder, steeper and more challenging. It became more challenging indeed! During the last stretch before the summit, under the heat of the sun and aching knees and legs, I am already contemplating as to what entered my mind for me to get through this suffering? Haha! Seriously, I feel like I am already giving up. But I have no choice, the summit is just a few steps away, and going back is much harder because I might take the trail alone. Senti lang.

At last, we reached the summit!

Martin

To be honest, I didn’t take pictures as soon as we reached the summit. I tried to find shade first (and comfort my aching legs and catch up for my breath. There is one crowded bahay kubo occupied by other groups and I tried to squeeze myself among them just to hide from the heat. Nang medyo narealize ko na wala akong mapwestuhan, sumuko na ako and good thing is there is another bahay kubo a stone’s throw away. So the whole #TeamHugot, as we call ourselves, headed towards the shade and rested there for a while. We ate snacks, played games and uttered some of our hugot there. We will not call ourselves #TeamHugot if not for these:

“Magtiwala ka sa spikes ng Merrell shoes mo…” – Kuya Jonel (guide) Buti pa ang sapatos pwedeng pagkatiwalaan.” – Jovy. Ang lalim nun Jovs a? Haha!

“Minsan mas maganda na nakikita mo yung gusto mong puntahan mo para may motivation ka pag-akyat.”

“Minsan ang guide nahuhuli rin, para pag nahulog ka Alam mong may sasalo sayo.”

Heto mas inspiring…

“Hindi lahat ng expectations na hindi natupad ay hindi na maganda.”

“Mas maaappreciate mo ang isang bagay kung alam mong pinaghirapan mo itong makuha.”

“Tanawin mo lang” referring to Mt. Batulao na natatanaw naming from the summit. “Sa ngayon dito muna. Sa susunod, dun naman. Take one step at a time.”

Not until I have mustered enough strength (and the clouds blocked the sun) did I take pictures of the surroundings. My goodness, the scene is so awesome!

NatsJump Shot SoloKuya BenjJezzJinJovyJosh

Of course we took epic pictures of ourselves.

Ohh I forgot to mention that there are locals who sell buko juice, mountain dew (kasi nasa mountain — ok sorry, corny ko), and ice cream on stick. Syempre asahan nang mas mahal, pero dahil umakyat din sila at napagod, the doubled cost is justifiable. We feel you manong.:)

We descended as soon as we have taken enough pictures and the sun has finally surrendered to the clouds, around 3:30pm. The scene gets more interesting because we have taken a much wider trail compared to the steep, narrow trail we had prior to the summit. Plus the cool mountain breeze was a bliss! Tanggal pagod.

When we reached the midpoint, we came across mountaineers who will spend the night at the summit. Some has brought with them Emperador pa nga. Haha! Party party sila.

Since we have chosen a different course, we have to cross a river, (di ko nga alam kung river nga yun, pero running water naman) and I was really tempted to dip my feet on the water. Buti na lang di ako nagpadala sa tukso kahit sobrang pagod na pagod na ang paa ko. But hearing the running water is refreshing. I really love how the nature sings song.

Water

Bago pa man kami makabalik sa carinderia where we first registered, may nadaanan kaming bahay na nagbebenta ng buko juice. There we rested, ate snacks and refreshed ourselves.

A few blocks away, we arrived at the carinderia at Bayabasan, where we again took a rest, bade farewell to our cool guide and boarded a bus to Cubao. Supposedly we want to go to Tagaytay for a sidetrip, buti na lang di na kami tumuloy, otherwise sobrang matatagalan pala kami.Pauwi na

We reached Cubao at almost 11pm, some rushed to their homes already while some of us took a late dinner at King Sisig, Farmers Market.

Dinner

And that my folks, is my first hike experience. Other pictures can be viewed here (link).

Inasmuch as I would like this post to serve as a hikers’ guide to Mt. Talamitam, I think this doesn’t qualify. But I hope these information below will be of help:

Things to bring:

  • Water, lots of it. But if you can afford to bring an extra cash for doubly-priced juice and soda, you can do so.
  • Comfortable clothes. Since wala masyadong puno sa trail ng Talamitam after the midpoint, might as well wear protective gears like arm sleeves and leg warmers. Umbrella din kung kaya mo, para pag-uwi mo makilala ka pa ng mga magulang mo J
  • Shoes or slippers na makapit, yung hinding-hindi ka bibitawan. Haha!
  • But you can eat a heavy meal sa carinderia.
  • Wet wipes para sa tulad ko na nagshorts lang paakyat dahil muntikan ko nang di makilala ang paa ko sa dumi.
  • Loperamide to keep you focused.
  • Motivation to keep you going.

Sabi nila, Mt. Talamitam is for beginners. Actually that’s what I’m thinking of as well. Kahit parang gusto ko na sumuko, that’s because of the scorching heat of the sun. Kaya tip lang, mas maaga ang ascent, mas maganda. We ascended ng halos 9 na rin kasi, epic fail. But still we fell in love with the view.

Here’s some of the cost we’ve incurred:

  • Cubao to Coastal: Php40 each
  • Coastal to Evercrest: Php120 each (pwede na ipadiretso sa Bayabasan, kailangan lang kasi naming i-meet si kuya guide dito)
  • Tricycle to jumpoff: Php150/tricycle (eto yung incidental cost namin since di kami dumiretso sa Bayabasan)
  • Lunch: Php40 and ulam, Php10 ang kanin, (available at the registration area); Php40 ang Mountain Dew or Buko Juice (depende kung san mo bibilhin)
  • Guide Fee: Since cool and very helpful si Kuya, we gave him Php525 (75x7pax) but usually guide fee is pegged at Php400/guide.
  • Registration Fee: Php40 each
  • Restroom: Wiwi is Php5, Php10 kung di inabutan ka, Php20 kung maliligo ka pa
  • Sitio Bayabasan to Cubao: Php150 each
12604789_1265600833455101_3542841616876651862_o
Ang very cool naming guide. Kuya Jonel 🙂

Since I don’t want to bother myself with computations, and may iba pa akong mga gastos bukod dyan, prepare Php700 to ensure na makakauwi ka 🙂

Until next hike!

Train of Thanks 06

Because we’ll never run out of things to be grateful for.

Another fruitful week has passed! Grabe, sobrang bilis, in just a matter of two weeks as of writing this post, Christmas time na naman! This Christmas may be a lot different than last year, but praise be to God, He never ceases to be the reason for the Christmas season! And before I fully embrace Payday Tuesday tomorrow, allow me to thank the Lord for the things He has done for me the past week. Let’s get it on!

  1. Tour de Manila – from Marikina to Pasig – Makati – Manila – Mandaluyong – San Juan – Quezon City, then back to Marikina – our Tour de Manila was such a huge feat for me and my biking friends (Kuya Benj, Jem and Henry, sayang lang wala si Bongbong). We started off as early as 6am last Saturday after a hearty goto at Kalumpang, then went our way to routes we are not even familiar with. It was such a wonderful experience and never have we imagined our bikes and our strength would allow us to keep on pedalling for 12 hours straight, not including our occasional stops and rest. Except for Jem, the rest of us have not pedalled yet as far as Manila, so we’re all overwhelmed with our accomplishment! We arrived home around 8pm.

I wasn’t able to bring a better camera phone but good thing, Kuya Benj is always ready with his digicam and selfie stick. We had shots taken at Guadalupe bridge with AlDub’s split-billboard concept, of course with Rizal Shrine, Cultural Center of the Philippines and Intramuros.

Next time, we’re planning to conquer BGC, the CaMaNaVa area, or the Rizal areas. Padyak pa more.

  1. I am very much thankful with my MMND family for this:image
  2. I thank the Lord for guarding my heart and giving me peace that surpasses all understanding. Some heart issues happen as a result of outright disobedience to Him, but when you yield to His will, no matter how painful it is, He provides even the strength and peace to carry you through. #hugot
  3. Been looking for a good pair of sneakers this past few weeks and I am glad to finally make a decision. Sana lang tumagal siya. I was able to buy a pair of biking shorts! Ayun, ubos ang 13th Haha!
  4. Christmas gifts are coming! Yay!

How about you? What are you thankful for this week?

Train of Thanks 05

Because we’ll never run out of things to be grateful for.

I can say that this is a very productive week for me. The dawn of my 27th birthday is full of amazing surprises and life learning. Whatever I have on my lap, whether big or small, I believe God should get the credit because

“every good and perfect gift is from above, coming down from the Father of the heavenly lights, who does not change like shifting shadows.” – James 1:17

And here are some of the things that I am thankful for this week:

  1. I was invited (and given a treat, yay!) by my pastor and her family, together with two other church friends to watch A Second Chance. The movie is great and made me realize that marriage is more than just a phase in any romantic relationship – it is a covenant, na kahit na anong mangyari, you have to embrace your “what is”, minsan at the expense of your “what if’s”. One of my hugot lines from the movie:

Popoy: I lost him. I lost the man you married, and I’m sorry. This is me at my worst. Kaya mo pa ba akong mahalin? Can you honestly love a failure?”

Basha: “Kung kailangan kong maghintay hanggang makita mo ulit ang asawa ko, maghihintay ako.”

  1. New pair of pants! A very comfy pair and I got it on a 20% discount.
  2. I was able to join iBlog11 – a 2-day blogging summit presented by the Office of the Associate Dean of the U.P. College of Law and the U.P. Law Internet and Society Program. The summit was held at the Penthouse Lecture Room, U.P. Law Center, U.P. DIliman and was attended by seasoned and newbie bloggers and digital influencers alike. I was even able to meet the esteemed Dr.Eamer of the iamdoctoreamer.wordpress.com, a friend, and the man behind the P.S.A. I’ll blog about some of the helpful insights I learned from the summit on my future posts. Before I forget, I was able to bring home with me iBlog shirts, both from 1st and 2nd day!image

    image
    Mr. James Jimenez of COMELEC on his topic “Role of Blogs and Social Media in Philippine Elections
  3. After my substitutionary talk for our church’s Membership 101, I rushed to Ascott BGC to join the Payoneer’s Freelancing Forum. Since this is my first time to join such forum, I feel so encouraged to know that freelancing is already a booming industry in the country and no longer are we “boxed” into traditional businesses and professions. We can opt to pursue our passion without actually ending up broke. I am glad to meet people who work in the confines of their home and are actually enjoying what they do! I’ll blog about Payoneer soon!image

    image
    Sorry sa crappy and blurry image. Haha! Pero this is Mr. Rafael Pekson II of Workxpresso for “Strategies in Digital Marketing, Service and Support”
  4. On my way home from Ascott, I just roamed around the not-so-familiar streets of BGC. I seldom visit the place so I really don’t know where I am actually going, until I made it to High Street. Dahil nandun na rin ako, naglakad-lakad na rin ako at nagtitingin. I even saw Santa Claus! Haha! J I realized that sometimes, it is worthwhile to spend time alone in places that are not on your usual routine. I had time to pray while walking, appreciate the scenery, and the people going to and fro every street. A refreshing experience indeed.imageimage

That’s about my week. How about yours? Pansin ko lang ang dami ko nang utang na posts. Haha!

Pagsuway at Pag-alalay

May hugot din pala talaga sa biking.

Pagsuway at Pag-alalayLast Saturday, my friends and I went biking along the hustle and bustle of Pasig City. It took us almost eight hours of pedaling through occasional humps, bumps and rough road.

Ang masakit, nung pauwi na, habang dumadaan sa C5, bigla na lang napatid ang pagpedal ko. Since I am yet to learn how to discover what’s wrong with my bike, much more fix my bike, medyo nagpanic lang ako ng konti. Masyado pang malayo sa bahay. Halos parating pa lang kami ng Tiendesitas! Aakayin ko ba ang bike ko pauwi ng Marikina? Sasakay ng taxi?

Good thing, naisipan ni Jem na itali ang mga bike namin gamit ang mga bike chains. Kaya from C5 to Marikina, hila hila niya ako – dala ang bigat at pag-alalay kung paano kami makakauwi ng matiwasay.

Kagaya ng sinabi ko last post, may natutunan ako sa episode na yun ng buhay ko:

Inaalalayan tayo ng Dios, kailangan lang natin siyang pagkatiwalaan

Medyo tinamaan ako ng konting hiya nang mga sandaling hinihila ang bike ko. Ayoko kasi ng masyadong dependent sa iba, yung masyadong umaasa sa tulong ng iba. Pero that time, helpless na halos ako. Kaya kailangan kong magtiwala na magiging ok lang kami.

Kagaya din ng ating relasyon sa Dios. Minsan naiisip natin na kaya na natin. Nahihiya kasi tayo sa Kanya, na parang isang malaking kahinaan ang pagkapit sa Kanya. Pero in the first place, helpless naman talaga tayo kung wala Siya!

One thing I appreciate with my friends is their willingness to help me at the cost of their inconvenience. That’s what friendship is made up nga naman. But the Lord is a Friend as well, and more than a friend actually. Kaya kung pinagkakatiwalaan natin ang ating mga kaibigan na di tayo iiwanan, how much more can we trust the Lord?

Mas mabagal at delikado ang takbo kapag may attitude of resistance

Habang hila-hila ako at ang bike ko, may mga pagkakataon na ako ang nagpipilit magdikta sa magiging takbo namin. Kakabig ako pakaliwa, o pakanan; o kaya naman ay biglang preno.

When we resist God’s plan in our lives, tendecy is either we’ll delay our progress or worse, endanger our lives. Minsan kasi nagmamarunong tayo e.

Pero along the way, narealize ko na kung ako na dependent ay mag-iinsist ng gusto kong mangyari, possible na instead makauwi kami agad, mas bumagal pa kami or mailagay ko sa mas delikadong sitwasyon ang takbo namin. We are trudging C5 at hindi yun biro!

When we resist God’s plan in our lives, tendecy is either we’ll delay our progress or worse, endanger our lives. Minsan kasi nagmamarunong tayo e. We tend to think that we know how to direct life better than God, where in fact we are just mere passengers in His vehicle.

Kapag masyado akong nagpabigat habang hila ako, mas bumabagal ang takbo. Kapag tumigil ako, titigil din siya, pero may choice siyang iwanan ako. Hindi ko hawak ang pacing ng byahe namin, at lalong hindi ko desisyon na tulungan ako. Likewise, resistance to the Lord is futile, because we will always end up disadvantaged.

Kahit sa gitna ng iyong kalituhan, mayroon pa ring kapahingahan

Sa tagal ng pagpadyak namin, talagang inabutan ako ng pagod. Hindi biro ang halos walong oras na pagpedal a! Mula pa man ng pag-alis ko sa bahay at habang binabagtas namin ang mga kalsada, I keep on uttering prayers of guidance and protection, maging yung mga bisikleta namin ay wag nawang masira.

Pero nangyari nga ang di inaasahan. Kaya di ko maiwasang magtanong kung bakit kahit anong panalangin ko, namgyari pa rin. Ngunit sa gitna ng kalituhan, naroon ang kapahingahan. Umupo lang ako sa bike ko habang hila-hila ng bisikleta sa harap ko, at ang iba naming kasama ay nakaalalay. Napahinga ang mga paa kong napagod na sa byahe.

Likewise, God’s ways are puzzling. Mahirap intindihin kung minsan. Pero what’s best about it is hindi mo naman kailangang intindihin ang lahat sa Kanya. He is infinite, eternal and incomprehensible in the first place.

At mas ramdam ko ang daluyong ng malamig hangin at mga matatayog na istruktura sa Eastwood. Nakauwi ako, with less padyak and more pahinga (than the rest of my peers. Haha!)

Likewise, God’s ways are puzzling. Mahirap intindihin kung minsan. Pero what’s best about it is hindi mo naman kailangang intindihin ang lahat sa Kanya. He is infinite, eternal and incomprehensible in the first place. Yet when we trust His sovereignty over our lives, mas maaappreciate mo ang bawat himaymay ng wonderful plans Niya sa buhay mo. It is better to rest in Him than to be restless, stressing yourself.

May hugot din pala talaga sa biking. 🙂

Cutting Trip

“Ang risk lang, kailangan nating muling umasa, ngunit samahan natin ng matalinong pagpapasya.”


Nakakainis yung nakasakay ka sa jeep, komportable ka na sa pagkakaupo mo at sa ilang sandali na lang ay mararating mo na ang destinasyon mo, tapos biglang magsasabi ang driver na “hanggang dito na lang po muna tayo”, sabay abot ng ilang barya. Nakakainis lalo na at nagmamadali ka o kaya naman alam mong mahihirapan ka na namang makasakay ulit. Nakakainis. Para ka na ring pinaasa sa matamis na “oo”, tapos wala rin pala. Nakakainis, kasi alam mong ikaw ang umasa.

Oo, huhugot ako. Nang dahil sa biglang liko ni manong driver sa 15th Avenue, mantakin mong ilang kanto na lang sa Gateway kung saan ako dapat na bumaba, mapapahugot ako.

Ilang beses na nga ba tayong umasa? Umasa na may mga taong magmamalasakit na dalhin tayo sa lugar na nais nating patunguhan? Umasa na sa tamang halaga na ibinibigay natin, minsan nga ay sobra pa, tayo ay mabibigyan ng kaukulang pansin at damdamin? Ilang beses na ba tayong tumanggap ng mga empty promises, naniwala at pinaikot ang ating mundo sa mga pangako nila, na baka nga posible, baka nga pwedeng may magbago sa takbo ng buhay natin ngayon. Baka ang status natin ay magkaroon ng kaibahan at di na tayo magiging tampulan ng puna at mapang-usisang tanong ng ating mga kapitbahay. Nakakasawa na rin kasi. Palagi na lang tayong napag-iiwanan. Ang iba nating mga kasabayan nakaabante na, samantalang noon tayo ang nauuna. Ang masaklap naiiwan na nga, ngayon nabu-bully pa. Minsan nadadaya pa. Yan ay dahil umasa tayo. Umasa tayong bibigyan nila muli ng kulay ang namumusyaw nating mga pangarap. Umasa tayong itutuwid nila ang daan na patuloy na nalulubak ng mga problema na alam nating may katugunan naman. Umasa tayo na bubusugin nila ang ating mga sikmura, na tatapatan nila ang ating mga adhika, at bibigyang-linaw ang ating mga hinuha. Umasa tayo. At yan lang naman ang pinakamainam nating magagawa sa ngayon – ang umasa.

Pero sana naman maging matalino na tayo. Kung alam naman natin na bulok, sira, at sa malamang ay di na tayo kaya pang ibiyahe sa tamang daan, o di talaga tayo hangad na ibiyahe talaga, bakit pa ba natin sasakyan?

At ngayon aasa na naman tayo. Marami na namang nagbibigay ng kanilang mga pangako. Marami na naman ang nag-aalok ng pagbabago. Tulad ng isang pampasaherong jeep na inaasahan mong magdadala sayo sa nais mong puntahan, sila ay naghahangad din na sila’y iyong sakyan. May mabilis, may mabagal, may bulok, may bago, may maingay at meron ding tatahi-tahimik lang. Tayo naman, muling makikiramdam. Pilit kikilatisin kung kaninong byahe ba ang nais nating samahan. Pero sana naman maging matalino na tayo. Kung alam naman natin na bulok, sira, at sa malamang ay di na tayo kaya pang ibiyahe sa tamang daan, o di talaga tayo hangad na ibiyahe talaga, bakit pa ba natin sasakyan? Para ka na ring nagbayad ng pamasahe sa manong driver tapos ibababa ka rin naman sa kalagitnaan ng byahe. Cutting trip.

Wala namang masama na umasa, dahil di naman tama na mawalan ng pag-asa. Malay mo, isa sa kanila ang tunay magdadala sa atin tunay na pagbabago. Hindi lahat ng driver ay mahilig sa cutting trip. May mga matino pa rin na handa tayong ihatid sa nais nating puntahan. Ang risk lang, kailangan nating muling umasa, ngunit samahan natin ng matalinong pagpapasya.