Cutting Trip

“Ang risk lang, kailangan nating muling umasa, ngunit samahan natin ng matalinong pagpapasya.”

Advertisements


Nakakainis yung nakasakay ka sa jeep, komportable ka na sa pagkakaupo mo at sa ilang sandali na lang ay mararating mo na ang destinasyon mo, tapos biglang magsasabi ang driver na “hanggang dito na lang po muna tayo”, sabay abot ng ilang barya. Nakakainis lalo na at nagmamadali ka o kaya naman alam mong mahihirapan ka na namang makasakay ulit. Nakakainis. Para ka na ring pinaasa sa matamis na “oo”, tapos wala rin pala. Nakakainis, kasi alam mong ikaw ang umasa.

Oo, huhugot ako. Nang dahil sa biglang liko ni manong driver sa 15th Avenue, mantakin mong ilang kanto na lang sa Gateway kung saan ako dapat na bumaba, mapapahugot ako.

Ilang beses na nga ba tayong umasa? Umasa na may mga taong magmamalasakit na dalhin tayo sa lugar na nais nating patunguhan? Umasa na sa tamang halaga na ibinibigay natin, minsan nga ay sobra pa, tayo ay mabibigyan ng kaukulang pansin at damdamin? Ilang beses na ba tayong tumanggap ng mga empty promises, naniwala at pinaikot ang ating mundo sa mga pangako nila, na baka nga posible, baka nga pwedeng may magbago sa takbo ng buhay natin ngayon. Baka ang status natin ay magkaroon ng kaibahan at di na tayo magiging tampulan ng puna at mapang-usisang tanong ng ating mga kapitbahay. Nakakasawa na rin kasi. Palagi na lang tayong napag-iiwanan. Ang iba nating mga kasabayan nakaabante na, samantalang noon tayo ang nauuna. Ang masaklap naiiwan na nga, ngayon nabu-bully pa. Minsan nadadaya pa. Yan ay dahil umasa tayo. Umasa tayong bibigyan nila muli ng kulay ang namumusyaw nating mga pangarap. Umasa tayong itutuwid nila ang daan na patuloy na nalulubak ng mga problema na alam nating may katugunan naman. Umasa tayo na bubusugin nila ang ating mga sikmura, na tatapatan nila ang ating mga adhika, at bibigyang-linaw ang ating mga hinuha. Umasa tayo. At yan lang naman ang pinakamainam nating magagawa sa ngayon – ang umasa.

Pero sana naman maging matalino na tayo. Kung alam naman natin na bulok, sira, at sa malamang ay di na tayo kaya pang ibiyahe sa tamang daan, o di talaga tayo hangad na ibiyahe talaga, bakit pa ba natin sasakyan?

At ngayon aasa na naman tayo. Marami na namang nagbibigay ng kanilang mga pangako. Marami na naman ang nag-aalok ng pagbabago. Tulad ng isang pampasaherong jeep na inaasahan mong magdadala sayo sa nais mong puntahan, sila ay naghahangad din na sila’y iyong sakyan. May mabilis, may mabagal, may bulok, may bago, may maingay at meron ding tatahi-tahimik lang. Tayo naman, muling makikiramdam. Pilit kikilatisin kung kaninong byahe ba ang nais nating samahan. Pero sana naman maging matalino na tayo. Kung alam naman natin na bulok, sira, at sa malamang ay di na tayo kaya pang ibiyahe sa tamang daan, o di talaga tayo hangad na ibiyahe talaga, bakit pa ba natin sasakyan? Para ka na ring nagbayad ng pamasahe sa manong driver tapos ibababa ka rin naman sa kalagitnaan ng byahe. Cutting trip.

Wala namang masama na umasa, dahil di naman tama na mawalan ng pag-asa. Malay mo, isa sa kanila ang tunay magdadala sa atin tunay na pagbabago. Hindi lahat ng driver ay mahilig sa cutting trip. May mga matino pa rin na handa tayong ihatid sa nais nating puntahan. Ang risk lang, kailangan nating muling umasa, ngunit samahan natin ng matalinong pagpapasya.

Highway Lessons

Sabi nila if you can make it here, you can make it anywhere. Iba talaga sa atin.

image

Marami na ang nagrereklamo sa tindi ng trapik. Kung susumahin mo nga ang oras na nasasayang mo kapag binaybay mo ang EDSA sa rush hour, para ka na ring bumiyahe papuntang probinsya. This is Metro Manila where terrible traffic is a way of life. Paano ba naman, ang mga kalsada ay hinahayaang sira sa mahabang panahon at ginagawa lang kapag malapit na ang panahon na ng eleksyon. Wala rin yatang regulasyon sa patuloy na pagdami ng sasakyan. Kung meron man, baka mas magandang tawaging suggestion na lang. Ang mga kalsada, imbes na lumuwag dahil sa pagdami ng sasakyan, mas sumisikip pa dahil sa pagsulpot ng mga higanteng malls at commercial centers. Pero ok lang, sabi nga ni Sec. Abaya, di naman daw fatal. Sang-ayon naman dyan ang mga bus drivers na byaheng Fairview/SJDM.

Mabuti na lang pagdating sa transpoortation natin, it’s more pun in the Philippines pa rin. (Umm, may mali ba ako sa spelling?) Alam niyo ba kung bakit? Let me make some #hugot.

1. Our drivers teach us to excel in what we are capable to do.
We have the best drivers in the world. I strongly believe this dahil ang mga drivers natin can multi-task in ways na talagang nakakamangha. Lalo na yung mga jeepney drivers natin na walang kasamang kundoktor. Biruin mo, tumatanggap ng bayad at nakakapagsukli, at di mo sila kayang lamangan! Alam nila kung sino ang di pa bayad at mukhang walang pambayad. Kaya nilang kwentahin kung magkano ang pamasahe depende sa kung gaano karaming kanto ang dadaanan mo. Kung may kwento ka sa kanya, kayang kaya ka niyang sabayan. Anong gusto mo, AlDub, Gilas, Pacquaio o politika? At napagsasabay-sabay nila yan habang nagmamaneho at umo-overtake sa kalsada. Wag ka, yung iba nagte-text pa o di kaya naman ay nagrereport kay kumander kung may pang-boundary na siya.

2. Learn to control your temper from the kunduktors.
Kung gaano kalulupit ang ating mga drivers, yung mga assistant naman nila – nakow. Sa jeep na lang, kung magbabayad ka ng buo ayaw ka halos suklian.

Kapag bababa ka na, at medyo nabitin sila ng arangkada, ang lakas ng loob na magsermon na “sa tamang babaan lang po” pero nagsasakay naman sa maling sakayan. Nakakainis rin minsan e. Pero tama naman talaga, dapat sa tamang babaan at tamang sakayan lang dapat. Sana lang walang double standard.

Kapag kulang ka naman ng inabot kahit isang kusing, kulang na lang ihagis ka palabas ng sasakyan. Kapag bababa ka na, at medyo nabitin sila ng arangkada, ang lakas ng loob na magsermon na “sa tamang babaan lang po” pero nagsasakay naman sa maling sakayan. Nakakainis rin minsan e. Pero tama naman talaga, dapat sa tamang babaan at tamang sakayan lang dapat. Sana lang walang double standard. Eto pa isa, ayaw magsakay ng pasahero sa tabi nila, mainit daw. Pero kapag chicks ang sasakay, kahit kunduktor pa magbayad oks lang. Nasaan ang hustisya? Nasa legs? Yung iba pa, sobrang bastos kung sumagot sa mga pasahero. Pero sa lahat ng mga sinabi ko, ano nga ba talagang ipinaglalaban ko?

3. Unleash your inner strength and fight for your right.
Sumakay ako ng bus, birthday ko. Sinalubong ako ng limang lalaki ng sabay sabay. Alam kong nakuha ang cellphone ko kaya di ako umalis sa dadaanan nila. Sa laki kong ito, ang tapang ko di ba? Dala na marahil ng adrenaline kaya nagawa ko silang harangin – silang lima. Miraculously, naibalik ang cellphone ko na kabibili ko lang din. Di ba ang saya? Sumakay ka lang ng bus, jeep or MRT matututo kang maging mapangahas, mapagmatyag, matanglawin. Sa MRT nga, yung dumudukot sa bulsa ko nagkahawakan pa kami ng kamay e. Naniniwala na rin siguro siya sa forever.

4. Learn to socialize, otherwise just remain quiet. Know your place.
E yung sobrang lakas ng tugtugan sa sasakyan na di mo malaman kung jeep ba yung nasakyan mo o tumatakbong loudspeaker. Ok naman siya, enjoy naman kapag may sounds. Lalo na kapag dinadagundong ka na at inaalisan ka na ng tutuli sa lakas, pwede na nga rin siguro silang magpabayad para dun. Mas enjoy din ang party kapag nandyan ang buong barkada. Yung tipong ang driver, kundoktor, mga atoys nila at mga dabarkads nandun. Punuan ang jeep, ang saya ng kwentuhan, bukod sa inyong tatlong legit na pasahero na nagtataka kung sa terminal ba ang punta niyo o sa swimming.

5. Brace yourself. Learn to pray and never give up life.
We are actually encouraged to appreciate the people around us before it gets too late. Siguro lalo na kapag sumakay ka sa bus or jeep na parang kasali sa shooting ng Fast and the Furious. Parang kumakarera, di nga lang sure kung sa kapwa driver o sa kamatayan. Minsan nga ang sarap silipin kung si Vin Diesel nga ba ang driver o hindi e. Eto talaga yung mga byaheng matututo ka talagang magdasal at mangumpisal. Magalit ka man sa driver, para mo na ring sinabi na mas bilisan pa ang takbo. Ganun daw talaga. Yolo.

Sabi nila if you can make it here, you can make it anywhere. Iba talaga sa atin. But to be fair, kung di mo pa nararanasang mainis sa tindi ng trapik, sa mababait na drivers at mga assistant nila at sa mga sasakyang patuloy sa pagdami, you are missing a fun-filled Filipino experience.

Jeep ng Buhay

Ngunit habang ang jeep ng buhay ay patuloy na tumatakbo
Piliin mong magtiwala sa Tsuper na may hawak nito.


Ang buhay ay parang isang pagsakay sa jeep
May byaheng malayo, may byahe ring malapit
Minsan nakakapagod at ika’y mapapaidlip
Ngunit saan man ang tungo kumapit ng mahigpit.

Hindi tuloy-tuloy dahil may kailangang sumakay
Na magiging sigla sa byahe ng ating buhay
Ngunit pagdating ng oras sila rin nama’y aalis
Mag-iiwan ng puwang sa puso nating nananangis.

Pahinto-hinto at minsan nakakainip
Tapos may ilan ka pang kasama na sobrang nakaka-badtrip
Ngunit patuloy pa rin tayo sa byahe at pagtakbo
Dahil sa buhay di mo mapipili ang lahat ng makakasama mo.

Titigil sa istasyon at magpapagasolina
Kukuha ng lakas upang higit na makadistansya
O kaya’y sa kalagitnaan biglang magkakaaberya
Pababagalin ang takbo, di palaging arangkada.

Sa buhay – di inaasahan lahat ng karanasan mo
Di lahat ng mangyayari ay sang-ayon sa iyong gusto
Ngunit habang ang jeep ng buhay ay patuloy na tumatakbo
Piliin mong magtiwala sa Tsuper na may hawak nito.

The Lie of Familiarity

The lie of familiarity is a familiar lie.

May mga bagay na hindi totoo pero nagmumukhang tunay dahil nakakasanayan natin. Parang pamasahe sa jeep. Dahil madalas na hindi na tayo nasusuklian, inaakala na nating 8.00 at hindi 7.50 ang tunay na pamasahe. Ganyan din sa ang buhay. This is the lie of familiarity.

Gayundin, may mga taong madali talagang mabiktima ng mga jeepney “barkers” na sumisigaw ng “kasya pa tatlo, kasya pa tatlo!” Susundan pa yan ng “araw-araw ginagamit, kasya pa tatlo!” It is an obvious lie, evidenced by the facial expressions and smirk of passengers inside. Yet gullible people enter the trap and soon realize that they have entered a place of momentary humiliation.

download (1)

Not just a few times I’ve been in this kind of humiliation – and the most awkward of situation happens! Here’s the scenario:

Papasok ka sa jeep… walang gustong umurong dahil wala na ngang space. Pero mamimilit ang driver at papasingitin ka sa pagitan ng pinakapayat at pinakamabait tignan na pasahero. Sisingit ka at uupo sa imaginary seat na ibinigay ng isipan mo. Swerte ka na kung may kalahating pwet ka pang nakaupo, pero kadalasan nakaupo ka sa hangin at ang tanging kakampi mo lang ay ang hawakan na minsan ay umuuga pa. Ang isang paa mo naman ay itutukod mo sa upuan ng katapat mong pasahero, sa pagitan ng kanyang mga binti. Malas mo lang kung babae ang nandun and we’ll talk about awkwardness. Dadagdag pa ang tingin sayo ng kapwa pasahero na hindi mawari kung natatawa sila o naaawa sa sitwasyon mo. Sa huli, kukumbinsihin mo na lang ang sarili na sandaling suffering lang ito, at magdadasal na may bumaba agad na pasahero at nang makalaya ka na sa paghihirap mo.

When I was in college, this is my occasional experience. Lalo na kapag rush hour, talo-talo na. I have been used to this situation kaya ok na lang. I know I have a choice to choose another jeepney or FX pero ok na lang. I know I can either wait for the rush hour to pass, or to make it earlier pero dahil nasanay na ako sa oras ng gising ko, ok na lang. Familiarity has taken its hold on me kaya ok na lang.

download

Familiarity turns a situation into comfort zones (though ironically, di comfortable ang illustration ko. Haha!) Familiarity sends us a message that this is the way it has been, and this should always be. To deviate from what is familiar, to break from our mold is both terrifying and humiliating.

Mas ok na lang na mahirapan, magpapanggap akong nakaupo sa hangin magsabi sa driver na “bababa na lang po ako!”

Familiarity sends us a message that this is the way it has been, and this should always be. To deviate from what is familiar, to break from our mold is both terrifying and humiliating.

Peter the disciple has been familiar with his environment. He is a fisherman by profession; his adult life before he met Jesus has been committed to catching fish. He knows the time to catch fish, the spot to catch fish, and all knowledge necessary for his trade. He is very much familiar with fishing until it has become his comfort zone.

However, fishing is not a sure-hit trade. Sometimes there’s plenty, sometimes there’s none. And one particular day, after toiling for nothing the night before, Jesus came and instructed Peter, “cast down your nets once more!”

Maybe Peter’s colleagues took Jesus’ words as a joke, or maybe an insult. They might have said to one another, “Who is this Jesus who tells us what to do? Isn’t he a carpenter, and a carpenter’s son? What business does he have with us fishermen?” Peter’s reply most probably meant, “we have already spent the whole night at the sea, with the best of our abilities, and still we ended up with nothing!” In fact, they have already retired for the day! They are already cleaning their nets, ready to go home and call it a day! But Peter, wanting to break mold from the familiarity of his situation, took a step of faith. “Nevertheless at Your word, I will let down the net” *Luke 5:1-11.

  • The lie of familiarity tells us that what has been will always be.
  • The lie of familiarity tells us that your situation is hopeless.
  • The lie of familiarity tells us that you can never be free from what binds you.
  • The lie of familiarity tells us that what you’ve dreamt of for your life is impossible.
  • The lie of familiarity tells us that you are a just a product of your environment
  • The lie of familiarity tickles you with comfort, and it tells you that you can go on in life with just that.

When Peter let down his net, hindi lang siya basta nakahuli ng isda, kinailangan pa niyang magpatulong sa mga kasamahan niya, to the point that their nets are breaking and their boats came sinking!

Who doesn’t want a catch like that? Who doesn’t want to break free from the familiar life and pursue the life you’ve always dreamt of, a life that is fulfilling and satisfying, free from the shackles of familiarity?

And at the end of it all, our response will be plain worship, like Peter, who gave up his familiar life of being a fisherman to become a fisher of men.

The lie of familiarity is a familiar lie. Parang pagsakay natin sa jeep. Bumaba ng jeep kung nahihirapan, hingin ang sukli kung kinakailangan, and don’t let the lie of familiarity define you.