Gift Ideas for the Ones You Love

Best gifts we can give our loved ones this season:

Para sa asawa:

Tokens, simple or extravagant are always welcome. Nagpapakita yan ng pagpapahalaga at nagpapatibay ng relationship. Kung wala, ok lang yan. Ang pinakamainam na regalo sa iyong kabiyak ay ang pagiging loyal mo sa kanya. Yung kahit anong mangyari, maganda man o hindi ang sitwasyon, ay mananatili kang tapat sa kanya. In the first place, yan naman ang pangako niyo sa isa’t isa di ba, for better or for worse?

Para sa magulang:

Sa maraming beses na hindi nila kinain yung huling slice ng cake o yung ulam na gustong-gusto nila para may makain ka pag-uwi, naku this time tapatan mo naman yun. Mag-uwi ka ng something for them. Yung pasalubong na walang halong sumbat at panghihinayang. Pero alam mo, kulang pa nga ang mga bulaklak, cake o chocolate para sa mga sakit at tampo na dinulot mo sa kanila sa tuwing nagpapasaway ka. Kaya more than the pasalubong, a sincere sorry will do. At magpakabait ka na rin kung pasaway ka man.

Para sa kapatid:

Partners kayo, dapat. Though may sinusunod kayong bro code, sis code o ano pa mang code na yan, ang mahalaga nagkakatulungan kayo. Gifts are good lalo na kung bata pa ang kapatid mo, pero alam mo kung ano ang best gift? Ikaw naman ang taya sa family dinner o sa bill ng kuryente. Hahaha!

Para sa jowa:

Alam mo na yan, dyan ka magaling eh. Haha! Ilang buwan pa nga lang napaghahandaan mo na yan eh, kaya di mo na need ng tip pagdating sa material gift. Pero best gift para sa girlfriend o boyfriend mo ay yung i-honor mo siya before the Lord, before her/his parents, and before others. Wag ipilit ang wala pa sa panahon. Wag magpadalos-dalos ng desisyon. An honorable relationship is still the best gift to give.

Para sa sarili:

Take some rest. It helps! Lalo na kung you’ve been very busy lately. Kung single ka, give yourself the gift of peace by not feeding yourself with self-defeating thoughts na dapat may jowa ka na para maging kumpleto ka. Mali yun! Kahit walang lovelife, you are still valuable and loved. Kung in a relationship ka naman, give yourself the gift of accountability by learning and growing from your relationship. Maraming life lessons kang matututunan kapag nasa relasyon ka kaya i-treasure mo yan at matuto.

Advertisements

Loved

Love and being loved will always be a good feeling to desire.

14

Day 14: God says you are…

LOVED

Valentines Day, araw ng mga puso. I just noticed that unlike before when I was still in grade school, mas commercialized na ang Valentines Day ngayon. With all the roses and teddy bears on malls, streets and on almost everywhere, mahirap nga namang itanggi that V-Day marketing has really gone a long way.

Love and being loved will always be a good feeling to desire. C’mon, who doesn’t want to feel that sudden gush of emotion of kilig whenever you see your crush, or hold the hands of your special someone? When, as a married couple for a long period of time, you both reminisce your early moments as sweethearts, di ba sobrang nakakatuwa yun?

Pero on the opposite side of the spectrum, meron din talagang mga bitter sa araw na ito. Sila yung mga hindi pinalad sa naging partner, nadisappoint sa kanilang loved one, at talagang iniwang heartbroken.

Iba-iba man ang ating naging karanasan when it comes to human love, there is a kind of love that far exceeds all the efforts, all the mushy feelings and sweet-nothings we receive from a person. And this love is incomparable and unimaginable, dahil ang totoo sa lahat ng klase ng pag-ibig, dito lang nabigyan ng hustisya ang salitang forever. Marahil alam mo na kung Kanino galing ang pag-ibig na yun.

God loves you. 🙂

I have loved you with an everlasting love; therefore I have continued my faithfulness to you.

Jeremiah 31:3