#PPAP

Pag-Ibig, Pananampalataya at Pag-asa

Advertisements

Napadaan ako sa paborito kong bookstore one time and I was drawn sa isang book with title “Love and Respect”. Drawn ako sa book unang-una dahil sa naka-sale siya, pangalawa dahil isa siya sa pinakamakapal. Ok, I judged the other books dahil sa cover nila – mas makulay kasi yung cover nung kinuha ko; mas makapal so inisip ko na mas maraming tinta akong binayaran. Ewan ko ba kung bakit yun ang naging pamantayan ko that time.

ppap

The book is about marriage. Wow. After reading a few chapters, sobrang nag-enjoy ako sa content. Na-confirm ko na normal nga lang pala talaga sa mga mag-asawa na pag-awayan kahit na pinaka-simpleng bagay sa mundo na kung tutuusin wala namang dahilan para pag-awayan: tuwalyang naiwan sa sahig, hindi ibinabang toilet bowl cover, at kahit na kung saan banda pinipisil ang toothpaste tube. Ang saya pala ng marriage life, sa isip-isip ko. Haha.

During the course of my existence, I’ve met and personally known wonderful couples whom I’m hugely indebted sa mga examples na ibinabahagi nila sa akin, both directly or indirectly. More than the examples written in the book, it is more encouraging to see marriage through the lens of reality. Mas makulay, mas madrama, mas kapana-panabik.

We want to set things in order. Kung tayo nga lang ang masusunod sa script ng ating buhay, mas pipiliin natin ang mala-pelikulang eksena kung saan tayo ang “knight in shining armor” ng ating “damsel in distress”, or kung babae ka naman, dudungaw ka na lang sa iyong bintana habang inaawitan ka ng iyong prinsipe. We want, as much as possible, a happy love story, like those in the movies. Pero the reality is, God’s gift comes not in a generic package. Walang mass production si Lord pagdating sa ating mga istorya. Lahat ay customized, tailor-made, suitably fit and handpicked. He knows what’s best for us. And most of the time, hindi iyon ang “order” natin. He knows what we want but He gives us what we need.

So hindi lang basta pareho kayo ng belief ay “equally yoked” na rin kayo. Hindi lang basta pareho kayo ng language ay talo-talo na. It’s not about trusting our own senses and promptings of the heart and emotions – it has to be God’s prerogative. Anything surrendered unto the will of the Lord He will honor and recognize as long as tama ang ating puso. Hindi naman Siya madamot. He just wants to set things in order. Kasi mahal Niya tayo. And that is the heart of the matter. Masu-surprise ka na lang.

The good thing about the book I mentioned, and many other books about marriage na nabasa ko na (apparently beneficial kasi talagang basahin yun kahit ng mga singles), is that it remains to be positive in the institution of marriage itself. There’s blessing and beauty in it na dapat nating kasabikan. Yes, marriage is somehow frightening and countless stories of failed marriages lurk around us. Hindi natin mapapasubalian yun. However, the disappointments of the few does not weigh the same as the joy of those who remains committed to it, no matter how hard they’ve been through. Maniwala pa rin tayo sa poreber.

Ang totoo niyan hindi ko rin alam kung bakit ako nagsusulat tungkol dito. Napaka-random lang talaga. Kasing-random lang ng song na ito: #LSS and stuck.