Learning Curve

Never stop yearning, never stop learning.

Advertisements

Ang learning curve ay ang panahong kinakailangan upang matutunan ang isang bagay. Halimbawa, kung ikaw ay nasanay na gumamit ng isang android phone mula nang panahong nakahawak ka ng smartphone, tapos all of a sudden bigla kang gagamit ng iPhone, medyo maninibago ka muna. Ang panahon na ginugol mo upang matutunang i-navigate with ease ang bago mong gadget ay ang learning curve. Mas mabilis, mas magaling. Kung para sa mga kabataan ay hindi naman issue ang pagpapalit ng from android to iOS, para sa mga mahal nating tanders, it takes effort and a lot of adjustment.

The Learning CurveLike what my teacher did just recently, I would also like to quote Albert Einsten (though may mga discussions over the internet kung siya ba talaga ang nagsabi nito) on his definition of insanity: doing the same thing over and over again and expecting different results. This pierced my heart. I am on the look out to do greater things, to accomplish more – things I have never achieved since I began to exist. Pero looking back, parang hindi naman ako masyadong umuusad. I assessed myself spot on: anong pinaggagawa ko sa buhay ko? Steep ba talaga ang learning curve ko?

It seems like we don’t learn from our mistakes, we just look at it as if we have the luxury of time and emotions to go through it again. Masyadong steep ang learning curve.

How many of us learn things the hard way? Yung tipong sobrang tagal na nang panahon na ginugol mo sa isang challenge sa buhay mo, pero tuwing binabalikan ka nito, parang hindi ka na natuto. Na-scam ka na dati, tapos nagpa-scam ka ulit ngayon. Sinaktan ka na dati, you fell for the same tricks ulit. Na-sampolan ka na na mahirap magpa-exam ang professor, pero hindi ka pa rin nag-review the second time around. It’s a vicious cycle. It seems like we don’t learn from our mistakes, we just look at it as if we have the luxury of time and emotions to go through it again. Masyadong steep ang learning curve. Ganito ka rin ba?

LearningCurve2Image credits: https://mindprintlearning.com/blog/the-forgetting-curve/

We are all like the nation of Israel. They’ve been through a lot, literally. Binigyan ng promise, nag-fail. Bumangon, nag-fail. They went through slavery, oppression, captivity, famine, and defeat – consequences of the same mistake they have the inclination to enjoy: idolatry. Kapag nae-encounter ko sa Bible ang malungkot na cycle ng downfall and rising up nila, I usually ask the Lord, “bakit ang kulit nila”? Pero all along I know, I’m no different from them. Makulit din ako.

But the good news is that no matter how steep our learning curve is, God’s love is more stubborn than our worst stubbornness. And I’m saying this on a positive note! God is very patient with us no matter how slow we are to learn. Mabuti na lang! Otherwise, wala na tayong pag-asa. If God has been patient with the nation of Israel, He will also be patient with us. It doesn’t matter kahit makupad ka, as long as you’re aiming for improvement. Kung madalas kang madapa at matagal bago matuto, tuloy lang.

What defines us is not our mistakes kahit gaano kadalas, in the eyes of the Lord, He honors our commitment to learn from Him.

Mas profitable pa rin yun kaysa sumuko. Only the Lord can bring you out of the vicious cycle as long as you are willing to let Him. In the end, what defines us is not our mistakes kahit gaano kadalas, in the eyes of the Lord, He honors our commitment to learn from Him.

How steep is your learning curve? Matalas ka pa rin ba at madaling matuto? O like me, pumupurol nang medyo? Whatever the rate is, never stop yearning, never stop learning.

Add Life to your Years

To age is way different from being mature.

Guess what? Tatanda na naman tayo ng isang taon pa. Oo isang taon ulit. Ang bilis ano? Dati ang umo-occupy lang ng isipan natin ay kung paano gagawin ang mga homework ng terror nating high school teacher, o kung kagaya kitang mabait, iniisip online game na lalaruin pagkatapos ng uwian. O di kaya naman ang itsura ng crush mo na dino-drowing mo pa sa likod ng notebook na may mukha ng mayor niyo sa cover.

Add Life to your YearsNgayon, ang dami-dami na nating iniisip. Sa sobrang dami, mahirap na ngang isakatuparan ang iba e. Naaalala ko pa na ang mga topics namin ng mga kaibigan ko few years back ay umiikot lang halos sa adolescence stage na pinagdadaanan namin. Ngayon pati ang inflation, politika at showbiz, bukod pa sa mga trabaho namin at planong bumuo ng sariling pamilya ay napag-uusapan na rin. Idagdag mo pa ang walang kamatayang ice breaker tuwing magkakasama ang dating magkakaklase: sino-sino na ang mga nabuntis sa batch natin?

Yet to age is way different from being mature. Age deals with the years in our life; maturity is the life in our years. Yet they have to coincide at some point. They have to meet along the way.

Tumatanda na nga tayo. At kung sasabihin mo sa aking kalabaw lang ang tumatanda, ano ka exempted? We age, whether obvious sa itsura o pigura, o kung mapalad ka’t nabiyayaan ng baby face, still we really cannot deny the fact that we age. And with age come tons of responsibilities we need to embrace and carry through.

Yet to age is way different from being mature. Age deals with the years in our life; maturity is the life in our years. Yet they have to coincide at some point. They have to meet along the way.

Medyo may kaunting panghihinayang lang ako sa tinakbo ng karera ko sa buhay a few seasons back and I reaped the consequences of my decisions then. Yet I know that in God’s panoramic perspective, there are really no accidents. I am part of something bigger, sabi nga ni Nick Fury. “That it’s brave to ask ‘what if,’ [that] I think it’s braver to ask ‘what is’” sabi naman ni pareng Popoy. Until now, I am picking myself up, but I am learning in the process.

Di pa huli ang lahat para sa atin, at least yan ang sabi ng imaginary friend ko. It doesn’t matter kung nasa kalendaryo pa ang edad mo o wala na, at least nasa bingo card pa rin. And that’s what matters – may bilang ka, at pwede pang pagbuhulin ang iyong edad at ang iyong pinagkatandaan.

Quote 2Discover your purpose, live your passion, find your niche.

And this is what makes the New Year more exciting! It gives us a glimmer of motivation to add life to our years! Gusto mong umakyat ng bundok? Then go! Nauuso na ang mga mountain hiking groups. You want to travel the world, or the country at least? Madami nang promo fares. If you want to be an advocate of financial literacy, or responsible parenting, or you just want to have a voice in the world of internet, then blogosphere is readily available. At kung maisipan mong maging ganap na blogger at single, unattached ka, you might as well consider joining our P.S.A. group – ibang kalidad!

Let’s add life to our years. Lagyan natin ng konting palabok ang buhay by escaping the usual routine we are so familiar with. Ako nga gusto kong mas maging active pa sa pagbibisikleta ko. Gusto ko ding umakyat sa bundok with friends. Mas maraming books ang gusto kong mabasa this year. And the weirdest thing na bina-bargain ko pa sa kunsensya ko ay ang sumakay sa bus papunta sa isang malayong lugar na unfamiliar para lang maglagalag pagkatapos ay uuwi na ulit. Bottom line is, let us all age gracefully!

Pagbigyan niyo na rin ako. Dala lang din marahil nang nasa Quarter-life crisis na ako. 🙂 Promise, makaka-move on din ako sa pagtatanong kung sino-sino pa ba sa mga ka-batch ko ang nanay at tatay na.