Train of Thanks 03

Because we’ll never run out of things to be grateful for.

Advertisements

Another work week ahead of us guys! Let us all welcome MONDAY! Taada!

While this day is the least loved day of the week, if we’ll just look back how things went through last week, we can greet Mondays not with “here we go again” but with enthusiastic “let’s get it on!”.

So here’s my train of thanks for last week:


  1. I received separate messages from my college classmate and from an online friend regarding job opportunities – one related to accounting and the other one related to content writing. While there are no confirmations yet and I haven’t started with both, I feel so grateful for people who remember me and include me on their list.
  2. This APEC Week gave me time to revisit my published articles in my college student paper. It feels good to read my poems and editorial columns, and be reminded of all the stories behind those articles. In my future posts, one by one they will have life again. Ohh, this APEC Week I was also able to catch up with my bank reconciliation back logs for the office. I think this is yet my most productive free time I can remember. Haha! Unfortunately I wasn’t able to attend our Satellite PM because I forced myself too hard, ending up in a headache.
  1. For three times this week, I roamed Marikina at night with my bike – twice with Kuya Benj and on one occasion, I am alone. It feels good to go on a road trip on a bike, especially when it is night – less vehicles to share the road with, cool breeze and of course, we are under the blanket of stars. I really appreciate the City Government of Marikina for providing bike lanes for people who’d rather ride bikes than motorized vehicles.
  2. The culmination of our DepFest Reloaded 2015 was a blast! As a department we are not expecting to be hailed second placer out of the seven church departments. But more than the competition was the joy we have shared as a church. It is good to see people who used to be silent in church joining games such as news casting, chorale reading, Dubsmash competition, among others. Indeed, the church is a pool of talented individuals that can be tapped for ministries for the greater glory of God.
  3. This Sunday’s Message spoke to me personally especially when I took the challenge “consider your ways”. One must give careful thought on the purpose of his new life. To be derailed in your purpose, to be distracted in your priorities is to miss out God’s mighty work in your life. Now that God is bringing me into a “special” season of life, I know that He has something for me to do – but I must not get distracted otherwise I will lose sight of what He has for me.

How about you, what are you thankful for this week?

Pagsuway at Pag-alalay

May hugot din pala talaga sa biking.

Pagsuway at Pag-alalayLast Saturday, my friends and I went biking along the hustle and bustle of Pasig City. It took us almost eight hours of pedaling through occasional humps, bumps and rough road.

Ang masakit, nung pauwi na, habang dumadaan sa C5, bigla na lang napatid ang pagpedal ko. Since I am yet to learn how to discover what’s wrong with my bike, much more fix my bike, medyo nagpanic lang ako ng konti. Masyado pang malayo sa bahay. Halos parating pa lang kami ng Tiendesitas! Aakayin ko ba ang bike ko pauwi ng Marikina? Sasakay ng taxi?

Good thing, naisipan ni Jem na itali ang mga bike namin gamit ang mga bike chains. Kaya from C5 to Marikina, hila hila niya ako – dala ang bigat at pag-alalay kung paano kami makakauwi ng matiwasay.

Kagaya ng sinabi ko last post, may natutunan ako sa episode na yun ng buhay ko:

Inaalalayan tayo ng Dios, kailangan lang natin siyang pagkatiwalaan

Medyo tinamaan ako ng konting hiya nang mga sandaling hinihila ang bike ko. Ayoko kasi ng masyadong dependent sa iba, yung masyadong umaasa sa tulong ng iba. Pero that time, helpless na halos ako. Kaya kailangan kong magtiwala na magiging ok lang kami.

Kagaya din ng ating relasyon sa Dios. Minsan naiisip natin na kaya na natin. Nahihiya kasi tayo sa Kanya, na parang isang malaking kahinaan ang pagkapit sa Kanya. Pero in the first place, helpless naman talaga tayo kung wala Siya!

One thing I appreciate with my friends is their willingness to help me at the cost of their inconvenience. That’s what friendship is made up nga naman. But the Lord is a Friend as well, and more than a friend actually. Kaya kung pinagkakatiwalaan natin ang ating mga kaibigan na di tayo iiwanan, how much more can we trust the Lord?

Mas mabagal at delikado ang takbo kapag may attitude of resistance

Habang hila-hila ako at ang bike ko, may mga pagkakataon na ako ang nagpipilit magdikta sa magiging takbo namin. Kakabig ako pakaliwa, o pakanan; o kaya naman ay biglang preno.

When we resist God’s plan in our lives, tendecy is either we’ll delay our progress or worse, endanger our lives. Minsan kasi nagmamarunong tayo e.

Pero along the way, narealize ko na kung ako na dependent ay mag-iinsist ng gusto kong mangyari, possible na instead makauwi kami agad, mas bumagal pa kami or mailagay ko sa mas delikadong sitwasyon ang takbo namin. We are trudging C5 at hindi yun biro!

When we resist God’s plan in our lives, tendecy is either we’ll delay our progress or worse, endanger our lives. Minsan kasi nagmamarunong tayo e. We tend to think that we know how to direct life better than God, where in fact we are just mere passengers in His vehicle.

Kapag masyado akong nagpabigat habang hila ako, mas bumabagal ang takbo. Kapag tumigil ako, titigil din siya, pero may choice siyang iwanan ako. Hindi ko hawak ang pacing ng byahe namin, at lalong hindi ko desisyon na tulungan ako. Likewise, resistance to the Lord is futile, because we will always end up disadvantaged.

Kahit sa gitna ng iyong kalituhan, mayroon pa ring kapahingahan

Sa tagal ng pagpadyak namin, talagang inabutan ako ng pagod. Hindi biro ang halos walong oras na pagpedal a! Mula pa man ng pag-alis ko sa bahay at habang binabagtas namin ang mga kalsada, I keep on uttering prayers of guidance and protection, maging yung mga bisikleta namin ay wag nawang masira.

Pero nangyari nga ang di inaasahan. Kaya di ko maiwasang magtanong kung bakit kahit anong panalangin ko, namgyari pa rin. Ngunit sa gitna ng kalituhan, naroon ang kapahingahan. Umupo lang ako sa bike ko habang hila-hila ng bisikleta sa harap ko, at ang iba naming kasama ay nakaalalay. Napahinga ang mga paa kong napagod na sa byahe.

Likewise, God’s ways are puzzling. Mahirap intindihin kung minsan. Pero what’s best about it is hindi mo naman kailangang intindihin ang lahat sa Kanya. He is infinite, eternal and incomprehensible in the first place.

At mas ramdam ko ang daluyong ng malamig hangin at mga matatayog na istruktura sa Eastwood. Nakauwi ako, with less padyak and more pahinga (than the rest of my peers. Haha!)

Likewise, God’s ways are puzzling. Mahirap intindihin kung minsan. Pero what’s best about it is hindi mo naman kailangang intindihin ang lahat sa Kanya. He is infinite, eternal and incomprehensible in the first place. Yet when we trust His sovereignty over our lives, mas maaappreciate mo ang bawat himaymay ng wonderful plans Niya sa buhay mo. It is better to rest in Him than to be restless, stressing yourself.

May hugot din pala talaga sa biking. 🙂

Padyak, Papak sa mga Gabing Maliwanag

“At isa pang narealize ko, sobrang ganda pala talaga ng Marikina.”

Sa nakalipas na dalawang magkasunod na Sabado, nagkaroon ako ng pagkakataong makaikot sa ilang lugar kasama ng aking mga kaibigan. Bitbit ng aming mga bisikleta, tinahak namin kilo-kilometrong kalsada upang balikan ang mga bagay na matagal na naming hindi nagagawa ng magkakasama. Tumatanda na nga yata kami, nag-iiba na rin halos ng mga prayoridad sa buhay. Pero naisip ko lang, panahon lang naman ang lumilipas, petsa lang naman ang nag-iiba, pero ang pagkakaibigan ay mananatili lalo na kung ito ay inaalagaan. Pero bago pa man maging tunog-anime ang post na ito, bago maging madrama, hayaan niyo na lang akong magkwento.

wpid-cycling-655565_1280-1.jpg

October 20. Birthday ng Supremo. Masaya pala ang night biking. Dahil gabi, mas presko, lalo na at sinasalubong ka ng malamig na hangin. Na-realize namin ito ni Henry nung lumabas kami para bumili sa Riverbanks. And it was my first time na dumaan sa Marcos Highway! Sa pagkakatanda ko, dun pa lang ako nakaramdam na kinikilabutan ka habang nagpepedal! Pero with that, we both agreed na sa susunod na mga lakad, mas maganda talaga kung night biking ang gagawin namin.

At isa pang narealize ko, sobrang ganda pala talaga ng Marikina. Maganda kasi sobrang bike-friendly ng mga kalsada. Lalo na kung magbibisikleta ka sa Riverbanks or sa Riverpark, sobrang maeenjoy mo ang nature. Walkable city talaga! Sana nga lang maibalik ulit yung dating sigla, pero salamat na rin kasi yung investments sa mga bikelanes at maaayos na kalsada, sobrang nakaka-appreciate. Kumpara sa ibang lugar, I can say mas hindi nakakatakot mag-ikot-ikot sa gabi.

October 24. Lilac St. Escapade. Oo madaming pagkain, at madaming makakainan. Sa sobrang dami, muntikan na kaming mauwi sa 7-11. Ginusto kong bilangin kung ilan lahat ng pwede mong makainan dun, pero di na rin ako nag-abala. Ang dami e! At kung gustuhin man naming lima na matikman lahat ng specialty nila, mukhang magsasawa na muna kami kakapadyak sa kalsada ng Lilac bago pa man kami mangalahati. At syempre, kailangan pa ng maraming pera!

Pero dahil napagod kami kakabagtas sa bikelane dividing Cainta, Antipolo at Marikina, kailangan na naming magdecide. And we ended up sa Concho’s Home of Sisig Goodness. Isang malaking factor talaga kapag napi-feature sa Kris TV (at sa PopTalk or KMJS dahil Kapuso ako) ang isang resto. Mas mae-enganyo kang puntahan. Isa pa, hands-on owner nito si Kean Cipriano, sayang nga lang wala siya nung nagpunta kami.
imageSince di naman talaga ako food blogger, mag-iiwan na lang ako ng pictures ng link sa kanilang Facebook account. Pero in fairness naman, presko ang pwesto nila dahil sa open veranda style, at masarap ang sisig nila kahit hindi talaga crunchy, pero walang taba at litid! Sobrang malaman!

(c) Concho’s Home of Sisig Goodness FB Page
(02) 7883668
Second Floor, RAL Building, 48 Lilac Street, Concepcion Dos, Marikina City
Operating hours: 11:30 AM to 11 PM

At muli naming binagtas ang bikelane pauwi sa kanya-kanya naming tahanan.

October 31. Pamatay na pagpadyak. Eto na yata ang araw (o gabi) na sobrang ikinapagod ko. We met sa Riverpark ng 4pm at nagsimulang tumungo sa Eastwood thru Ligaya, supposedly. Pero pasado 5pm pa lang nasa Eastwood na kami at maliwanag pa, kaya we decided na pumunta na lang kung saan kami aabutan ng pagod. Sa pagkakaalala ko, walang eksaktong destinasyon kaming napag-usapan pero hinayaan namin si Jeremiah to lead the way.

And off we go! Una muna papuntang Manggahan. Sobrang haba palang bagtasin nun! Paikot-ikot sa Pasig na ang tanging naaalala ko lang ay dumaan kami sa C. Raymundo, tapos nakarating kami sa Pinagbuhatan. Umabot kami sa boundary ng Cainta at Pasig hanggang sa may C6. Ang tanging consolation namin ay nang matanawan na naming ang Laguna de Bay, at nakikita na naming ang mga karatulang nagsasabing “This Way to Taytay”. Buti na lang di na natuloy na pumunta pa kami sa Market! Market! na 30 minutes na lang daw ang layo.

Pagbalik, minabuti na naming punan ang mga gutom naming sikmura. Mang Inasal talaga habol namin para makabawi man lang sa extra rice at chicken oil. Paikot-ikot ulit sa napaka-mataong lugar ng Pasig hanggang sa makarating sa Kapitolyo. Sa wakas, naipahinga rin ang mga pagod na paa.
image Pauwi, dumaan kami sa C5 dahil gusto na namin yung pinakamabilis na ruta. Dahil na-orient naman na ako sa Marcos Highway kahit paano, medyo kaya naman na ang C5. Buti na lang din halos walang sasakyan, siguro kasi nasa sementeryo at nagtitirik ng kandila. Smooth na sana ang takbo e, kung di lang ako nasiraan! Biglang hindi na gumana ang pedal ko at approaching Tiendesitas pa lang kami!

Naisip ko bigla: maglalakad ba ako pauwi akay ang bike ko? Medyo natakot ako syempre. Ang layo kaya nun! O kaya mag-taxi na kaya ako pauwi? Nagtanong-tanong pa kami ng bukas na bike shop pero 11pm na kaya malabo na. May nadaanan kaming magbabalot at nanghiram ng gamit, sinubukang ayusin pero wala na talagang pag-asa. Wala rin kasi sa amin ang marunong! Haha!

Buti na lang naisip nilang pagdugtungin ang mga bike chain naming at itali sa bike namin ni Jeremiah. In short, hinila niya ang bike ko from C5 Tiendesitas hanggang sa Riverbanks (stop-over) hanggang sa makauwi ng bahay. Malaking pasalamat ko kasi inalalayan nila ako hanggang makauwi ng bahay. Props din kay Wilson ng The Call Worship Center, na nakakwentuhan pa namin sandali at pinagpray pa kami ng mapadaan kami sa Eastwood habang naghihilahan kami ng bisikleta.

Sobrang nakakapagod ang gabi na yun na namaga ang kanang paa ko, until as of this writing. Imagine, kung nagsimula kaming magbike ng 3:30 pm at nakauwi ng 12:30 am, halos isang shift sa trabaho kaming nagpapapadyak! Pero the experience is so worth it! Na-enjoy ko talaga.

Actually may hugot lessons ako sa moment na yun kaya lang sa separate post na lang. Masyado na itong mahaba.

Until next post!