Seeing Through Things

Minsan ba nasabi mo na sa sarili mo na sana nababasa mo ang iniisip ng ibang tao? Malamang sa mga lalaki, they can relate with me when I say, “sana naiiintindihan ko ang takbo ng isip ng mga babae”. It doesn’t matter kung sino ba siya sa buhay mo, as long as babae siya, marahil hinangad mo na maintindihan kung gaano nga ba kabilis tumakbo ang ‘train of thoughts’ nila. Ok sige, pagdating sa mga babae madali niyong mahuhuli ang mga lalaki kung sincere ba o hindi sa mga sinasabi namin, though alam naman namin may intuition naman talaga kayo sa kung ano ang totoo sa hindi.

seeing through thingsIf we can read minds, most probably we’d think that we can minimize misunderstandings sa mundo. Paano ba naman, alam mo na agad kung sarcasm lang ba ang totoo na ang sinasabi ng isang tao. Madali lang din malaman kung gusto ba nila tayo o hindi. Ang dali-dali siguro magdesisyon kasi we will no longer be left in the hands of presumptions. Imagine how things will go between couples. Ang saya di ba?

Pero when we see through things, malaki din ang mawawala sa atin. Sa context ulit ng mga couples, mahirap nang i-qualify ang effort kung ‘effort’ pa nga ba na matatawag kung hindi naman talaga diniscover ang gusto mo at ayaw mo. Everything’s just plainly revealed. The element of surprise will no longer be ‘surprising’ but rather mapapalitan ng ‘expected ko na yan’. Yung raw emotions nang pagkamangha, pagka-gulat, pagkatuwa at iba pa ay mababawasan, o di kaya’y tuluyang maglalaho.

Eh paano kung hindi mo magustuhan ang iniisip sayo ng ibang tao? Ang sakit sa puso nun di ba? Posibleng makaramdam ka ng galit sa taong yun, at malamang ay iiwasan mo na siya sa susunod. Maraming relasyon ang masisira. Hindi mag-ooperate ang tunay na pag-ibig kung lahat ng ating iniisip ay nakalantad sa madla.

Maraming mga panahon na naging laman ito ng panalangin ko:

  • “Lord, baka naman po pwedeng malaman ko po kung ano yung plano Niyo para sa akin.”
  • “Ano po ba yung gusto Niyong gawin ko, Lord?”
  • “Lord, I don’t know which way to go and what to do, tulungan Niyo naman po ako.”

What if we can read the mind of God? Yung mga tanong at panalangin natin na kagaya ng nabanggit ko ay mabibigyan agad ng tugon. We will be spared from lots of heartaches and pain dulot ng ating mga mistakes and missed priorities. Di ba ayaw din naman ni Lord na nasasaktan tayo? Generally, sino ba namang ama ang nagnanais na masaktan ang kanyang mga anak?

Yet things don’t operate the way we want it. It takes an intimate relationship with the Lord to comprehend His plans in our life. At hindi pa nga natin totally mababasa ang Kanyang isipan dahil syempre, He is an infinite, eternal, omnipotent God, as opposed to our finiteness. Yet He is gracious enough to lead us to His perfect will through His written Word, the Bible. Pero to give us specific, to the detail, and black and white instructions on which way to go, which option to choose or the specific words to say, unfortunately hindi ganun ang paraan ni Lord. It takes faith on our part to trust God na kahit hindi natin nababasa ang kanyang isipan, alam natin na maaari Siyang pagkatiwalaan. It takes faith on our part to understand na His ways are higher and dependable than ours.

Actually it’s a blessing din nga for us not to know the details of His plans sa buhay natin. Mas nae-excite tayo how things will unfold for us. Mas nagiging dependent tayo at mas lumalalim ang ugnayan natin sa Kanya. The moment He reveals His plans, mas nauunawaan natin at naaappreciate how He operates in His divine schedule. Mas naiintindihan natin kung bakit tayo nasaktan, kung bakit tayo iniwan, kung bakit tayo nawalan, kung bakit kailangan marami muna tayong maranasan. At the end of the day, as Christians we “walk by faith and not by sight”.

Isa pa, hindi Niya rin tayo hinayaang masaktan kagaya ng sakit na nararamdaman Niya sa tuwing binabalewala natin Siya. He can see through us clearly, dahil omniscient Siya. Everytime we reject Him, ignore or make fun of Him, He sees it, hears it and feels it. Alam Niya ang lahat ng iyon pero He is gracious and merciful enough to forgive us and bear with us. Imagine kung alam natin how people think about us – life will be a never-ending pursuit of trying to win people’s affection and escaping their judgment on us. Ang hirap nun! Ang bait ng Diyos ano?

John Piper, in his book Don’t Waste Your Life, quoted C.S. Lewis and it reads:

You can’t go on “seeing through” things forever. The whole point of seeing through something is to see something through it. It is good that the window should be transparent, because the street or garden beyond it is opaque. How if you saw through the garden too? It is no use trying to “see through” first principles. If you see through everything, then everything is transparent. But a wholly transparent world is an invisible world. To “see through” all things is the same as not to see.

Makes sense, right? Hindi rin maganda na ang lahat ay plain and bare sa ating harapan. Not being able to see through things makes life more exciting and rewarding. Mas maganda pa ring makita ang ‘raw’ emotions ng mga mahal natin sa buhay through our ‘efforts’.

The best thing is, we may not be able to see through things but let’s thank the Lord that He sees us through. Dun pa lang panalo na tayo e.

Trust His Heart

Kanina after office at 5pm, dahil 7pm pa naman ang Prayer Meeting, naisipan kong magbike na lang muna. I decided to have a look at the factory overruns na madalas na naririnig ko lang sa kapatid ko. All along akala ko isang tindahan or bodega lang siya, but I found out na along H. Bautista St., may tatlo palang pwesto na nagbebenta ng mga overrun na sapatos. Tinignan ko syempre yung mga items, baka sakaling may magustuhan ako. May mga Airmax, Roshe Run, Jordan at Under Armor – naku, kadami. Pero syempre, I am not vouching for the quality, even the aesthetics. I am actually not particular with the intricacies of shoes – design, quality, kung legit ba or not. I can’t even distinguish nga what’s fake from what’s original e. Kaya nga siguro madali akong mauto. Haha!

We can wear imitation products, or Class A’s, whatever you may call it, and still act as normal. Who would know and who cares kung fake ang suot mo? I guess no one would even bother to check whether what you’re wearing is legit or not. But when it comes to the Lord looking at us, He sees the legitimacy of our heart, mind and emotions. He plainly sees when we are faking things out or we are just going with the motions kahit na tayo ay nasa simbahan o saan mang lugar. He sees us so plain and naked, to the point that we can never hide anything from His sight. May tawag dito – omniscience.

And no creature is hidden from his sight, but all are naked and exposed to the eyes of him to whom we must give account. Hebrews 4:13

Have you ever considered this thought? That God sees the very intricate details of our heart, mind and emotions. Alam Niya ang lahat sa atin. Alam Niya at wala tayong maitatago kahit ano.

  • Alam Niya na nagtatanim ka pa rin ng sama ng loob sa nanay mo, or sa tatay mo at kinikimkim mo iyan for the longest time dahil naghihintay ka ng pagkakataon na maipamukha mo sa kanila yung sakit na nararamdaman mo tuwing may maaalala ka from the past.
  • Alam Niya na inggit na inggit ka sa kaklase or sa officemate mong madalas na may bagong gadget, may latest travel escapades out of the country, may bagong post sa Instagram na bago na naman nilang discovered na restobar ng jowa niya. Nung una, it started with a wish na sana maexperience mo din ang nararanasan niya. Pero lately naiimbyerna ka na sa kanya, to the point na inggit na inggit ka na at nakakaisip ka na ng hindi maganda sa kanya.
  • Alam Niya na yung sakit na nararamdaman mo ng ipinagpalit ka ng boyfriend or girlfriend mo sa iba. Masyado kang nagdadamdam na nagkakaroon ka na ng suicidal thoughts. Kung NBSB/NGSB ka, alam Niya din at naririnig Niya ang mga katanungan sa puso mo na hindi mo naman mabanggit sa iba, kahit sa mga magulang o mga kaibigan mo. Alam Niya na pilit mong hinahanapan ng sagot ang tanong na, “anong mali sa akin?” o ang “bakit ako ganito?”.

He knows everything, but does He even care?

Of course He does care. In fact even before we were born, He knew us already, and He cares for us.

“For you created my inmost being; you knit me together in my mother’s womb.” Psalm 139:13

Minsan mahirap unawain yung mga plano ni Lord for us. When all you can see is the mountain of difficulties, you would never witness the valley of success. I remember when my friends and I visited the Anawangin Cove in Zambales, we trekked the highest peak of the nearest “mini-mountain” (parang ang baba lang kasi tignan). Matarik, nakakapagod. Parang gusto na lang naming sumuko. Pero at the end, we are rewarded with a view that soothed away all our pagod and reklamo. Worth it, ika nga.

Anawangin Cove 4
Parang nakakapagod akyatin. Pero nagagawa pang magpa-picture. Haha!

Anawangin Cove 1

Anawangin Cove 3
Pero pagdating sa peak, you will be rewarded with an adorable sight. Worth every sweat!

When it comes to God’s omniscience, it is comforting to know that He knows everything, and there is nothing that we can hide from His sight. When we feel weak and helpless, He knows it. When we feel so desperate for answers, He is aware of it. When the world seems to turn its back on you, He is present and is carefully watching You. We cannot fake ourselves before Him. He knows us full well and He knows what He is doing. So why not just trust Him completely?

Sabi nga sa isang kanta, when you can’t see His hands, trust His heart. He is the One who is omniscient, not us. So allow yourself to be vulnerable before the Lord and make Him work wonders in your life.

Jesus replied, “You do not realize now what I am doing, but later you will understand.” John 13:7


Oo nga pala, there will be another round of Big Converse Warehouse Sale on December 5-20. Converse footwear, including our favorite Chucks and other apparels, will be sold on a discount. For sure, Converse lovers will flock once again sa aking sintang bayan. The Converse Marikina Warehouse is located at 65 General Molina Street Parang, Marikina. The sale opens at exactly 9:00AM and closes at 7:00PM.

For more details on Converse Warehouse Sale, check this out as well as this one too.