No Stress-passing

“Life is like a photograph, we develop from the negatives”. Tama nga naman, if not for the unfortunate events in our lives, we’ll stagnate and remain the same as before. Hindi tayo magiging overcomer if we don’t have trials to overcome.

Advertisements

May kakilala ka bang stress-passer? Yung mga toxic na tao na may sworn duty yata na magbigay ng inis sa buhay ng iba? Sila yung mga taong unaware na nagbibigay na sila ng “kakaibang high” sa ibang tao. Stress-passers, parang mga trespassers, pumapasok sa mga emotional boundaries ng iba para magnakaw ng peace of mind. Nagpapasa sila ng mga unwanted emotions and will leave us feeling… ‘intoxicated’.

Stress-passing.png

Pero what if tayo pala ang stress-passer sa buhay ng iba? Na tayo pala ang source ng kanilang irritation and stress? You might think, hindi kaya! Pero who knows? Sabi nga nila, it’s easier to spot another person’s flaw than your own. Kaya naman as we look through the lens of other people’s behavior, assess din natin ang sarili natin if we exhibit the same kind of ‘stressors’ we find in others.

Kung sa tingin mo ay kasing-toxic ka na rin ng mga taong gustong-gusto mong iwasan, here are some tips para naman hindi ka tuluyang iwanan ng mga friends mo.

  1. Communicate clearly

Spare yourself from some disappointments by communicating your plans, expectations, even your frustrations if you have to. No one is like Professor X na kayang basahin ang nasa isipan mo, so please do the world a favor by letting us know what you want us to do.

Tell your peers what you want to happen, and how do want it to be done. Tell your partner how you feel. Let your parents know where you are going and what you intend to do. Sabihin nang malinaw, nang klaro, para walang pagtatalo.

Kung ang mga magkakapamilya nga, halos araw-araw na magkakasama at nasubaybayan pa nila ang buhay ng bawat isa, nagkakaroon pa rin ng misunderstanding, paano na lang ang mga taong tuwing school or office hours mo lang nagkakasama? You can’t expect the world to cave in to your expectations dahil lang naisip mo ito, pero kung ico-communicate mo ito nang malinaw, it will be easier to find someone to join you in your cause.

Hindi kami manghuhula kaya wag kang pa-mysterious, uy!

  1. Increase your patience

Isa rin sa mga toxic kind of people we should stay away from ay yung mga sobrang irritable. Yung kaunting inconvenience lang, todo reklamo na at akala mo wala nang binigay na maganda sa kanya ang mundo. In contrast, those who are very patient, yung kaya pa ring ngumiti in spite of the inconvenience ay napaka-pleasant na kasama, right? Pansinin din ang hilatsa ng mukha ng mga bugnutin… ok, wala na akong sinabi.

In case you are one of this type, I encourage you na magbago ka na nang pananaw sa buhay. Mas maganda ang mundo if you’ll learn to overlook little inconveniences in life. May nag-overtake sayo na senior citizen sa pila mo sa Jollibee? Let it go! May nakatapak nang hindi sinasadya sa white sneakers mo? Let it go! Hindi inaabot ang bayad mo sa jeep ng mga kapwa mo pasahero? Sabihin m kay manong driver, ‘catch’! Nakabayad ka na, may kalaro ka pa! You can’t have peace if you won’t increase your patience.

Learn to let go and overlook minor inconveniences. Hindi lahat sa atin ay exempted sa perwisyong traffic, sa mahabang pila, sa maiingay na kapitbahay, makulit na pamangkin, pasaway na drivers, at demanding na boss. Hindi lahat ng ine-expect natin at gusto natin ay available para sa atin. Kahit mga customer representatives na tinatatawagan natin ay may hangganan lang din ang kayang ibigay na tulong sa atin, kaya learn to let go of the situation and increase your patience.

Wag kang masyadong bugnutin. Maging ubas, wag maging pasas.

  1. Speak life

May kasabihan na “life is like a photograph, we develop from the negatives”. Tama nga naman, if not for the unfortunate events in our lives, we’ll stagnate and remain the same as before. Hindi tayo magiging overcomer if we don’t have trials to overcome.

Pero iba naman pagdating sa pagiging outspoken negative. When I say ‘speak life’, I’m saying that we have to use our mouth to encourage people, not to bring them down. Nakarinig ka na ba ng taong sobrang negative? Iba pa ito dun sa taong impatient. Sila yung wala nang ibang bukambibig kundi puro negative like “hindi natin kaya yan!”, “wala na tayong pag-asa”, “bagsak na tayo, ulitin na lang natin next sem!” Nakakahawa, nakakairita. Stressful sila kasi no matter how you try to find beauty and joy, para naman silang may radar sa mga ka-negahan ng mundo.

If you are a whiner, I encourage you to teach yourself how to appreciate. Simulan mo sa maliliit na bagay – thank the cashier who took your order, thank the cute college chick na nag-abot ng bayad mo sa jeep, magpasalamat ka kay Lord kasi ginising ka pa Niya kaninang umaga! Appreciation even the smallest detail. I tell you, mag-iiba ang perspective mo.

After you learn the habit of appreciating people, you may now begin to teach yourself the virtue of blessing people. Bless them with encouraging words. Bless them with uplifting statements. Sa dami ng mga depressing stories na tinatanggap ng tao araw-araw, dadagdag ka pa ba?

Speak life to people. Maiba lang, wag naman puro reklamo.


Inasmuch as try to not allow stress-passers to ruin our emotional boundaries, might as well bigyan din natin ng chance ang iba na pangalagaan ang mga emotional boundaries nila. Kung paanong pinahahalagaan natin na hindi tayo ma-contaminate ng kanilang ka-negahan, wag din natin silang i-contaminate. Wag kang tumawid sa bakod nang may bakod. No stress-passing.

How Waiting Benefits Us

May hinihintay ka ba? Seize this moment to savor the benefits of waiting.

As I am writing this piece, I am waiting for some things to happen:

  • Naghihintay ako ng isang major news for a major project I am working on.
  • Naghihintay ako ng weekend para makanood ng Kita Kita, dahil sobra na akong nai-spoil sa mga feeds sa timeline ko.
  • Naghihintay ako for that ‘great idea’ para marami na ako ulit na masulat dito sa blog kong ito.
  • I’m playing “Last Day on Earth” sa android phone ko at hinihintay kong matapos yung ‘walking time’ ng character ko.
  • Dahil kakatapos lang ng payday, hinihintay ko ulit yung susunod.
  • Ok, hinihintay ko siya. Hahaha!

How Waiting Benefits UsHonestly and modesty aside, alam ko na mahaba ang pisi ko when it comes to waiting. Pero syempre may mga araw at pagkakataon rin talaga na napipigtas din ang pisi ko. Naiinip rin ako, lalo na kung ang usapan ay mabagal na download speed ng internet! Naku, sobrang nakakainip at nakakainis yan.

Pero I know of some people na sobra-sobrang mainipin. Yung hindi mapakali kapag napirme sila sa isang lugar. Nagbigay ka na ng limang minuto at sigurado ka naman na dadating within that span of time, pero still, maiinip at maiinip pa rin sila.

Minsan may nakasabay kaming kumain sa isang ‘paluto’ food place. Dahil peak hours at maraming tao masyado, obviously matagal ang service. Pero after an hour of waiting, o higit pa siguro, iba na ang naging timpla ng lalaki. Nagmumura na siya, nanggagalaiti sa galit. Medyo cringe moment kasi nasa harapan ko siya. Ako rin naman sobrang naiinip na sa sobrang tagal ng order namin, pero hindi yata kaya ng powers ko ang magsisigaw sa isang public place.

O siguro kanya-kanya lang talaga ng tolerance yan. Ako kasi, I always have a book handy sa mga panahong napapalaban ako sa hintayan. Bawas bagot, bawas lungkot.

Pero bakit nga kaya may mga waiting season tayo? Like sa prayers. Bakit kailangan pa nating maghintay e alam naman na ni Lord ang mga laman ng puso natin. Tapos makapangyarihan pa Siya. Bakit kailangang umabot pa tayo sa mga pagkakataon na halos mag-breakdown na tayo sa paghihintay? Pero syempre, tanong ko, sagot ko. Haha! Here are some of my reflections while I am right here, in front of my laptop, waiting.

Waiting frees us time to do other things

In my case, habang naghihintay ng susunod na activity, nagawa kong magsulat. Bagay na hindi ko masyadong magawa lately sa sobrang kabusy-han. Kagaya rin ng nabanggit ko kanina, ang paghihintay ay panahon ko to catch up on my reading. Waiting time is actually a breather. Nasubukan mo na bang matagalan sa pila para makapagdeposit sa banko? Actually time ko yun para makapag-relax sa araw-araw kong pag-upo sa office. Hindi naman masama ang paghihintay, pero syempre I don’t want to be hypocritical na gusto ko talaga na palaging maghintay.

Waiting time is actually a breather… It gives us a pause.

Pero come to think of it: waiting gives us a sudden break from what doing successive things. It gives us a pause. Para hindi ka naman ma-umay sa buhay.

Waiting reveals something in us

During those times na sobrang inip na inip ako, lumalabas ang attitude ko pagdating sa isang bagay. Halimbawa na lang kapag sobrang bagal ng internet, tapos totally mawawalan talaga ako ng connection, naku buong araw talaga na naiinis ako. Sa isip ko sobrang galit na galit ako sa mga network providers for giving us crappy service. Pero sa totoo lang, I know in my heart na kaya ko naman tumagal kahit walang internet.

Kapag naghihintay tayo at naiinip, minsan nakakagawa tayo ng mga bagay na nagbibigay ng clue sa ating mga priorities. Siguro in my case, may mild case ako ng FOMO (Fear of Missing Out). Kaya saludo ako sa mga singles na marunong maghintay e, kasi it just proves na their priorities in life far exceeds their desire for romantic relationship.

Waiting strengthens our faith in what is to come

Nothing purifies our faith best than the season of waiting. Si Father Abraham, ang tagal ng hinintay niya bago siya biyayaan ng anak – umabot muna siya ng 100 years old!

 

More than doing things to fit into your schedule while waiting, mas magandang madevelop ang ating faith and hope na “He who promised can be trusted”.

Si Jacob, naghintay ng 7 years (plus 7 years ulit para maging totally legit) bago makuha ang pinakamamahal niyang si Rachel.  Si Jesus din, naghintay muna ng 30 years bago tuluyang mag-embark sa kanyang public ministry. Faith is tested and purified through seasons of waiting.

More than doing things to fit into your schedule while waiting, mas magandang madevelop ang ating faith and hope na “He who promised can be trusted”. May mga pangako si Lord sa atin na kailangan nating hintayin ang katuparan. And while waiting, anong dapat nating maging attitude? Dapat mas nagiging dependent tayo kay Lord, mas nagiging excited tayo kay Lord, at higit sa lahat dapat mas nagiging faithful tayo kay Lord. At ang paghihintay natin ang magde-determine kung ganito nga ba ang nagiging attitude natin sa Kanya. We should love Him more than His gifts and promises. We should love Him for who He is.

May hinihintay ka ba? Seize this moment to savor the benefits of waiting.

Ok, balik na ako sa android game ko J