Get to Know the Temperaments

We all need each other. We complement each other.

Advertisements

Personality Plus, written by Florence Littauer, is the first book I’ve read in years about personality development and ‘psychology’-related. Madalas kong naririnig yung tungkol sa mga “Sanguine”, “Choleric”, “Melancholic” at “Phlegmatic” pero wala akong idea dito bukod sa lahat ng mga ito ay tunog malubhang sakit.

Personality PlusLittauer discussed the four temperaments with much detail and rich illustrations na sobrang nakarelate talaga ako. Tawa ako nang tawa kasi her descriptions are with so much accuracy while exposing my weaknesses as if close na close kami. Nang-aano siya e. Haha! Yep, you read it right. Temperaments ang tawag sa mga nabanggit ko at hindi sila mga karamdaman. In fact, lahat tayo ay nabibilang sa isa sa mga yan. Allow me to share my insights based on how I understood the book.

Sanguine: Sila yung mga outspoken, life of the party. Sila yung typical na makwento at walang dull moments kapag kasama mo sila. Usually sila yung mga ginagawa niyong host sa mga school at office programs, yung bumabangka ng kwento, at sobrang animated kapag nagbibida ng mga recent travel photos niya at OOTDs. Ang dami rin nilang gustong gawing projects! Kaya madalas gusto nilang maging president ng klase, o kaya leader ng organization. And they win! Hindi dahil sa magaling sila, usually dahil sikat sila. Ang usual downside nila – OA. Minsan may pagka-exaggerated na ang kwento na hindi na kapani-paniwala – only to amuse their listeners. Para sa kanila, malaking dagok sa buhay kapag hindi na sila napapansin ng mga tao at ang atensyon ng marami ay nawala na sa kanila.

Melancholic: Sila naman yung mga taong polar opposite ng mga Sanguine. Sila yung usually tahimik, ayaw sa limelight, mahiyain at gusto nasa sulok lang sila. Hindi sila fan ng attention. Usually rin, sila ang mga artistic at detail-oriented. Sobrang galing nila sa analysis at matindi ang kanilang critical thinking skills. They are the ones who writes good novels and creates astounding paintings and soulful music. Kung may kilala ka na sobrang by the detail ang pag-iisip, yung ang maraming nakikitang angles na hindi mo nakikita, most probably melancholic siya. Their downside, however, is that they easily get depressed. Ayaw nila na napapahiya sila. Ayaw nila na yung plano nila ay pumapalpak at nasisisi sila. They are typical pessimists – seeing the world with dark lenses. Masyadong emo.

TemperamentsCholeric: Sila naman yung mga leader type. Strong ang personality ng mga choleric. They want things to be done, their way. Walang makakapigil sa kanila. They are most likely to climb the corporate ladder kasi they are so determined to be on top. May kakilala ka bang gagawin ang lahat para sa kanyang mga pangarap? Baka naman choleric siya, bes. Pero wala naman siyang cholera, don’t worry. Haha! If you want results, you can depend on someone who is choleric. Ang kaso lang, sa sobrang passionate niya to accomplish something, hindi niya napapansin marami na siyang nababanggang tao along the way. He wants control, and he wants it now. May pagka-bossy at demanding. Pero keri lang daw, basta umaakyat siya ng level.

Phlegmatic. Sila naman yung mga passive ang personality, the polar opposite of choleric. Napaka-peaceful ng personality nila, kaya naman you would love to hang-out with someone who’s phlegmatic. Kung may problema ka at kailangan mo ng kaibigang willing makinig, perfect companion sila. Hindi sila magrereklamo, patient sila masyado sa mga kwento mong walang tapos. Best friend ng taon. Sila din yung mga sobrang relaxed na personality na nagkakagulo na ang lahat, kalmado pa rin. Hindi naman sa wala siyang pakialam, hindi lang niya feel mapagod. Which is his downside. Sobrang passive niya and indecisive, and people thinks na wala siyang concern sa paligid niya. Kapag tinanong mo, ang typical niyang sagot “ikaw na bahala” o kaya “kahit ano, saan”. Ang reason niya for this, ayaw niyang pangunahan ang iba. His indecisiveness can also lead to katamaran, mañana, at lahat nang pwede mo pang idagdag dito.

Would you like to know what your temperament is? Take this simple test online.

***

I am a phlegmatic, which is obvious kung kilala mo ako personally. Actually, nakaka-amaze how these personality types, or temperaments sheds light on how we can effectively relate with other. After reading the book, narealize ko, sometimes the problem is not in our differences, but our limited understanding of our differences. TBH hindi ko masyadong type ang mga taong malakas ang dating, aka choleric. Since phlegmatic nga ako, I feel uncomfortable when someone with a strong personality bosses me around as if I’m to no good. Pero looking beyond their “lakas ng dating” I realized that it’s just the way they are wired.

We all have differences. But we can always find something to share together. We can always learn from each other. Our differences are intended not to build a wall between us, but to make interactions more lively and engaging.

If I extend my patience and my understanding to these kind of people, maybe we can go along well. And true enough, nagagamit ko ang temperaments na ito sa aking mga relationships – friends and others. I see them through the four-fold lens of temperaments and I learn how to approach them, make them feel secured and loved.

We all have differences. But we can always find something to share together. We can always learn from each other. Our differences are intended not to build a wall between us, but to make interactions more lively and engaging. I can’t imagine how my life would be kung ang lahat ng tao sa paligid ko ay kapwa ko phlegmatic – eh di wala nang nangyari, wala nang natapos na project. We all need each other. We complement each other.

Ikaw, what is your temperament?

My Personality

Click to view my Personality Profile page

My Intelligence

Click to view my Personality Profile page