Rock to Daranak

“Falls alarm! Akala ko ok tayo, ang lamig po pala. Awts”

Advertisements

Matagal-tagal na rin mula nang huli kong long ride, at masasabi kong sobra kong na-miss! Sa sobrang na-miss ko nga, halos umuwi na akong lumpo. Ang sakit lang, bes. Bawing-bawi talaga ang matagal na hiatus.

So here’s my entry sa recent escapade ng tropa:

rock-to-daranak

Initially we’re planning to bike all the way to the Windmills of Pililia, Rizal. Medyo matindi-tindi ang sinapit ng mga kasama ko the last time they went there kaya medyo hesitant din kami na dun nga tumuloy lalo pa’t matagal-tagal kaming napahinga. So we pursued Tanay, Rizal instead. Along the way na lang namin napag-desisyunan na mag-Daranak.

Call time namin ay 5:30am pero kumain muna kami ng lugaw sa Riverpark. Kaya naman ang naging actual ride out namin ay naging 7am na halos.

1

Smooth na smooth ang byahe, at maliwanag na rin. Walang babaan, wala ring inom-inom ng tubig! Para sa mga non-pro bikers kagaya namin, isang malaking feat na ang umabot sa Angono, Rizal para sa unang stopover para bumili ng inumin. Ang saya walang baong tubig. Hahaha!

2

Sinalubong kami ng parade!

After a few minutes, padyak ulit! With occasional stops para maghabol ng hininga, uminom ng tubig at kumbinsihin ang sarili na nasa tamang katinuan pa ako sa kabila ng lahat ng ginagawa kong pagpapagod. Haha!

3

Isa sa mga best part ng long rides namin sa Rizal ay ang mga luscious green na mga palayan. Yes, luscious talaga kasi ang sarap sarap pagmasdan. Kaya syempre, bike selfie taken from Morong rice fields! 🙂

Pagdating sa Morong town proper, sinalubong kami ng isang mahabang funeral march. Medyo matinding pagsingit-singit at pakikibaka sa mga nagbubuhol-buhol na sasakyan. The best part riding a bike is that you can always squeeze yourself into traffic jams!

Unti-unti nang tumitindi ang init, kumakalam na rin ang sikmura; on top of that, namamanhid na ang mga hita ko kakapadyak! Mabuti na lang talaga may province-feels dahil sa mga bigas na nakalatag sa mga gilid ng kalsada na winawalis-walis pa! Nakaka-relax! Ayun, kahit na G na G pa ang mga kasama ko, nakiusap na akong magpahinga muna sandali sa lilim ng mga puno c/o Baras, Rizal.

5

4
Haha! Huli ka Henry!

After a few minutes, pagkakain ng Beng-Beng padyak kami ulit with the idea na wala nang 10kms nasa Tanay town proper na kami. My goodness, sobrang sakit na talaga ng mga binti at hita ko, pero ilang sandal na lang makakarating na kami ng Tanay… humihingi na talaga ako ng sorry sa katawan kong pinahihirapan ko nang sobra. Haha!

6Pampalubag-loob, sobrang naaliw lang ako sa overarching leaves ala UP on the way to Tanay, Rizal. Sobrang cool!

25

Ilang ahon, hingal at pagdadalawang-isip na umuwi ang lumipas, finally nakakakita na kami ng signages leading us to Daranak Falls. Ayun, may destination na kaming pupuntahan. Thinking na malapit na lang na paghihirap ang kailangan naming suungin, medyo na-excite na kami. Pero sa mga signages na nakita ko, isa ito sa mga kinatutuwaan ko… wala lang, siguro kung malakas-lakas lang resistensya namin, baka kayanin namin padyakin hanggang Laguna hanggang sa dumilim.

We could opt to book a nearest hotel para makapagpahinga na rin at maituloy ang desire namin to bike up to Laguna. In that case, TravelBook.ph is a valuable tool para dyan. With just a few clicks, makakakuha ka na ng great deals sa mga nearest hotels, para nga naman tuloy-tuloy ang biking adventure! Or use the link on the sidebar kung need mo maghanap ng ibang hotels. Go lang, bes!

7

Eto na nga, binagtas namin ang kalsadang magiging akala namin magiging friendly sa amin. We just thought na kahit paunti-unti lang, maaabot na namin ang inaasam-asam naming rest sa Daranak in a few minute ride. Pero puputok na lang ang mga paa namin at dadanak ang dugo kakapadyak, kakatulak sa mga ahon, dagdagan mo pa ng gutom at galit na galit na sikat ng araw, di pa namin natatanaw ni katiting na tubig ng Daranak. ayun sumuko na lang kami. Napatawag kami ng tricycle para i-rescue kami. At pinagdudahan pa namin na overcharged masyado ang singil sa amin, pero along the way sooooobrang layo pa pala talaga, at puro ahon pa! Good decision. As in. We were charged 50php each, kasama na ng bike. Oohh, the beauty and benefit of a folding bike.

8

Yun na, nakarating rin kami sa Daranak Falls! Gutom na gutom na kami kaya after magparada ng mga bikes, for 20php each bike, hanap kami agad ng makakainan. Bago ka pumasok ng entrance, may mga nagtitinda ng mga noodles, inihaw na liempo, tilapia, mga de lata etc. We bought inihaw na tilapia for 150php each, malaki siya and good for 3-4 persons na and additional rice for 10php each. Ok na rin para sa mga gutom at pagod na kagaya namin. We could have added more sa pagkain kaso medyo limited lang ang budget namin. Salamat talaga kay Kuya Benjie. Haha!

9

Daranak Falls is a haven for nature lovers. Marami-rami rin ang mga bikers and motorcycle riders na dumadayo dito. Bukod sa Falls na talaga namang nakaka-fall in love, may Calinawan Cave pa na pwedeng pasukin. Unfortunately we weren’t able to get through the cave. Masyado kasi kaming na-fall sa paliligo sa falls.

10

11The entrance fee is at 50php each. Open din for photoshoots and prenuptials for 1500php. No pets and alcoholic beverages allowed. May mga picnic sheds din na pwedeng rentahan for 300php and picnic tables for 200php each.

21After considerable time na makapagpahinga, talo-talo na!

“Sa sobrang ganda mo, hindi ko maiwasang hindi ma-fall sayo”

14
18

“Gusto sanang mahulog sayo, kaso natatakot akong baka wala kang intensyong saluhin ako”

Joke lang, di lang ako marunong lumangoy.

15

“Falls alarm! Akala ko ok tayo, ang lamig po pala. Awts”

13

Nag-decide kaming itigil na ang kasiyahan bandang 4pm at mag-asikaso na pauwi. Akala ko nung una, since ayaw ko sa malamig [na tubig], hindi ko masyadong magugustuhan, pero iba rin kapag nahulog ka na. Haha!

20

19

12

Ayun, bye Daranak!

17

Ordeal pa rin ang pag-uwi pero the best part ay kung saan kami idinaan ng tricycle paakyat, siya rin ang dinaanan ng mga bike namin pababa. Heavenlies! Sobrang saya ng ilang kilometrong downhill! 🙂

23

Pero kahit gaano pa kasaya ang lahat, kailangan pa rin naming harapin ang katotohanang gumagabi na at kailangan nang makauwi agad sa aming mga mahal sa buhay dahil may church service pa kinabukasan. Bukod pa dun, halos wala na rin kaming energy. Nagdecide na kami ni Henry na mag-bimodal pero si Kuya Benjie nag-insist na pumadyak pa ulit pauwi through Teresa, Rizal. So we parted ways. I arrived home ng mga 8:30pm.

At ang kinabukasan ay napuno ng limping and agonizing pain sa paglalakad. Para na rin akong nabugbog sa pagod at sakit ng hita, binti at tuhod.

22

Until next time! At mukhang marami-rami pang pwedeng mapuntahan sa Tanay, Rizal. 🙂

Kaya ang Binacayan!

Buti na lang pala, kahit puyat, I can say “Kaya ang Binacayan!”

February 27, 2016

Together with my bike buddies, we planned to go on a biking + hiking on the mountains of Rodriguez, Rizal. Since Marikina is surrounded with mountains, we are very privileged to be just a couple of minutes away from the hiking destinations of Rizal – and the first on our list is Mt. Binacayan.

At first we have this confidence that we can go on a twin hike – meaning we can climb two mountains in succession. Sayang nga naman kasi yung pagkakataon at ang guide fee. Haha! But as we progress through the trail, di pala madali.

Preparation (or lack of it)

Supposedly, I’ll meet my friends at Marikina Riverpark, sa bahay ng lola ng Henry. I promised to come on or before 12mn since I still have night classes to attend to, at gusto ko pa kasing umuwi ng bahay muna. In fairness, I arrived at 12mn in front of the gate, but I chose not to join them but decided to spend the night elsewhere. Isa kasi yun sa mga weird kong desire – to sleep, or at least spend the night in the streets. I have briefly shared my midnight experience at the Cityhood Park and later on in 7-11 in my previous blog. Out of that midnight madness I was able to compose a poem inspired by mountain climbing.

IMG_2220

IMG_2208

It was 3am when I decided to go back to Riverpark and join the rest of my buddies. Di sila agad nagsilabas so I waited still for about 30 minutes! So to kill boredom, I warmed myself up and did some stretching.

As soon as we have filled our stomach with goto, we took a jeepney to Montalban and alighted at San Rafael, their furthermost drop off point. From there, tricycle drivers are waiting and very attentive to “potential” passengers so we just took the nearest tricycle. We asked that we be dropped at DENR.

It was already 4:30am when we reached DENR. A lot of people were congregating at the registration area. It was still dark. At wala akong tulog.

Way up

With our guide Kuya Abner, nagsimula ang aming lakbayin sa sementadong daan na unti-unting nagiging malubak, hanggang sa maging lupa. We were walking with 2-3 groups of varying ages, mostly mga babae. Our guide thought na baka matagalan kami kapag maraming kasabay, he led us to an alternate route to overtake all the other groups. True enough, we we’re able to surpass them for 15-20 minutes I guess, some of which ginamit namin for rest. Sobrang dilim pa nun and we care less about taking pictures. Haha!

We continued walking and the sun is already dawning. Habang lumalaon, mas bumibigat ang paghinga ko at ang mga yapak ko. Iba pala ang epekto ng puyat! Upon reaching a point na umiikot na ang paningin ko at halos di na ako makahakbang, I pleaded to the group that they leave me on a certain place so I can rest and they can proceed to the summit. They insisted to wait on me to catch up my pace and my breathing. Nakikita ko pa lang ang taas ng aakyatin, parang di ko na yata kaya! At that moment, I was just praying and rebuking myself: “what in the world are you doing?”

Thank God for my friends waited for me for more or less 10 minutes. We started trekking again, this time slowly to accommodate my incapacity. There was even a place when I just slumped beside a huge rock, took a nap while the rest are busy taking pictures. Imagine how incapacitated I feel during those time!

May kuha naman akong picture, pero halatang kuhang groggy.

IMG_2222

Again, a few minutes after my nap, the sun is already kissing my face. Only then I have realized that we have already reached our first spot perfect for pictures. I managed to roam around the place and the first thing I noticed are the sharp lime stones. Sobrang nakakatusok at nakakasugat kung hindi ka mag-iingat. But the view – so breathtaking! The Sierra Madre mountain range is in sight and below you can see the snake-shaped Wawa River.

IMG_2233

IMG_2234

IMG_2254

IMG_2258

 

Ang nakakatuwa dun, biglang nawala ang antok, pagod at pagkahilo ko! I felt revived because of the sun and the view! Dahil dun, napagtripan akong kuhanan ng mga buwis-buhay pictures ni manong guide.

IMG_2279

IMG_2302

IMG_2275

IMG_2301

IMG_2273

IMG_2272

Since it seemed like ok na ulit ang pacing namin, nagpatuloy kami sa paglakad. Grabe ang mga lime stones, kung hindi lang kami nakapagsuot ng gloves, halos nagkandasugat-sugat na siguro kami. I love the warmth of the sunrise din. Iba pala kapag sa bundok ka mismo, with fresh air and the warmth of the sun, talagang nabubuhayan ka ng loob at lumalakas ang katawan.

And again, we had another photo session habang nagpapahinga.

IMG_2343

IMG_2361

IMG_2362

When we’re about to reach the summit, marami na rin kaming nakakasabay paglakad. Kaya when we reached the highest point, Kuya Abner led us to somewhere else, sa place na mas maganda daw ang picture taking. At hindi nga kami nagkamali! So while some are taking snacks, paisa-isa kaming kinukuhanan ni manong guide ng mga buwis buhay shots namin.

IMG_2375

IMG_2370

IMG_2369

IMG_2368

Nang medyo nabawasan na ang tao sa summit, we took our chance. From the highest point of Binacayan you will really appreciate the remaining green nature ng paligid. Halos nauubos na rin kasi talaga ang mga bundok dahil tinatayuan na ng mga subdivisions. From the summit, we took some group photos.

IMG_2410

IMG_2406

IMG_2403

Sa aming descent, mas lalo naming naappreciate si Kuya Abner. He really gave us what we wanted sa isang mountain hiking – a very challenging trail. We walked a different trail mula sa kanina so we can reach the base ng mas maaga. Iniisip niya kasi mag twin hike talaga kami.

Dumausdos, tumalon, lumusot sa mga bato at sumabit… we have concluded as a group that Mt. Binacayan is not a chill climb. I also realized that different mountains have different experiences to offer sa mga mountaineers.

IMG_2456

IMG_2460

One thing na nakakatuwa pababa, habang nangangatog na ang aming mga tuhod sa pagod, at ang mga “crinkles” – huge boulders na parang crinkles. Grabe nakakagutom sila. We took pictures syempre. Pero nung tumingin ako sa likod – namangha ako sa taas nang inakyat at binaba namin!

IMG_2465

IMG_2476

IMG_2475

IMG_2472

IMG_2489

A few minute walk at narating namin ang isang stop-over na tindahan. We bought juice, took a rest. Sa pagod, nagdecide kaming wag nang ituloy ang plano na mag twin hike. Tambay na lang daw sa Wawa Dam!

Nabuhayan lalo kami ng dugo when we can see the familiar road na dinaanan namin bago kami umakyat. Sa wakas nasa base na kami ulit! Si Kevin sobrang nagmamadali na at naiwan kami sa paglalakad. May nakita kaming sobrang taas na puno and we took the chance na magpapicture din dun!

IMG_2525

IMG_2527

IMG_2530

Even kay Lola na nanonood sa amin while taking pictures sa puno!

IMG_2532

IMG_2534

We caught up with Kevin and Kuya Abner sa bilihan ng lutong ulam. We’ve decided to take our lunch sa Wawa Dam, rest for a while (nakatulog talaga ako ng mahaba dun) at maligo! I tell you ang lamig at tunog ng tubig ay sobrang inviting!

Umuwi kami probably mga 3pm or later than that. Good thing di namin ipinilit magbike and hike, else uuwi kaming gumagapang. Haha!

IMG_2563

IMG_2566

IMG_2572

IMG_2588

IMG_2596

IMG_2610

Buti na lang pala, kahit puyat, I can say “Kaya ang Binacayan!”