Pass or Fail 3: How to be the Best Yuppie Ever

Napakapalad ng mga Pinoy GenZ, kasi they have access to a wide selection of resources that will help them succeed in life, at isa na dun ang Pass or Fail Book 3: Paano Maging Best Yuppie Ever  by Ptr. Ronald Molmisa.

Pass or Fail (1)

Filled with practical tips on how to move from the academe to the workplace, the book speaks like a big brother to a younger sibling. Nakakatuwa nga kasi as I was reading the book, I’m reading it with the voice of Ptr. Ronald. It is more than passing on of information – it passes life lessons. Here are my reasons why:

  1. Magsisimula tayo sa pinakamahalagang tanong: ready ka na ba? Sa mga unang chapters pa lang magtatanong ka sa sarili mo kung na-overcome mo na ba ang phase ng pagiging [bulakbol] na estudyante to wear the mantle of an adult filled with responsibilities. In short, from being a a student to #adulting phase. Then may mga tools siya na io-offer for you to better discover yourself, para mas maging clear kung saan ba talaga ang direction na para sayo.img_4848
  2. He will also give you tips on how to increase your chances of landing a job that suits you – kung saan ka maaaring maghahanap ng trabaho, sa paggawa ng impressive na resume o curriculum vitae (I finally learned the difference between the two! Haha!), at kung ano ang mga do’s and don’ts sa job interview. Favorite kong part yung mga common interview questions at kung ano ang maaari mong isagot sa mga tanong na ito. Bakit kasi wala nito nung panahong nag-aapply pa lang ako?
  3. It tackles relationship building and conflict resolution. Hindi lang ang kumita ang mahalaga sa pagiging young professional. Mahalaga rin na marunong kang makisama sa mga officemates mo at sa boss mo, at lalo na sa sarili mo. I love how it stresses out the idea that we work from rest, not work to rest. We cannot afford to compromise our sanity and health for our work. Bahagi ng pagiging best yuppie ever ang pagkakaroon ng healthy perception of rest.
  4. Mae-encourage ka na i-develop mo ang tamang work ethics pagdating sa trabaho. Paano ka magse-save for the future, paano mo ire-represent si Jesus sa workplace mo by your actions and speech, at kung ano ang motivations mo sa paglilingkod. The concept of “ikigai” was introduced, which means “reason for being”. While this “workplace nirvana” is seldom achieved, at least mabibigyan tayo ng encouragement to do our best for the Lord.

ikigai

As you read the book, it will encourage you to assess yourself and will leave you committing to your purpose. Pakiramdam ko napagalitan nga ako ni Ptr. Ronald, lalo na sa idea na baka naso-shortchange ko na ang employer ko, o baka hindi na aligned sa will ni Lord ang career goals ko. It’s always good to be reminded.

This book is the third installment sa Pass or Fail series ni Ptr. Ronald. Hindi lang siya love and relationship guru, he is indeed a mentor to the youth. Oyeah!

Advertisements

Ahon! My Top 10 Activities to Release Stress

Are you caught up in the web of stressful circumstances? Yung tipong lahat na lang yata ng mga kapaguran na available sa mundo sinasalo mo? Yung di ka na makaahon sa dami ng trabaho, yung pressure ng overlapping commitments sinasakal ka na masyado, o kaya naman yung mga polo mo naghuhumiyaw na sa sobrang sikip na nila para sayo? Nakaka-stress ano?

Ahon.png

As stated in my previous post, may mga outlets ako to release stress and tension. Kapag di ko na kaya ang bigat, kapag pakiramdam ko lunod na lunod na ako, may mga go-to places and people ako para maging “shock absorber” (sorry na, peeps!). Dahil lahat naman tayo kailangang mag-unload from time to time para hindi sumabog di ba?

Here are some of my stress-relievers.

  1. Biking

What I love about biking is that you can go places as far as your legs can handle. Kapag masakit na at parang hindi na kaya, uwian na. Haha! It is cheap and healthy activity, pinawisan ka na, nag-enjoy ka pa! Since I am from Marikina, common destinations namin ng mga friends ko pag nagbi-bike ay sa Rizal (Binangonan-Morong-Tanay or San Mateo-Rodriguez), UP or even within Marikina loop, bilang napaka-bike friendly ng bayan kong sinta.

25

  1. Hiking

When schedule allows me to, I join hiking activities para naman medyo malayo sa stressful work. Iba rin kasi ang yung feeling na nasa summit ka ng bundok, dinadama ang masarap na simoy ng hangin tapos nakaharap ka either sa dagat or sa mga pamayanan. It changes perspective. Yung sobra kang naka-focus sa sarili mong mga problema, tapos mare-realize mo na mas malaki pa rin si Lord talaga si Lord kaysa mga problema mo.

  1. Vitamin Sea

Again, when schedule allows me to, masaya din na magpunta sa tabing dagat para magtampisaw, o kahit na pakiramdaman mo lang ang simoy ng maalat na hangin habang kinakausap ang sarili na kunwari gumagawa ka ng music video. Aminin mo, kakaibang ligaya ang dulot ng paglalakad sa tabing-dagat, binabalik ang lahat ng masasayang ala-ala ng buhay mo na para kang bida sa telenovela habang panandalian mong nakakalimutan na may babalikan ka pang ga-bundok na trabaho sa opisina. Pero at least, di ba. Masaya ka.img_0402

  1. Pet Cafes

Medyo may kaunting gastos pero masaya. Try mong pumunta sa Barkin’ Blends near Sta. Lucia or sa Bengal Brew + Wolf and Bear sa Cubao. If you are a pet lover, surely mae-enjoy mo itong trip na to. Makipaglaro ka sa mga aso. Kumustahin mo sila. Amuyin mo sila. Ikwento mo sa kanila ang mga officemates mong chini-chismis ka, ang boss mo na mahilig magbigay ng trabaho kapag pauwi ka na, o kaya naman yung ex mo na sa sobrang pagka-pet lover, ipinagpalit ka na lang sa pet. May therapeutic effect din kasi ang pakikipaglaro sa mga hayop, pero word of caution, wag makikipag-relasyon sa hayop kasi may damaging effect sa emotions. Hahaha! Sorry na, ang bad ko dun. 🙂

 

  1. Blogging

Just like now, kaya ako nagsulat ng post na ito kasi alam mo na, stressed ako. Isulat mo ang anumang nararamdaman mo. Isulat mo ang gusto mong sabihin. Type lang nang type. Nakakatulong mag-release ng tension kapag hinahayaan mong ang mga daliri mo ay tumitipa ng keyboard. Mas madiin at mas malakas ang hampas sa keyboard, mas satisfying! Haha! It doesn’t matter kung may magbabasa man ng post mo o wala, may magco-comment man o wala. Basta naisulat mo ang gusto mong sabihin. Pero be careful sa anumang isusulat mo, be a responsible blogger. Wag mag-spread ng fake news. Lagot ka kay Mocha.

  1. Read books

Pumunta ka sa mga book fairs, sa mga book sale mga bookstores, even sa mga libraries. If you are a reader, you’ll agree with me na sobrang satisfying ang makaamoy ng libro. Yung halimuyak na nakakapagpa-kalma sa pagod mong isipan. Tapos damhin mo yung bawat page, yung texture ng papel, ganun. Pero syempre basahin mo rin. Hahaha! Highlight words na nakapagbigay ng impact sayo. It’s always fun to learn and discover new things.img_2227

  1. Watch movie

Given na to. Kapag lunod na lunod ka na sa trabaho, it’s not a bad thing kung gusto mong manood ng movie. Lalo na for me who loves superhero movies, nakaka-alis ng stress ang panonood ng movie. Pero dahil common na nga siya, lagyan mo na lang ng kaunting challenge ang panonood mo: minsan kong sinubukan na manood nang mag-isa, manood ng sad movie tapos pigilan ang sarili mo na umiyak, at manood ng movie tapos magbaon ng pandesal at palaman. Sa susunod nga, gusto kong i-try magbaon ng kanin at ulam. Hahaha!

  1. Play games

Di ako gamer pero effective na pang-divert ng attention ang mobile games. I installed Wordscapes para naman kapag pagod na ako kakaisip ng numbers, letters and words naman. Ang saya di ba. Nag-install din ako ng Idle Poring. Since hindi na kaya ng schedule ko ang maglaro pa ng Ragnarok, which I really loved playing nung bata pa ako, dun na lang ako sa Idle Poring. Pareho din naman ng sounds and ng characters, iba nga lang ng gameplay at interface. Pero pwede na rin, perfect game for busy person like me. Sabi nga ng kapatid ko enjoy na enjoy akong pinapanood yung character ko na tumatakbo all throughout the game. Kanya-kanyang trip yan!

  1. Run to your accountability partners

It’s always good to have friends to watch your back. Yung sasaluhin ka nila sa panahong bigat na bigat ka na. I am blessed to have friends from church, from PSA and from MYA na alam kong nasasandalan ko for encouragement and prayers. Appreciate your circle of friends. Isama na rin natin ang family natin. After a tiring day, it’s relaxing to know that we have friends and family na uuwian natin. Yung hindi tayo ico-condemn. Yung hindi tayo ipagpapalit sa 30 pieces of silver. Yung ililibre tayo ng burger o kaya ng pizza o kaya ng BFF fries.

  1. Go to Prayer Mountain

Kapag talaga hindi ko na kaya, I go to Touch of Glory Prayer Mountain. Di kalayuan sa Marikina pero safe haven ko siya. I pour out to the Lord all my burdens, my concerns pati lahat ng kapaguran ko sa buhay. Para siyang isang electrical outlet for me to plug myself into, para di ako tuluyang ma-drain. Nakakagaan kapag alam mong iniyak mo na ang lahat sa Lord, isinigaw mo lahat ng prayers mo at kahit mapagod ka kakaiyak at kakasumbong sa Kanya, alam mong nakikinig Siya. Wag ka lang matutulog sa loob ng prayer cell. Kasi naman parang sobrang sarap matulog sa loob. Haha!

IMG_00000118

When you feel like sobrang nakakapagod na at di mo na kaya, don’t lose hope. Kapit lang. It takes a clear mind and a fresh perspective para hindi ka ma-overwhelm ng mga challenges mo sa buhay, ahem, I am speaking to myself. Haha! Mabuti na lang may provision si Lord ng mga outlets for me, para hindi na lang ako basta mag-collapse sa kalsada.

And I also thank God kasi He is always available to hear my prayers and my cries. Hindi ko naman kailangan umakyat pa ng Prayer Mountain just for the Lord to hear me. He hears me even when I am in bed, shedding tears kasi… huhuhu, “Lord, pagod na po ako, payakap naman po”. Try niyo, it is comforting, and it develops an intimate relationship with your Creator.

“Come to me, all you who are weary and burdened, and I will give you rest. Take my yoke upon you and learn from me, for I am gentle and humble in heart, and you will find rest for your souls. For my yoke is easy and my burden is light.” – Matthew 11:28-30

I was reminded by the words of Director Phil Coulson of Marvel’s Agents of Shield. In one episode, Season 1 yata ng AoS, sabi niya:

“The world is full of evil and lies and pain and death, and you can’t hide from it. You can only face it. The question is, when you do, how do you respond? Who do you become?”

Ikaw, in the face of your challenges and stress, who do you become?

PS. Baka naman may iba ka pang stress-relieving activities, share mo naman with me 🙂

No Stress-passing

“Life is like a photograph, we develop from the negatives”. Tama nga naman, if not for the unfortunate events in our lives, we’ll stagnate and remain the same as before. Hindi tayo magiging overcomer if we don’t have trials to overcome.

May kakilala ka bang stress-passer? Yung mga toxic na tao na may sworn duty yata na magbigay ng inis sa buhay ng iba? Sila yung mga taong unaware na nagbibigay na sila ng “kakaibang high” sa ibang tao. Stress-passers, parang mga trespassers, pumapasok sa mga emotional boundaries ng iba para magnakaw ng peace of mind. Nagpapasa sila ng mga unwanted emotions and will leave us feeling… ‘intoxicated’.

Stress-passing.png

Pero what if tayo pala ang stress-passer sa buhay ng iba? Na tayo pala ang source ng kanilang irritation and stress? You might think, hindi kaya! Pero who knows? Sabi nga nila, it’s easier to spot another person’s flaw than your own. Kaya naman as we look through the lens of other people’s behavior, assess din natin ang sarili natin if we exhibit the same kind of ‘stressors’ we find in others.

Kung sa tingin mo ay kasing-toxic ka na rin ng mga taong gustong-gusto mong iwasan, here are some tips para naman hindi ka tuluyang iwanan ng mga friends mo.

  1. Communicate clearly

Spare yourself from some disappointments by communicating your plans, expectations, even your frustrations if you have to. No one is like Professor X na kayang basahin ang nasa isipan mo, so please do the world a favor by letting us know what you want us to do.

Tell your peers what you want to happen, and how do want it to be done. Tell your partner how you feel. Let your parents know where you are going and what you intend to do. Sabihin nang malinaw, nang klaro, para walang pagtatalo.

Kung ang mga magkakapamilya nga, halos araw-araw na magkakasama at nasubaybayan pa nila ang buhay ng bawat isa, nagkakaroon pa rin ng misunderstanding, paano na lang ang mga taong tuwing school or office hours mo lang nagkakasama? You can’t expect the world to cave in to your expectations dahil lang naisip mo ito, pero kung ico-communicate mo ito nang malinaw, it will be easier to find someone to join you in your cause.

Hindi kami manghuhula kaya wag kang pa-mysterious, uy!

  1. Increase your patience

Isa rin sa mga toxic kind of people we should stay away from ay yung mga sobrang irritable. Yung kaunting inconvenience lang, todo reklamo na at akala mo wala nang binigay na maganda sa kanya ang mundo. In contrast, those who are very patient, yung kaya pa ring ngumiti in spite of the inconvenience ay napaka-pleasant na kasama, right? Pansinin din ang hilatsa ng mukha ng mga bugnutin… ok, wala na akong sinabi.

In case you are one of this type, I encourage you na magbago ka na nang pananaw sa buhay. Mas maganda ang mundo if you’ll learn to overlook little inconveniences in life. May nag-overtake sayo na senior citizen sa pila mo sa Jollibee? Let it go! May nakatapak nang hindi sinasadya sa white sneakers mo? Let it go! Hindi inaabot ang bayad mo sa jeep ng mga kapwa mo pasahero? Sabihin m kay manong driver, ‘catch’! Nakabayad ka na, may kalaro ka pa! You can’t have peace if you won’t increase your patience.

Learn to let go and overlook minor inconveniences. Hindi lahat sa atin ay exempted sa perwisyong traffic, sa mahabang pila, sa maiingay na kapitbahay, makulit na pamangkin, pasaway na drivers, at demanding na boss. Hindi lahat ng ine-expect natin at gusto natin ay available para sa atin. Kahit mga customer representatives na tinatatawagan natin ay may hangganan lang din ang kayang ibigay na tulong sa atin, kaya learn to let go of the situation and increase your patience.

Wag kang masyadong bugnutin. Maging ubas, wag maging pasas.

  1. Speak life

May kasabihan na “life is like a photograph, we develop from the negatives”. Tama nga naman, if not for the unfortunate events in our lives, we’ll stagnate and remain the same as before. Hindi tayo magiging overcomer if we don’t have trials to overcome.

Pero iba naman pagdating sa pagiging outspoken negative. When I say ‘speak life’, I’m saying that we have to use our mouth to encourage people, not to bring them down. Nakarinig ka na ba ng taong sobrang negative? Iba pa ito dun sa taong impatient. Sila yung wala nang ibang bukambibig kundi puro negative like “hindi natin kaya yan!”, “wala na tayong pag-asa”, “bagsak na tayo, ulitin na lang natin next sem!” Nakakahawa, nakakairita. Stressful sila kasi no matter how you try to find beauty and joy, para naman silang may radar sa mga ka-negahan ng mundo.

If you are a whiner, I encourage you to teach yourself how to appreciate. Simulan mo sa maliliit na bagay – thank the cashier who took your order, thank the cute college chick na nag-abot ng bayad mo sa jeep, magpasalamat ka kay Lord kasi ginising ka pa Niya kaninang umaga! Appreciation even the smallest detail. I tell you, mag-iiba ang perspective mo.

After you learn the habit of appreciating people, you may now begin to teach yourself the virtue of blessing people. Bless them with encouraging words. Bless them with uplifting statements. Sa dami ng mga depressing stories na tinatanggap ng tao araw-araw, dadagdag ka pa ba?

Speak life to people. Maiba lang, wag naman puro reklamo.


Inasmuch as try to not allow stress-passers to ruin our emotional boundaries, might as well bigyan din natin ng chance ang iba na pangalagaan ang mga emotional boundaries nila. Kung paanong pinahahalagaan natin na hindi tayo ma-contaminate ng kanilang ka-negahan, wag din natin silang i-contaminate. Wag kang tumawid sa bakod nang may bakod. No stress-passing.